Chapter 16:
*Fountain*
April POV
Kinaumagahan maaga ako nagising. Hindi ko alam kung bakit basta parang ginaganahan ako pumasok. Nag asikaso na ako papunta sa school. Pero nung natapos ako nagtaka ako kasi bakit hangang ngayon hindi parin nagtitext si Justin. Usually naman kasi ang aga magtext o di kaya tumawag nun. Pero bakit ngayon parang ni Ha ni Ho wala man lang siyang paramdam. Pero siguro susunduin niya ako ngayon, ang alam ko kasi wala naman silang Praktis ngayon kasi katatapos lang ng performance nila. Hahaha. Binilisan ko lang ang pagkain ayoko kasing paghintayin siya, nakakahiya!!.
Lumabas na kaagad ako ng bahay at nag abang sa may gate.
5 min… (Tingin sa relo)
10 min… (Tingin ulit) ang tagal naman nung lalaking yun.
15 min… (Tingin sa relo at cellphone) baka kasi magtext yun. Pero wala talagang text galing sakanya.
20 min… (inuugat na ako dito) matagal pa ba yun?
25 min… (check sa relo) 10 min. nalang malalate na ako. Ano ba yan ang tagal naman…
30 min… (Peste) late na ako…
Bahala na nga. Mukhang wala naman atang balak manundo yun. Bwisit!!
Kinuha ko yung bike ni papa at dali-daling pinaandar yun. May 5 min. nalang akong bumiyahe.. humanda ka talaga saakin Justin pag nakita kita.
10 min. ang nakalipas ng makarating ako sa gate ng school. Nyeta late na ako nito. Matapos kung maitabi yung bike ni papa agad akong tumakbo papaunta sa Building namen. Jusmiyo sa pangatlong building pa ang CAS kaya kumaripas na agad ako ng takbo. Napahinto ako ng may biglang nahagip ang mata ko.
Teka!! (Hinto)
Si Jun at Eunice. Nagtatawanan sa may Bench. Ang saya nila tingnan. Kaingit!! Hahaha…
“April” tawag saakin ni Jun.
Napatingin naman ako sa kanila.
Ngiti lang ang naisukli ko sakaniya.
“Oh april. Halika dito” yaya saakin ni Eunice.
Teka pupunta ba ako? Eh diba mala-late na ako.
“Ah kasi ano eh. Malalate na ako” paliwanag ko sakanila
“Ha!! Wala daw ang prof niyo absent. Kaya nga nandito ngayon si Jun eh. Kasi wala daw kayo class. Right Jun?”
Tumango naman kaagad si Jun…
O siya lalapit na nga ako. Nang nasa harapan na nila ako. Agad namang hinawakan ni Eunice ang kamay ko.
“April Sorry ah… sorry kasi muntik kana magamit ni Jun”
Taray alam niya yun?
“Ha! Oks lang yun. Hindi naman nangyare eh… hehehehe”
“Tsss”Jun. inisnaban ni Eunice si Jun.
“Ang cute niyo… bagay talaga kayo.” Puri ko sakanila.
Ngumiti naman sila “Thank you”
“Pero alam mo yung Justin bagay kayo”seryosong sabi ni Jun.
Ngumiti nalang ako… “Hehehe”
Speaking of Justin nasaan na ba yun? Bwisit yun hindi ako sinundo. Humanda talaga siya saakin.
“Ah Guys una na ako ah. May bubugbugin pa ako eh” paalam ko sakanila.
“oh sige.. make sure na duguan ah” biro ni Eunice.
BINABASA MO ANG
You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSi April kilalang bestfriend ni Carol Auguis. Kilalang number one fan ng Bakulaw and Halimaw Loveteam. Sinong magaakala na itong babaeng ito ay magkakagusto kay Jun na kaklase niya at dahil sa itong Jun na ito ay may mahal na iba. Gusto niyang gamit...