Chapter 14:*Hindi kaya?*

633 22 0
                                    

Chapter 14:

                   *Hindi kaya?*

--------------------------

A/N: HAPPY 6K sa My Ex-Boyfriend turns into a Holdaper :)

------------------------------

Mga bwisit na tatlong babaeng yun. Dahil tuloy sakanila hindi ako nakapasok sa first subject ko… nakakagigil ang putek sarap pumatay ng tao.. Grrrrrr…

“April”

Napatingin naman ako sa lalaking tumawag saakin.

“Oh Jinlex” nakabusangot ang mukha kung bati sakanya.

“Bakit ganyan ang mukha mo?”

“Ha!! Paano kasi. Busit na pulboron girl yun dahil sakanila. Hindi ako nakapasok sa first class ko”

“Ha! Puburon girl? Sino yun?”

“Ha!! Wala”

“Gusto mo… kain nalang tayo sa canteen para mawala yang pagkabusangot ng mukha mo?”

“Aha!! Good idea. Uy lam mo na ah. Libre mo na ha”

Napangiti naman siya sa sinabi ko… “Sure”

Hehehe.. ayos to libre sa pagkain…

Nang makarating kami sa canteen halos lahat ng tao doon nakatingin saakin or I mean saamin ni Jinlex… napatingin ako kay Jinlex nakatingin lang siya saakin, marahil nagtataka siya kung bakit ko siya tinitingnan. Hello!! Ako nga itong nagtataka sa mga tingin ng mga tao saamin eh, pero bakit parang sanay na sanay na si Jinlex sa mga tingin ng mga tao sakanya.

“Grabe si Jinlex ba yan? Bakit parang naging Nerd siya.. pero oks lang ang gwapo niya parin”

Napatingin ulit ako kay Jinlex, nakatingin lang siya saakin. Ang totoo lang sa lalaking ito. Wala ba siyang naririnig at ganyan ang mukhang pinapakita niya saakin. Ang saya niya kasi tingnan habang nakatingin saakin.

“Grabe sino na naman yang babeng yan?”

“yan ata yung babaeng Girlfriend ni Justin”

“Grabe ang kapal niya ah.. matapos niyang makuha si Justin kay Jinlex naman siya nanlalandi”

“Grabe siya pati ba naman si Jinlex lalandiin niya. Nagsawa na ba siya sa kapatid kaya sa isang kapatid naman siya. BITCH”

Napahinto ako sa paglalakad at ramdam ko ring napahinto din si Jinlex… nagpantig ang tenga ko sa mga sinasabi nila saakin. Lumapit ako doon sa limang babaeng naguusap o sabihin nalang nating nagpaparinig  saakin.

Nang nasa harap na nila ako. Lahat sila tinitigan ko ng masama… mukhang mapapasabak na naman ako sa away. Matapos ang pulboron girl kanina ito na namang mga tsismusang ito.

Kinuha ko yung Tin Can ng coke na nasa hapag nila. At pinipi ko iyon gamit lang ng isang kamay ko…

Nakakagigil!! Nanlaki ang mata nila sa ginawa ko. Mukhang natakot. Binato ko yung Tin can na hawak ko sa mesa nila at sabay talikod sakanila. Huwag nila akong subukan hindi nila alam ang kaya kung gawin. Nakita ko din si Jinlex na nakangiti lang sa ginawa ko… minsan nakakapagtaka talaga itong lalaking to. Siguro kung ibang lalaki yun magugulat yun sa ginawa ko, pero siya imbes na pagkagulat ang ibigay niya saakin ngiti ang binigay niya. Sa bawat ngiti niyang pinapakita saakin feeling ko ang tagal na niya akong kilala.

“Tara na nga!! Naaalibadbaran ako sa mga babeng yan na walang alam kundi pakialaman ang buhay ng ibang tao”

Tumango naman siya sa sinabi ko. Nang makaupo kami! Ganun parin ang mga tao. Nakanganga parin sa ginawa kung eksena. Mukhang hindi sila makapaniwala na kaya kung pipiin yung Tin Can na yun…

You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon