Chapter 7: *Picture*

750 27 5
                                    

Chapter 7:

*Picture*

 Isang lingo na din ang lumipas simula nung binigyan ako ng Ferrero ni Justin. Simula nung gabing yun, naging super duper close na kami! As in super na talaga… palagi ko na din nakaka- bonding si Jinlex, palagi na din kasi siyang sumasabay kay Justin pag papasok at pauwe. Medyo hindi na rin siya nauutal kapag kasama ako o kausap ako…

Nandito ako ngayon sa kotse ni Justin, lunes na naman kasi at sinundo niya na naman ako. Kahit nga anung pilit kung huwag na akong sunduin isa lang palagi ang sagot niya “hindi kapani-paniwala kung hindi kita ihahatid palagi sa school”. Hay naku!! Pero ok na din atleast nakakatipid ako sa pamasahe… hehehe.

“Uy April!” tawag saakin ni Justin

Tumingin ako sa kanya “Bakit?”

“Wala lang! ang tahimik mo kasi”

“Tss” at bumalik ulit ako ng tingin sa bintana.

Hindi naman sa ayaw ko magsalita. Wala lang talaga ako sa mood ngayon. Anong oras na rin kasi ako nakatulog kagabe kakapanuod ng Koreanovela. Hangang ngayon nilalasap ko pa ang masaya at nakakakilig na scene doon sa City Hunter. Bumili kasi ako nung nakaraang araw ng tape. Eh dahil sa sobrang adik ako sa mga Koreanovela. Hindi ako nagaral nung nakaraang araw tanging nanuod lang ako maghapon. At kagAbe ko lang siya natapos kaya wala ako sa mood na magsalita kasi gusto ko kiligin at lasapin ang palabas na yun.

“Hoy! Nakangiti kana diyan?”

Dahil sa lalim ng kakiligan ko, hindi ko na napansin na nakangiti na pala ako.

“Wala to!! May dinadamdam lang ako” sabi ko at binalik ko na ulit ang tingin ko doon sa bintana.

Gosh kinikilig talaga ako…

“Jinlex tingnan mo naman yang gusto mo. Baliw na”

Hindi ko masyado narinig ang sinabi ni Justin kay Jinlex pero isa lang ang maliaw sa pandinig ko. May narinig akong Gusto na salita doon. Napatingin ako kay Justin na ngayon ay may takip na ang bunganga. Tinakpan kasi ni Jinlex ang bibig ng kapatid. May nase-sense tuloy ako.

“Uy ikaw Jinlex ah… may gusto kana ba? Or may pinopormahan kanaba?” pabirong hirit ko. Napabitiw narin naman si Jinlex sa pagtakip sa bunganga ng kapatid.

“Ha! Wala ah” at iniwas ang tingin niya saakin.

“Sus! Alam mo ba April sa sobrang pagka-inlove niya doon sa babaeng yun. Pati ako nadadamay” hirit ni Justin

“Paanong pati ikaw nadadamay?” tanong ko.

Tiningnan ko si Jinlex na ngayon ay mukhang kinakabahan sa sasabihin ng kapatid niya.

“Kasi ang Torpe niyan” sabi ni Justin at sabay turo kay Jinlex.

“Naku! Sa panahon pa naman ngayon dapat hindi kana nagpapa torpe torpe. Kasi once na maunhan ka ng iba. Well sorry ka nalang” nakangiting  payo ko kay Jinlex.

“Diba Justin?” tumango naman si Mokong habang nakangiti.

Dahil sa kulitan namin sa sasakyan. Hindi ko na namalayan na nandito na pala kami sa harap ng gate ng school. Bumaba na kami isa-isa at ako ang naunang magpaalam. Matapos kung magpaalam patakbo akong pumunta sa room namin. 5 minuetes nalang kasi malalate na ako.

Takbo dito, takbo doon ang nagyare saakin. Hangang sa wakas nakita ko na din ang pintuan ng Classroom namin. Papasok na sana ako ng Makita ko si Jun na lumabas sa room namin. Teka saan naman kaya yun pupunta? Wala pa ba si Prof? sumilip ako sa room na nilabasan niya. At tama nga wala pa si Prof. tinanong ko ang  kaklase kung dadating ba si Prof ang sabi niya lang baka hindi kasi may pinuntahan daw. Matapos ko yung marinig umalis kaagad ako sinundan ko si Jun na ngayon ay unti-unting nawawala sa paningin ko.

You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon