---NARRATOR---
"Ate, kinukuha ka daw secondary sponsor ni Ms. De la Cruz sa kasal nya." Sabi ni Angelo habang kumakain ng Chippy. Nasa ospital ngayon si Emily para bisitahin si Lolo Erwin. Pero dahil nasa ward sya at binisita sya ng iba nilang kamag-anak, nag-stay muna sila nina Angelo, Angela, Aliya at Aura sa canteen.
"Oo nga. Magkikita kami next week, susukatan daw ako ng gown. Gusto mong sumama?"
"Aba, e sya ba daw ang mag-babayad? Sabihin mo kung hindi siya ang mag-babayad ng isusuot mo hindi ka na mag-iisponsor. Sino bang teacher yan?" Tanong naman ni Aura.
"Si Ms. Dela Cruz po at sila daw pong magbabayad ng gown." Sagot ni Emily, she took a deep breath knowing full well where the conversation is heading.
"Buti naman. Ang mahal mahal kaya ng patahi ng gown ngayon. Matanda na yung teacher mong yun diba? Bakit ngayon lang ikakasal?"
"E kasi Ma, ngayon lang nakakita ng forever." Sagot ni Aliya matapos hablutin ang Chippy kay Angelo.
"Sus, forever forever. Sayang lang pera nya. Yung ipang-kakasal nyang yan dapat ginamit nya na lang sa ibang bagay. Aba, magkano bang nagagastos sa kasalan ngayon. Kaya ikaw Emily, kung nagbabalak ka pang mag-pakasal, sa huwes na lang. Mas mura pa sa ganon."
"Ma, pano naman mag-aasawa yang si Ate Emily e wala namang jowa yan." Sabi ni Angela.
"Malay mo pa dami kayang DOM sa club." Tumatawang sabi ni Aliya.
"Nag-salita naman kayong dalawa jan. E kayo nga wala din namang boyfriend a! Baka nga kayo pa maging matatandang dalaga e." Inis na sabi naman ni Angelo sa mga kapatid.
"Kesa naman pokpok asawahin namin!" Inis na sabi naman ni Aliya, he glared at his younger sister pero imbis na tumigil si Angela she made a face at her brother.
"Tumigil nga kayong tatlo! At ikaw Angelo, nabalitaan kong pinupuntahan mo na naman si Gigi ha. Sinasabi ko na sayo, tumigil ka sa katigasan ng ulo mo. Kung mag-ggirlfriend ka yung babaeng matino naman ang piliin mo!"
"Matinong babae naman si Gigi a. Nag-tatrabaho sya para tulungan pamilya nya sa probinsya. Ang sipag sipag nga nya e!"
"Trabaho bang tawag sa pagpo-pokpok?" Ngisi ni Aliya, mabilis na tumayo si Angelo akmang lalapitan ang kapatid pero agad syang napigilan ni Emily.
"Tara Gelo, samahan mo ko sa taas. Magpa-paalam na ko kay Lolo. Kelangan ko ng umuwi e." Sabi ni Emily, hindi nag-salita si Angelo pero sumunod naman ito sa pinsan.
"Sumosobra na talaga yang si Aliya, habang tumatagal nagiging bruha nadin."
"Angelo, wag mo na lang patulan. Ganun talaga teenager na si Aliya. Phase lang yan, wag kang mag-alala. Tsaka imbis kasi na pagalitan mo sya itama mo. Mas lalong hindi makikinig sayo yun kung kagagalitan mo."
"E bakit ba ako mag-tatama sa kanya. Dapat si Mama nagtuturo sa kanya, siya dapat nag-tuturo ng tamang asal sa mga kapatid ko pero dahil number 1 bruha siya malamang puro ka-malditahan matututunan niya."
"Gelo, ano ba, nanay mo yun. Wag kang ganyan."
"E Ate, totoo naman a. Hindi man lang nya sinaway si Aliya nung inalipusta nya yung trabaho ni Gigi, samantalang siya din naman nag-pasok sayo dun dati a. So anong ibig nyang sabihin? Anong ipina-mumukha nya kina Aliya, mga pinsan mo sila halos ikaw na nga din nag-palaki sa kanila pero ang baba ng tingin nila sayo." Hindi nag-salita si Emily dahil nasaktan din naman siya sa sinabi ng mga pinsan at Tita, ayaw lang niyang ipaalam kay Angelo dahil alam nitong malakas ang impluwensya nya sa pinsan at as soon as she says something for sure sa kanya kakampi ang pinsan at mas lalong sasama ang tingin nito sa sariling ina.
BINABASA MO ANG
He Married the Stripper.
RomanceWhat happens when two different people from two different parts of society meet? What happens when the most eligible bachelor has to marry the stripper?