Chapter 2:*First Date*

1K 31 1
                                    

Chapter 2:

          *First Date*

Nakarating ako sa room nang inaalala kung ano ang sasabihin ko kay Jun. ngayon na kasi yung sinasabi niyang sagutin ko na daw ang offer niya saakin na magpanggap kami na mag-on. Pero paano ko sasabihin sakanya na may Boyfriend na ako at yun ay si Justin na fake boyfriend ko.

Konti lang kami ngayon ang nandito sa school. Umpisa na kasi ng SEMBREAK. Kaya lang kami nandito kasi may ipapasa lang kami sa isang major subject namin.

Kinakabahan na talaga ako sa mangyayare kapag nasa tabi ko na si Jun. sana dumating yung BOYFRIEND ko kuno! Umupo ako sa upuan ko sa pangalawang row. Yung mga ka-grupo ko sa nasa likudan ko na. natapos na kasi namin yung pinapagawa saamin kaya ipapasa nalang namin ngayon.

Alam ko na!

Kinuha ko ang Cellphone ko sa bag ko at tinext si Justin.

Ako:

          Justin. Help me. Ngayon ko na kasi sasagutin ang tanong niya saakin, na kung papayag ba ako o hindi. Kinakabahan na talaga ako. Baka umurong kasi ang dila ko. Alam muna!!

Matapos kung magtext. Naghintay ako ng ilang minuto, baka kasi mag reply siya. Pero WALA eh! Hindi siya nagtext. Baka naman niloloko lang ako ng lalaking yun. Baka iiwan niya lang din pala ako sa ere. Pero hindi eh! Base sa nakikita ko desidido din siya na tulungan ako. Pero kung desidido talaga siya dapat nagtitext na siya ngayon….

Hay! Hindi ko na alam. Kinakabahan na talaga ako.

Tumingin ako sa pinto ng room. Nakikita ko na si Jun na papalapit sa upuan ko.

OMG!

Justin. Help me!!

Kinuha ko ang bag ko at kunyare may hinahanap. Habang nararamdaman ko si Jun na tumabi sa upuan ko.

“Ano na!!” pambungad niya saakin.

Nanlaki kaagad ang mata ko. OMYGOSH… Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dapat pala hindi nalang ako pumasok ngayon eh. Ang problema naman kung hindi ako pumasok ngayon hindi nila ako isasali sa gumawa ng project na ipapasa ngayon. BADTRIP talaga…

Unti-unti kung tinaas ang ulo ko para Makita si Jun na nasa tabi ko  habang hinihintay ang sagot ko.

Ibubuka ko na sana ang bibig ko para magsalita ng biglang sumigaw ang mga kaklase ko nang “SI JUSTIIN. NANDITO”

Napatingin kaagad ako sa may pinto at hindi nga ako nagkamali. Nandito si Justin. Tumingin ako sa tabi ko napatingin din siya doon.

“Hi Babe” kumaway si Justin at lumapit saakin.

Napanga-nga ako sa sinabi niya. Babe? Ako ba yung tinawag niya..?

Ou nga pala April. Fake Boyfriend mo siya… nawawala kana ata sa sarili mo.

Habang nakanganga ako. Naramdaman kung kinuha ni Justin ang bag ko at nilahad ang kamay niya saakin.

“Want to Date?” nakangiti niyang sabi.

OMG! Ang wafu ni Justin. Tumingin ako sa katabi ko. Nakatingin lang siya saamin. Mukhang hinihintay niya ang sagot ko sakanya. At mukhang hinihintay niya din kung papayag ba ako sa pagyaya saakin ni Justin.

Nginitian ko si Justin  ng kakaiba at sinenyasan ko…

“Oh I forgot… by the way guys!” kinuha niya ang buong atensyon ng kaklase ko… “This Girl is my GIRLFRIEND”

Matapos nun. Nakita ko ang kaklase kong nagwala. Kahit naman may iba akong mahal. Alam ko parin ang latest sa mga hearthrob ng school namin. Updated kaya ako!! Ikaw ba naman palibutan ng mga taong mahihilig mag stalk sa mga gwapo ng school. Hindi ka ba naman mahahawa….

You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon