CHAPTER 1: *Gentleman*

1.8K 32 0
                                    

Ang mahiwagang mensahe:

          Sa lahat po ng nakabasa na ng Chapter 1 ng storya na ito… akin pong ipinagpapaumanhin na ito po ay tatanggalin ko. Kasi po akin pong napagisip-isip kung saan ko dapat uumpisahan ang CHAPTER 1. Huhuhhu. Salamat po sa pang-unawa…. :)

--------------------------------

Sa lahat po ng magbabasa ng STORYA na ito… ito po ay BOOK 2 ng MY EX-BOYFRIEND TURNS INTO A HOLDAPER… so ibig sabihin po karugtong po ito… ang iba pong mga scene doon ay related po sa scene dito… ang akin lang pong maipapayo na pakibasa po muna ng MY EX-BOYFREIND TURNS INTO A HOLDAPER. Para po ating lubos na maunawaan ang STORYA na ito… MARAMING MARAMING SALAMAT PO :)

-----------------------------

Ang mga tauhan, lugar at mga pangyayare sa storya na ito ay pawang kathang isip lamang po ng manunulat…

Kaya po huwag po nating seryosohin… hahahaha :)

Nawa po’y akin kayong MAPA-IYAK, MAPATAWA at MAPAKILIG sa storyang ito… yun lang po… maraming maraming salamat po…

----------------

ENJOY READING XD

CHAPTER 1:

          *Gentleman*     

APRIL POV

          Alam niyo yung feeling na minsan ka na nga lang ma INLOVE. May kokontra pa?? ang bwisit noh??? Sarap pumatay ng tao. At isa pa yung taong nagugustuhan mo naman eh may mahal ng IBA… Paano naman ako!! HALER… Tao lang din ako at higit sa lahat nasasaktan din… bwisit na buhay to… ano ginawa lang akong KONTRABIDA sa isang pelikula. Ang galing talaga!! Sa sobrang galing parang gusto ko na lang umiyak sa bawat araw na nagdaan habang yung lalaking gusto ko eh nagpapakasaya sa taong mahal niya. Talaga bang pinaparusahan ako ng diyos at ganito nalang palagi. Lagi nalang akong luhaan pag pagibig ang pinaguusapan…

Kakauwe lang naming galing sa EK. Kung ako tatanungin may hindi magandan at magandang  naidulot ang pagpunta naming doon. Unahin ko muna ang HINDI MAGANDA. Una sa lahat kaya ko nasabing hindi maganda kasi ikaw ba naman ay pakitaan ng kaliwat kanang lambingan hindi ka mababadtrip… at ang mas malala pa doon naiingit ka sa tanawing nakikita mo… huhuhu grabe lang talagang pina mukha nila saakin na WALA AKONG LOVELIFE. At ang magandang nangyare sa papunta naming doon ay ang nakahanap ako ng isang taong solusyon sa tinatakasan kung problema si JUSTIN. Kahit na BROKEN HEARTED siya kay CAROL grabe ang sayang dinulot niya saakin. Nakahinga ako ng maluwag dahil tutulungan niya akong magpanggap na GIRLFRIEND niya para lang matakasan ko si JUN.

Aba kahit naman mahal ko yun. Hindi naman ako papayag na gamitin niya ako para lang paselosin yung EX niya na ramdam kung mahal niya pa. hindi bale nang masaktan ako sa tuwing makikita ko siya. Mas ok naman yun kesa sa gamitin niya ako para lang bumalik sakanya yung babeng pinakamamahal niya. Tapos sa huli ako lang din pala ang iiyak!! NO WAY… hindi ako pinalaki nila mama  na gamitin lang ng ibang tao… kaya bahala na!! mas ok ng magpanggap na girlfriend ni JUSTIN kesa sa gamitin ako ng paulit ulit ng taong Mahal ko…

“Hay!! Sarap humiga sa KAMA” sabi ko habang nakahiga sa kama.

Thank you talaga JUSTIN. Hulog ka ng langit sa tanong ko… ikaw lang pala ang sagot sa problema ko. Buti nalang talaga pinalaya muna si CAROL… kasi kung hindi mo parin pinalaya yun. Baka pati ako kamuhian ka. Eh certified Carol and Miko Kaya ako…

Pero ang sarap lang isipin na may tao pala talagang kagaya ni Justin. Kayang isakripisyo ang kaligayahn niya para lang palayain ang taong mahal niya. Saludo ako sayo. Ako kaya? Kaya ko kaya ang ginawa niya??

You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon