Reason Why.

1.5K 47 3
                                    

---EMILY---

Nakaupo na kaming tatlo sa loob ng gazebo. May mga snacks na inihanda ang mga maids nila, most of them were cakes and sweets. Tapos may coffee and tea din. Gusto kong i-try yung blueberry cheesecake kaso I feel too awkward. Masyado kasing seryoso yung pinag-uusapan namin ngayon and to think na si Lolo Al pala yung secret benefactor ko and siyang reason kung bakit ikakasal ako sa isang lalaking hindi ko kilala. 

Si Lolo Al, isa sa mga madalas pumupunta sa coffee shop na pinagta-trabahuhan ko part-time. Nang nagsimula akong mag-trabaho sa shop madalas na din siyang pumupunta doon, every day lagi ko siyang nakikita and everyday parati niya kong kinaka-usap hanggang sa naging close na ako sa kanya. Parating tinatanong kung okay lang ba ako at kung may maitutulong siya sakin. Palagi ko ding tinatanggihan ang tulong niya pati narin kalagayan ko, inilihim ko sa kanya. 

Sinong mag-aakala na alam naman pala nya ang lahat ng tungkol sakin?

"Ayaw mo ba sa mga inihanda ko, hija?" Tanong ni Lolo Al, nagka-kape kasi silang dalawa habang ako naman hindi gumagalaw sa kina-uupuan ko. Umiling ako.

"Lolo-- I mean, sir?..." Ngayon hindi ko na alam kung anong itatawag ko sa kanya. 

"Emily, Lolo Al ang itawag mo sakin, ako parin naman yung matandang parating nakikipag-kwentuhan sayo sa coffee shop. Yun nga lang ngayon magiging tunay na apo na kita." Nakangiti siya, hindi ko magawang ngumiti pabalik. Tumikhim ako at huminga ng malalim.

"Lolo Al, marami po akong tanong sa inyo and... sana po masagot niyo at ipaliwanag nyo sakin." Tumango naman siya at nakinig sakin.

Tinanong ko sa kanya kung bakit hindi niya sinabi sakin kung sino siya, kung bakit gusto niya akong tulungan at kung bakit kelangan ko pang magpa-kasal sa apo niya. 

Hindi naman daw niya gustong ilihim kung sino talaga siya, yun nga lang sa dami ng kwentuhan namin, kahit kelan naman daw hindi namin napag-usapan kung sino talaga siya.

Gusto daw niya akong tulungan dahil mabait daw ako, nakikita niya sakin na nagsusumikap ako hindi para sa sarili ko kundi para sa Lolo ko, naawa daw siya sakin ng makita kung pano ko nahihirapan sa araw-araw. 

Kailangan ko daw pakasalan ang apo niya dahil yun lang daw ang paraan para matulungan niya ako. Matanda na daw kasi siya at kahit na siya ang nagtayo ng kumpanya, hindi daw niya ko kayang basta-basta na lang tulungan lalo na dahil retired na siya at dahil narin sa company politics.

Sinabi din niya sakin na he chose Alexander coz he thinks I will be a good match for him, mabait daw kasi ako, mapag-mahal at matulungin, qualities na wala si Alexander. He wants me to teach his grandson to be more open to people and to change his views of them.

"Bakit kelangan kong maging open sa tao? I'm fine just the way I am." Inis na sabi niya.

"That's what you think, you don't even have friends."

"What? So you think I'm a recluse now?"

"Hindi lang yun ang dahilan. Dahil na rin sa tingin ko kelangan mo ng pamilya."

"PO?" Naguguluhang tanong niya, is he implying a grandchild, napalunok ako. 

"Lumaki kang walang pamilya. Ako lang ang nag-alaga sayo pati narin ang ilang mga yaya na nakasama mo noon." 

"Whose fault do you think that is?" Naiiritang sabi ni Alexander.

"I know it's my fault, kung hindi dahil sakin. Siguro mayroon kang masaya at buong pamilya. Patawarin mo ako, apo." 

"Tch, She's the one who needs the explanation, not me." Tumayo na siya at mabilis na nag-lakad palayo.

"His mother used to be... a little bit like you in terms of profession. Noong panahong yun, hindi ako open minded sa mga ganitong bagay. Sabi ng anak kong si Xander nag-mamahalan silang dalawa. Hindi ako naniwala that's why with all my power pinag-hiwalay ko sila. Hindi namin alam buntis pala siya, nalaman na lang namin ng dalhin siya samin ng kamag-anak niya. Namatay daw ang nanay niya at wala naman silang sapat na pera para itaguyod si Alex kaya kinuha namin siya."

He Married the Stripper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon