Tell Me Your Wish - Two.

554 19 0
                                    

---NARRATOR---

Sa linya ng trabaho nina Gigi, hindi naman talaga malabo na may makaalam ng totoong pangalan nila kahit na may mga ginagamit silang 'alias' pero ang bihira at halos hindi nangyayari ay ang may makaalam ng address nila. Madalas kapag may gustong mag-bigay ng regalo sa mga dancers at strippers, sa club nila ito iniiwan at ibinibigay ng personal.

The only reason clients would know their addresses and real names is if they give it to them at sa tagal na ni Gigi sa industriya, kahit kelan ay hindi pa nya ibinibigay ang address nya sa kahit na sino. So clearly whoever's giving her the flowers stalked her and found out through shady means.

"Baka naman yung pinsan ni Ems nagpapadala sayo?" Sabi ni Charie kay Gigi habang nag-bibihis sila.

"Hindi. Yun din naisip ko pero tinanong ko sya agad tsaka sa itsura nung mga bulaklak mukhang mamahalin, hindi kayang bumili ni Gelo ng ganun. Walang pera yon at malamang patay yun sa nanay nya."

"Oy, kayong dalawa. Ayan na naman kayo, pinag-chichismisan nyo na naman mga customers nyo." Saway sa kanila ni Ate Cora.

"Yung stalker lang naman ni Gigi pinag-uusapan namin, Ate." Katwiran ni Charie.

"Ay oo nga pala, ano na nga palang nangyari dun?"

"Ganun parin, Ate. Pangatlong gabi nang nag-iiwan ng regalo sa apartment ko."

"Puro bulaklak lang naman binibigay sayo diba?" Tanong nya, tumango si Gigi.

"Kung ganon naman pala, baka harmless naman kung sino mang admirer yan. Isa pa, hindi naman to ang unang beses na may nakaalam ng tunay mong pangalan, wag mo na lang pansinin, titigil din yan. Wag ka na lang masyadong ma-praning. Sige na, mag-ayos na kayong dalawa, sunod na kayo."

Hindi nga ito ang unang beses na may nakaalam ng tunay nyang pangalan, may ilang mayayamang clients na ang nagpa-imbestiga tungkol sa kanya but most of them did it for their own protections and once they knew who she really is, inaamin nila kay Gigi kung bakit nila ginawa ito but this time, no one has said anything yet.

She doesn't want to scare herself by thinking too much about it, isa pa wala namang ginagawa ang salarin kundi ang mag-iwan ng bulaklak at notes sa apartment nya. Tama nga siguro si Ate Cora, malamang nag-papansin lang ito sa kanya, malamang isa yon sa mga customers nila sa club at nahihiya lang mag-pakilala.



Thursday at night off ni Gigi sa club kaya naman naisipan nyang bisitahin si Emily dahil matagal nadin silang hindi nagkaka-sama naisipan ni Emily na doon na lang matulog si Gigi dahil narin namiss nya ang kaibigan. Agad din namang pumayag si Gigi dahil narin sa stalker nya. This is the first night she doesn't have work at the club ever since her stalker started leaving presents for her and as much as she doesn't want to admit it. Medyo natatakot sya sa kung anong pwedeng mangyari kapag pumunta ulit sa apartment nya ang stalker at naroroon sya.

Despite being really close to Emily like a sister, isa ito sa mga taong hindi nya sinabihan tungkol sa stalker nya, dahil alam nya na kapag nalaman ni Emily mag-aalala ito para sa kanya and with everything going on in her friends life, ayaw na nyang maka-dagdag pa rito. 

Nag-luluto si Emily at Gigi ng dinner ng dumating galing sa office si Alex at may mga bitbit na shopping bags and as soon as Emily saw him, napa-iling ang dalaga. Dahil sa logo palang ng mga bags na dala ni Alex, alam na nya kung ano na namang binili nito. Habang si Gigi naman ay hindi makapaniwala sa nakikita.

Kung titingnan mo kasi si Alex, you'll never know that this handsome businessman actually enjoys shopping. He used to only shop for clothes but when he started living with Emily and realized how his place lacks a lot of the essentials he started to enjoy buying appliances and even groceries too, in other words as long as he can spend his money he's happy. Kung tutuusin nga Ed is teasing him about how he's the local version of Rebecca Bloomwood. Of course, he didn't know who that was but with a little googling he accepted the title wholeheartedly. 

He Married the Stripper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon