---NARRATOR---
Nasa bar si Emily, kasama ang ilang kaklase at schoolmates, nang biglang dumating ang grupo nina Miggy. Naupo sila malapit kina Emily at nag-simulang mag-kwentuhan.
"OMG?! Really? Si Lewis Natividad, ikakasal na? Wow ha! Ang bilis naman!" Malakas na bulalas ni Miggy. Patago niyang tiningnan ang grupo nina Emily para masiguradong nakikinig ang mga ito.
"Oo girl! Diba nag-punta sa Canada yun nung college tayo?!" Malakas ding sabi ni Queenie.
"Halika Ems, dun tayo sa table." Yaya ni Era, isa sa mga kaklase ni Emily noon na hindi nagpa-apekto sa mga bulung-bulungan tungkol sa kanya.
"O Ems! Anjan ka pala!" Sabi ni Patty, para mapigilan ang pag-alis ng grupo.
"Ems, naaalala mo pa ba si Lewis?" Tanong ni Patty sa kanya.
"Patty, sira ka ba? Syempre hindi niya makakalimutan si Lewis. Ex nya yun diba?!" Tumatawang sabi ni Miggy.
"Ahhhh. Oo nga pala, so ikaw nga ba yung iniwan nyang girlfriend nung nag-Canada siya?" Tanong ni Queenie.
"Malamang siya, si Emily nga yung girlfriend diba? Hanggang ngayon talaga Queenie medyo may pagka-tanga ka parin no?" Inis na sabi ni Era, sumimangot si Queenie at mag-sasalita sana pero pinutol siya ni Miggy.
"Curious lang ako Emily, bakit ka nga ba iniwan ni Lewis? Alam mo bang sabi nina Tony na after nyo daw..." Tiningnan siya ni Miggy mula ulo hanggang paa at ngumisi.
"...nag-break daw kayo. Was it that bad? I mean... so ano after kang tikman iniwan ka na lang?" Tinitigan ni Miggy si Emily, hinihintay ang magiging reaksyo ng dalaga.
"Yung totoo Miggy, hanggang ngayon ba hindi parin napapagod bunganga mo sa kaka-chismis? When are you gonna fix your mouth? Figuratively and literally speaking?" Naka-ngiting tanong ni Emily, pero puno naman ng lason ang binitawan nyang salita dahil isa sa mga insecurities ng dating kaibigan ang sungki sungki niyang ngipin.
Namula ang mukha ni Miggy. This is not the reaction she wanted from her. Hindi niya hahayaang basta na lang siya ipahiya ni Emily. Si Emily na kina-i-inggitan niya, si Emily na dating hawak ang buong school sa palad niya, si Emily na palaging pinag-kaka-guluhan at pinupuri ng lahat. Si Emily na nag-laho na lang bigla matapos ang dalawang taon sa college. Bakit ba mas gusto parin siya ng mga tao kahit na hindi naman siya nakapag-tapos? Mas successful siya kesa sa kanya. Nakapag-tapos siya ng MassCom sa isang sikat na unibersidad. Nagta-trabaho siya sa isang sikat na radio station. Pero bakit si Emily parin ang pinupuri at pinag-uusapan ng lahat? Kailan ba siya mapapansin ng mga kaklase at teachers nila? She can't let her have the last laugh. Nag-punta siya sa reception na to para patunayan sa lahat na mas magaling siya kay Emily. Na after all these years siya ang mas nakaka-angat.
"Paanong magiging chismis ang sinasabi ko kung puro katotohanan naman lumalabas sa bibig ko? Diba nag-break kayo ni Lewis kasi nag-sawa siya sayo? Hinintay pa nga nyang makarating siya sa Canada bago siya makipag-break e para hindi mo siya mahabol, diba?"
"Okay, edi tama nga si Ems, chismosa ka parin talaga hanggang ngayon Miggy coz none of those statements are true." Napalingon silang lahat sa pinang-galingan ng boses.
"OMG! Lewis!" Bati ni Era sa dating kaklase, lumapit ang lalaki at nag-hi sa mga kaklase at kaibigan, tumigil ito sa harap ni Emily at ngumiti.
"Hi Ems, I missed you. Payakap naman?" Ngumiti si Emily at niyakap si Lewis.
"WOW naman! Ang sweet!!" Tili ng ilang kaklase nila.
"Teka, pero diba... ikakasal ka na?" Sabi ni Patty.
BINABASA MO ANG
He Married the Stripper.
RomanceWhat happens when two different people from two different parts of society meet? What happens when the most eligible bachelor has to marry the stripper?