His Life.

2.3K 42 4
                                        

He walked with an air of elegance and superiority. 

Nodding his head to the people he passes by without another glance or even a smile.

Making everyone he talks to turn to stone with fear.

The people he glances at turns to jelly with nervousness.

He rules the building with power and supremacy.

Everybody fears him.

Everybody hates him.

But they can't help but follow his words, and love him.

---Alex---

Bumaba ako ng sasakyan ko at agad na binati ng mga tao ng pumasok ako sa building. Lahat sila nanginginig pa sa takot, yung mga babae nagkakandarapa din sa pagbati sakin. Tumango lang ako sa kanila at nagpatuloy sa paglalakad papunta sa private elevator.

Pagdating ko sa top floor na siyang opisina ko. Binati ako ng isang matangkad na babae, mahaba ang legs at makinis.

"Good morning sir." Ngiti niya sakin, kumapit siya sa leeg ko at akmang hahalikan ako. Madahan ko siyang itinulak palayo.

"You're fired." Yun lang at dumiretso na ko sa office ko.

Pagpasok ko sa loob ay nadun na ang executive secretary kong si Gina. Medyo matanda na siya, 45 years old. Mabait, capable at matalino. 

"Good morning Sir Alex, dadating na maya-maya ang bago mong secretary."

"Thanks Gina."

"Bakit ba kasi napakahilig mong makipaglandian sa mga sekretarya mo? Marami ka namang nakukuha sa labas. Pinahihirapan mo lang ang HR department sa madalas mong pagpapalit." Naiiling na sabi ni Gina. Ngumisi ako.

"Because it's fun."

Ako si Alex. Alexander Altamerana III. 28 years old.  

Mayaman.

Binata.

Unattached.

CEO din ako ng isa sa pinakamalaking kompanya sa buong mundo. Yun nga lang, hindi pa ako ang tunay na nagmamay-ari. Isa lang ako sa maraming nag-aasam na maging tagapag-mana ng lahat ng ito.  

Si Lolo parin ang may hawak ng lahat ng ito, isa siya sa mag-dedesisyon kung sinong mamumuno sa buong kompanya.

Anak ako ng isa sa limang anak niya, ang ama ko ang panganay. Natural lang dapat na sa pamilya namin mapunta ang pamamahala ng lahat ng ito. Syempre, dahil si Papa ang unang anak, by tradition, siya ang tagapagmana. 

Pero kahit na ganun, hindi parin napunta sa akin ang titulong yon. Kahit na sa ama ko, hindi rin.

Bakit?

Dahil isa akong illegitimate child.

Anak ako ng isang mahirap na babae, sabi pa ng ibang mga kamag-anak ng ama ko, pokpok daw ang nanay ko. 

Hindi ko alam, dahil sanggol palang ako ng mamatay siya, tanging sa mga sabi-sabi at kwento ng mga chismosa kong kamag-anak ako nagbase ng kaalaman tungkol sa kanya. 

Sabi nila, playboy ang ama ko, parang katulad ko, mahilig makipaglaro sa mga kababaihan. Nagkataon na ang nanay ko ang madalas na nakakasama niya noon, hindi ko alam kung marunong ba silang mag-ingat o hindi, basta pagkatapos ng huling gabi nilang magkasama, dun ata ako nabuo.

Hindi alam ng ama ko dahil nagpakalayo-layo daw ang nanay ko, hindi rin nila alam kung bakit niya ginawa yun, ang sabi pa nila siguro daw dahil mahirap pa sa daga ang nanay ko kaya ng ipanganak ako, namatay siya, nahirapan daw siguro o ewan. Nakuha lang daw ako ng ama ko dahil binigay ako ng kamag-anak ng nanay ko.

Mga kamag-anak na binayaran ni Lolo, pagkatapos mapatunayan na anak nga ako ng ama ko. 

At dahil nga anak ako ng isang babaeng bayaran, sabi ng iba naming kamag-anak, hindi daw ako karapat-dapat na maging tagapag-mana. Kung bakit nasali ang ama ko sa kapalaran kong iyon e hindi ko din alam.

Basta ang alam ko, lahat ngayon ng apo ni lolo ay naghahangad at nag-aagawan sa pwestong iyon.

Sa totoo lang wala naman talaga kong pakialam noon sa kung may mamamana ba ako o wala, kung magiging presidente ba ang isa sa amin ng ama ko o hindi. Masaya kasi ako sa buhay kong papetiks petiks lang, walang mga pinoproblema at nagpapakasaya lang, but that was 8 years ago.

Simula noong bata pa ako, madalas na akong tinutukso at binubully ng mga pinsan ko, ni isa sa kanila e gusto akong maging kaibigan. Noong maliit pa ako, pinagsisiksikan ko pang sarili ko sa kanila, pero ng lumaki na ako at nagka-isip. Hindi na ako pumayag ng pinagtutulakan lang ako. Nagbago ako at pinagbuti ang sarili ko hanggang sa hindi na nila ako kayang saktan. 

Nang nagbinata ako, naging mabisyo ako at puro babae lang ang inaatupag ko. Tinigilan na din ako ng mga kamag-anak ko, siguro dahil naisip nilang wala naman silang mapapala sa pakikialam sa akin at dahil wala rin naman akong pakialam sa kayamanan ng pamilya.

Sa laki ng pamilya namin si Lolo lang ang nagtatyaga sakin, siya lang ang nagmamalasakit sakin at umu-unawa. Siguro dahil nadin doon kaya bumalik na naman ang inis at inggit sakin ng mga kamag-anak ko. Nagsimula ulit sila sa panggulo sakin at sa pang-aalipusta.

Nag-simula akong mag-bago noong 20 years old ako. May party na naman sa main house noon, kung ano mang sine-celebrate namin hindi ko na maalala.

"Bakit ba hindi ka na lang umalis? Hindi ka pa ba napapagod sa kakahingi ng pera kay Lolo?"

"Katulad ka talaga ng Nanay mo, mana ka talaga sa pamilya  nila. Mga gahaman sa pera."

"Umalis ka na dito. Wala kang kwenta."

"Kahit kelan, hindi ka din naman magiging tagapag-mana dahil bobo ka, katulad ng Nanay mong pokpok!" 

Hindi ko din alam kung bakit ko sila pinatulan nung araw na yon, siguro dahil punong-puno na ako. O dahil bored ako? Maalin man doon, tumayo ako at hinawakan sa kwelyo ang isa sa mga pinsan ko.

"Sinong bobo? Gusto mo bang malaman kung sino satin ang mahina, walang kwenta at bobo? Tss. Gusto mong maging tagapag-mana diba? Tingnan lang natin kung sinong bobo at lulubog sating lahat." Binitiwan ko siya at naglakad palayo.

Nang araw na yon, kinausap ko ang lolo ko at sinabing gusto kong magtrabaho at maging tagapag-mana ng kumpanya. Syempre, natuwa siya at mabilis na inayos ang lahat, at sa loob nga lang ng ilang taon naging CEO na ako at hindi lang basta-basta CEO dahil ako ang pinakabatang CEO sa aming lahat. 

Konting tiis na lang at konting kayod na lang, malalampasan ko nadin sila, at maiiwan sa putikan.

"What's the agenda for today? Nakapagpa-reserve ka na ba sa Aristocrats para sa meeting ko mamaya? Naipadala mo na din ba kay Geraldine ang regalo ko?" Tanong ko kay Gina.

"Actually sir, lahat ng meetings at commitments niyo for today has been canceled." 

"WHAT?! Anong ibig mong sabihing canceled? Mahalagang lunch meeting ko."

"I know sir, pero... utos po ng presidente. Utos po ng Lolo niyo." 

He Married the Stripper.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon