Chapter 29:*I Love you*

858 21 0
                                    

Chapter 29:

                   *I Love you*

Matapos ang araw na pinakilala ako ni Justin sa mga magulang niya. Halos araw araw nalabas kaming dalawa! Walang araw na hindi. Ewan ko ba doon. Kailangan niya daw bumawe saaki eh.

Ngayon naman hindi ko alam kung saan na naman ako dadalhin ng mokong na to.

“Justin saan ba tayo pupunta?” tanong ko sakniya

Kanina pa kasi kami nasa kalsada, pero hindi pa din kami nakakarating sa dapat naming puntahan.

“Secret” yan lang palagi ang sagot niya sa tanong ko. Eh kung sapakin ko kaya to! Ay huwag na sayang ang Face.

Sa sobrang haba ng pinuntahan namin. Hindi ko alam nakatulog na pala ako!! Paggising ko nakahinto na ang sasakyan at ngayon ay nandito kami sa harap ng simbahan?.

Tumingin ako sa tabi ko. Wala na si Justin.  Bumaba ako at pumasok sa simbahan para hanapin si Justin. Pero laking gulat ko ng Makita ko doon ang buong barkada na nakangiti habang nakatingin saakin. Ano na naman kayang pakulo nito ni Jutin. Nandito din sila Jinlex at mga kamag anak niya. Nandito din sila mama at lolo at lola. Teka lang! kasal na ba to.?

 [Picture sa gilid. yan po ang St. James]

Habang naglalakad ako papasok. Tiningnan ko ang kabuuan ng simabahan. Ang ganda niya! Sobrang laki. First time kong makakita ng simbahan na ganito ka ganda. Pero napako ang tingin ko sa isang lalaking ngayon ay malapit na saakin.

Si Justin.

Ni minsan sa isip ko. Hindi ito sumagi yung tipong magpapakasal kami. Pero teka lang naman! Kasal agad ni wala pa ngang proposal. Sabagay alam naman niya ang isasagot ko.

Nakarating ako sa harapan at agad niyang kinuha ang kamay ko.

“Justin ano na namang pakulo ito?” tanong ko sakniya.

“Papakasalan kita!” simpleng sagot niya. Seryoso ba talaga to?

“Weh?”

Tumawa nanaman siya. “Ang ganda mo talaga!!”

“Pero seryoso Justin. Ano na naman ito?”

“Papakasalan nga kasi kita”

“Eh bakit walang pari ha!”

“Wait ka lang diyan” pagkatapos niyang sabihin yun. Bigla ng lumabas yung pari.

Hala! Hindi nga siya nagbibiro…

“Justin. Pero hindi ka pa nga-” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan.

“Always love each other.” Biglang sabi nung pari. Ano yun? Shortcut? Bigla naman kasi akong hinalikan ng lalaking to eh? Ni wala pa ngang seremonya… huhuhu! Gusto ko yung bongang kasal eh… bakit ganito?

“Let’s go”

Sumama naman ako sakaniya at nagsialisan din ang mga tao doon. Dinala ako ni Justin sa isang reception.

Totoo ba talagang kasal na kami! Huwahhhh. Para ngang ewan lang yung kanina sa simbahan eh. Nandoon na din sila Carol kasama ang mga magulang ko.

Sasapakin ko na talaga itong si Justin.

“Justin di nga totoo ba yung kasal kanina?” tanong ko sakniya.

Tumango naman siya… huwaaahhhh! Hindi yun ang gusto kong kasal. Gusto ko yung unforgettable. Huwaaahhh!

“Pero.”

“Bakit? Ayaw mo bang makasal saakin?” nalungkot naman ang mukha niya sa sinabi niya.

“Hindi naman sa ganun. Kasi ano eh. Ok fine tara na simulan na natin to” sabay hila ko sakaniya. Nagumpisa na din naman yung mga ginagawa nung bagong kasal kuno.

Lumalim na din ang gabe. Samantalang kami nagkakasiyahan pa din dito. Niyaya ako ni Justin na sumayaw. Siyempre hindi ako nagpakipot! Go na agad.

Pero habang nagsasayaw kami sa unahan… biglang tumulo nalang bigla ang luha ko.

“Why babe?” sabi niya habang pinupunasan ang luha sa mata ko.

“Ang saya ko lang kasi. Nandito kana ulit sa tabi ko. At di lang yun. Mag asawa na tayo” bulalas ko habang patuloy pa din sa pagiyak.

“Shhhh tahan na” at kiniss niya ako sa noo.

Napangiti nalang ako. Maya maya bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

Ano na naman ito.

May kinuha siya sa bulsa niya. Isa iyong box na mukhang alam ko na ang laman.

“April. Will you be my real wife” bulalas niya habang abot tenga ang ngiti niya.

OMG! WHAT ISN’T IT?

Totoo ba itong nag po-propose siya saakin?

“I love you” nakangiting tugon ko sakaniya.

Bigla siyang tumayo at niyakap ako ng napakahigpit.

Yung mga tao sa paligid namin. Naghihiyawan na!

Sa gitna ng yakapan namin binulungan ko siya “Akala ko ba kasal na tayo. Eh bakit nahuli ang proposal?”

Ngumiti naman siya… “Ginawa ko lang yun. Para sure na akong akin kana at be ready for tomorrow”

“Bakit anong meron bukas?” takang tanung ko

“Bukas na ang kasal”

Nanlaki kaagad ang mata ko sa sinabi niya.

Ang totoo lang talaga?! Bukas na agad? Ang bilis naman. Pero excited na ako. Hehehe!!

“Gusto na kitang taliin papunta saakin para wala ng kawala” bulong niya ulit. Minsan hindi ko alam dito kay Justin. Minsan nakakakilig, minsan naman nakakakilabot.

Pero isa lang ang nasa utak ko ngayon. Magiging isa na kami bukas.

--------------------------------------------

A/N: Yipey!! Epilogue na ang sunod… POV na po yun ni Justin. Sensya na kung bitin… hahaha! sensya na kung St James ang nailagay kong vhurch. Choir po kasi ako diyan. hahahaha

Enjoy reading :)

VOTE, COMMENT

You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon