---EMILY---
Kakatapos ko lang sumayaw sa stage at sinalubong na agad ako ni Ate Cora, pinagpalit ng damit at inayusan ulit. This time pinaalis na sakin yung suot kong skin tone na tube at pinasuot sakin yung bejeweled midriff na halos hindi na matakluban ang dibdib ko. Kaparis naman nun ang isang micro mini na shorts, kung pano ko napagkasya yun. Hindi ko din alam.
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.
Hindi ako to.
Hindi ako yung nakikita ko sa salamin.
Hindi ko to dapat ginagawa.
Pero pano?
Pag hindi ko to ginawa, pano na si Lolo?
Emily. Tatagan mong sarili mo, alalahanin mong para kay Lolo to. Kayanin mo to.
"Ems, siguro ka na ba dito?" Tanong sakin ni Gigi. Katulad ko, labas na din ang buo niyang katawan at dalawang manipis na tela lang ang nagtatago sa pagkatao niya. Tumango ako.
"Kailangan e." Niyakap niya ako.
"Halika na Emily, may customer ka na." Sabi ni Mother G.
Sumonod ako sa kanya at lumabas ng dressing room.
"Unang gabi mo palang pero swerte ka na. Nasa VIP room ang customer mo, mukhang bigtime, hindi na namili ng iba pa, ikaw talaga ang gusto. Kaya sinasabi ko sayo Emily. Umayos ka, pag nagawa mo to ng ayos, baka malaking i-tip sayo at pag nagkataon, 30% nun sayo na."
Dumating na kami sa isa sa VIP room ng club, at bago buksan ni Mother G ang pinto, humarap siya sakin, hinawakan ang pisngi ko at tumingin sa mga mata ko.
"Emily, kung hindi mo kaya sabihin mo lang sakin, last chance mo ng magdecide kung tatakbo ka ba o itutuloy mo to. Kaya mo ba?" Huminga ako ng malalim at pumikit. Pag mulat ko tumango ako.
"Masyado kang mabait, hindi para sayong buhay na to." Umiling siya at tinapik ang balikat ko.
"Malupit talagang mundo." Binuksan niya ang pinto at binati ang lalaki sa loob, malamig ang buong kwarto, nag-taasan ang balahibo ko sa ginaw.
This time hindi na ko nakatungo, isa sa job description ng mga tumatable o kahit na sinong humaharap sa customer ay ang pagiging confident, tingnan mo sa mata ang mga ka-table mo, matuto kang makipaglandian ng gamit lang ang mga mata mo.
Lumabas na si Mother G at naiwan kaming dalawa ng lalaki sa loob ng kwarto. Nakatitig lang siya sakin at gunun din naman ako, nakaupo lang siya sa sofa, nakasandal at nakade-kwatro, may hawak na yosi ang kaliwang kamay at baso naman ng brandy ang kanan.
Isang tingin ko palang alam kong siya na ang epitome ng tall, dark and handsome. Isa pang napansin ko sa kanya mukhang bata pa sya, siguro late 20's. Usually kasi mas matatanda sa kanya ang nag-pupunta dito. Mga DOM.
"Maupo ka." Sabi niya, napalunok ako pero hindi ko pinahalatang natatakot ako, naupo ako sa tabi niya. Hindi ko alam ang gagawin ko, ang payo sakin ni Gigi, tabihan ko lang sila, ipaglagay ng inumin at makipag-usap.
Kakaupo ko pa lang pero litong-lito na ko, pano ko siya ipaglalagay ng inumin ngayong meron ng laman yung baso niya? Ano pating pag-uusapan namin? Hindi siya nagsasalita.
Pero sa una niyang sinabi...
sana tumahimik na lang kami at nagtitigan.
"Emily Morales, tama?" Tumingin siya sakin.
Napalunok ako. Sa club na to, tanging mga nagta-trabaho lang dito ang nakakaalam ng totoong pangalan ng isa't-isa. Codenames lang ang binibigay sa mga customer, kaya pano niya nakuhang pangalan ko?
BINABASA MO ANG
He Married the Stripper.
RomanceWhat happens when two different people from two different parts of society meet? What happens when the most eligible bachelor has to marry the stripper?