Chapter 24:
*Vacation*
Isang buwan na kami dito. Pero parang gusto ko na bumalik ng Manila. Huhuhu!! No internet, no signal. Ang totoo lang talaga?!
Nandito kami sa dalampasigan ni Angela, naglalakad lakad lang. ang sarap kasi dito kapag ganitong hapon at palubog na ang araw.
“Ate look” at tinuro naman saakin ni Angela ang isang shell na naglalakad. Suso ata tawag doon.
“Ate ang ganda” hinawakan ko kasi. Medyo nakikiliti nga ako eh.
“Hold it Angela” at nilahad din naman agad ni Angela ang kamay niya.
“Ate nakakakiliti” sabi niya habang nakangiti.
Natatawa tuloy ako sakaniya.
Sana bata nalang ulit ako para hindi ko nararamdaman ang sakit at pangungulila ko sakniya. Hay! Kahit na hindi ko siya pinapansin at palaging tinatalikuran, alam kung hindi niya ako susukuan. Pero paano kung sumuko na pala siya ngayon? Kaya ko ba?
“Aray!” sigaw ko. Paano naman kasi sa sobrang lalim ng iniisip ko nabangga ako sa isang lalaki, dahilan para mapa upo ako sa buhanginan.
“Sorry”sabi niya. Teka parang pamilyar saakin yung boses niya.
Agad agad kung tiningnan kung sino siya. Si Jun?
“Bakit ka nandito?” tanong ko sakaniya
“Ha! Nandito din kasi sila” at sabay turo niya sa likod ko.
Pagtingin ko nandito si Eunice, Clarisse at Jade. Hinanap ko pa ang buong paligid baka kasi.. erase erase.
“Hello April. I miss you” at niyakap na ako nung dalawang babae.
“Teka! Hindi ako makahinga” nagtawanan naman sila.
Nang kumalas sila saakin doon lang ako nakapagsalita.
“Bakit kayo nandito?” tanong ko
“Obvious ba. Magbabakasyon kami dito. Pero 1 week lang”
“Weh”
“Ou nga!!”
“Bute naman. Boring na ako dito eh” sabi ko. Ramdam ko naman ang paglapit saakin ni Angela at mangha pa din sa hawak hawak niyang suso.
“Ate sino sila?” tanong niya saakin.
“Angela sila ang mga kaibigan ko. Si Ate Clarisse” tinuro ko naman si Clarisse. “Si ate Eunice”
“Si kuya Jade at Kuya Jun”
“Hello po” bati niya
“April hindi mo naman sinabi saamin na may kapatid ka pala. At ang cute ah” sabi ni Eunice
Ngumiti nalang ako saknila…
“Ate where is Kuya Justin?” tanong ni Angela saakin.
Halos mapanganga ako sa tinanong niya saakin.
“I don’t know” tugon ko.
“April. Hindi namin siya kasama kasi nag Vacation ata sila sa ibang bansa” sabi ni Clarisse saakin.
“Ok lang noh! And besides hindi ko siya hinahanap”
“Weh” sabi ni Jun. pinandilatan ko siya ng mata.
“So let’s go guys” at niyaya ko na sila sa loob ng bahay.
Sila lolo at lola tuwang tuwa. Sa wakas daw may bisita daw sila. Sila mama naman ganun din masaya. Atleast daw hindi kami nababagot dito kasi daw may kasama kami.
BINABASA MO ANG
You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSi April kilalang bestfriend ni Carol Auguis. Kilalang number one fan ng Bakulaw and Halimaw Loveteam. Sinong magaakala na itong babaeng ito ay magkakagusto kay Jun na kaklase niya at dahil sa itong Jun na ito ay may mahal na iba. Gusto niyang gamit...