Chapter 25:
*I’m back*
“Yes sa wakas nakabalik na din sa manila” bulalas ko habang nasa labas na kami ng Airport.
Isang lingo nalang pasukan na. dalawang buwan din kami doon sa probinsiya. Hay! Grabe namiss ko na si Carol. Gusto ko na siya maka-chat.
Teka ano nga ba ang ginawa ko sa loob ng dalawang buwan?
Simple lang nagliwaliw. After ko maikwento sakanila yun. Isa lang ang pinayo nila saakin. Yun ay ang ENJOY LIFE. Mga busit na kaibigan akala ko may makukuha akong matinong sagot saknila, pero di kalaunan na realize ko din naman agad ang sinabi nila. At ganun na nga ang ginawa ko. Pinaganda ko pa lalo ang katawan ko, nag pa TAN ako. Halos lahat ginawa ko doon, feeling ko nga lahat ng lugar doon sa Surigao nalibot ko na. sa kakagala! Pero siyempre kasama ko si Angela. Yun pa magpapahuli.
Sumakay agad kami ng taxi at agad na pumunta sa bahay. Grabe gusto ko matulog maghapon, sobrang pagod ako.
Namiss ko tuloy sila Lolo at Lola. Yung luto ni lolang sobrang sarap.
Agad din naman kaming nakarating sa bahay namin at inopen ko kaagad ang Cellphone ko. Grabe after 2 months ngayon ko nalang ulit ma o-open ito.
Pagkabukas na pagkabukas ko ang daming text ang sunod sunod na nagsipasukan. Hay naku! Nakakatamad magbasa. I think kailangan ko ng mag palit ng number at I think kailangan ko na din magpalit ng account sa facebook.
Imbes na matulog. Kinuha ko muna ang laptop ko at nagumpisang mag internet.
Pagkabukas na pagkabukas ko dito ang daming Notification.
1000 notif, 3605 friend request at 463 messages.
WTF ano na namang kaguluhan ito.?
Agad akong pumunta sa profile ni Carol at halos masuka ako sa mga post niya. Ang totoo lang sayo Carol, ang sweet niyong dalawa ni Miko. Halos convo niyo ang nandoon.
Pero bago yun, nag post muna ako sa kaniya.
“BFF. I’m back. Miss me?”
At pumunta kaagad sa profile ko at post.
I think I need to disappear :(
Hinanap ko kaagad ang chatbox. Grabe gusto ko talaga maka chat si Carol. At tamang tama online siya.
Me: Carol I miss you. Skype tayo dali…
Carol: I Miss you too. Sige wait lang.
Me: Ok.
At habang hinihintay si Carol ang dami na kaagad nag comment at naglike sa post ko.
Ano ba ang mero ngayon at ganyan ang mga tao.
Binasa ko isa isa.
“Why?”
“Bakit gusto mo mag laho”
“huhuhu”
“Bakit April?”
“Sobra na ba?”
Hindi ko na tinuloy ang pagbabasa, puro mga ewan ang comment.
At maya maya ayun na nakita ko na si Carol sa skype.
“Carol. I miss you” pambungad ko
“OMG! April ikaw ba yan. Ang ganda muna. Bagay sayo ang ayos mo ngayon”
“Thank you”
“Kamusta ang surigao?” tanong niya saakin
“Grabe ang saya. Sobra”
BINABASA MO ANG
You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSi April kilalang bestfriend ni Carol Auguis. Kilalang number one fan ng Bakulaw and Halimaw Loveteam. Sinong magaakala na itong babaeng ito ay magkakagusto kay Jun na kaklase niya at dahil sa itong Jun na ito ay may mahal na iba. Gusto niyang gamit...