Chapter 15:
*Conversation*
A/N: ito na po ang POV ni Jinlex at Justin… sensya na kung ano kakalabasan nito… hahaha
---------------------------------------------------------------------
Jinlex POV
Sh*t…
“Justin alam mo naman siguro na gustong gusto ko siya”seryoso kung tanong sakanya habang serysong tinitingnan siya. Nandito na kami ngayon sa Condominium sa may rooftop naguusap.
Hindi siya sumagot…
“Justin tapatin mo nga ako”
Bumuntong hininga muna ako “May gusto kanaba kay April?”
Tumawa siya ng pilit bilang tugon sa tanong ko…
“Justin… answer me. Alam mo naman diba? Alam mo na mahal ko siya? Kaya nga tayo umabot sa ganitong sitwasyon diba?”
Tahimik lang siya na nakatingin sa tanawin na nakikita niya sa Rooftop.
“Justin answer me”
Tumingin siya saakin ng seryosong seryoso… “Paano yan Jinlex mukhang pareho na tayo ngayon”
Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nasuntok ko siya sa mukha na kinadahilan ng pagkaka-upo niya…
“Una palang Justin binalaan na kita… binalaan na kita na pwede mo siyang maging fake Girlfriend kung tutulungan mo akong mapalapit sakanya. Pero ngayon anong ginawa mo!! Justin kung hindi mo ako kayang sundin bilang kapatid, kahit kaibigan nalang sundin mo naman ako… alam mo naman na simula bata pa tayo siya na talaga ang gusto ko… Justin. Kahit siya lang ipaubaya mo naman siya saakin”sabay talikod ko sakanya.
Akala ko magiging akin na siya sa oras na napalapit ako sakanya. Pero nagkamali ako, yung akala ko palang solusyon sa problema ko yun din pala ang magpapalala ng pinagdadaanan ko…
Nakarating ako sa floor namin at agad pumasok sa unit ko. Dumiretso agad ako sa kwarto ko at pinagmasdan ang litrato ng babaeng kaisa-isang nagpatibok ng puso ko.
[-FLASHBACK-]
“huhuhuhu”
“Ah lampa, lampa, lampa, lampa” asar saakin ng mga kaklase ko. Sa halip na awayin sila pabalik patuloy lang ako sa pagiyak.
“Huhuhuhu”
“lampa, lampa, lampa”
“Justin nasaan kana kasi huhuhu” hindi ko alam kung saan nagpunta si Justin nung oras na yun. Sa amin kasing dalawa si Justin ang matapang. Siya palagi ang nagtatangol saakin kapag inaasar ako. Hindi ko nga alam kung bakit ayoko lumaban ng mga panahong yun, natatakot kasi akong mapagalitan ni mama. Kaya sa halip na awayin sila iyak nalang ang naisusukli ko.
“Hoy!! Kayong mga” napatingin ako doon sa boses babae. Nakita kung nagbilang siya “Isa, dalawa, tatlo, apat, lima. Tama limang panget na lalaki. Tigilan niyo nga si kuyang pogi. Porket ang dami niyo inaaway niyo na siya”
Nakatulala lang ako doon sa batang babaeng inaaway na ngayon ang mga nangaaway sa harapan ko…
“At sino ka naman si DARNA.?” Sabay sabay na asar ng mga nam bu-bully saakin.
Matapang na humarap yung babae doon sa limang batang lalaking nangaaway saakin “Ou ako si DARNA. Angal kayo?”
“Sige nga sample”
BINABASA MO ANG
You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSi April kilalang bestfriend ni Carol Auguis. Kilalang number one fan ng Bakulaw and Halimaw Loveteam. Sinong magaakala na itong babaeng ito ay magkakagusto kay Jun na kaklase niya at dahil sa itong Jun na ito ay may mahal na iba. Gusto niyang gamit...