Chapter 20:
*Miko’s Birthday*
Maaga ako natapos sa school. Ngayon na din kasi yung araw na kung saan pupunta kami sa bahay nila ni Miko. Kasabay ko papunta doon si Justin kasi ewan ko ba! Ang alam ko lang sabay kami. Wala ng iba.
4 na din ng hapon, umuwe muna ako sa bahay at kumuha ng mga gamit na gagamitin doon. Maya maya bumusina naman kaagad si Justin hudyat na nandiyan na siya sa baba ng bahay namin. Kaya naman hindi na rin ako nagpatumpik tumpik pa. minadali ko na kaagad ang pagaayos at agad na bumaba. Pagkakita ko sa sala nandoon pala si Justin kausap niya si Mama. Hindi ko alam kung ano pinaguusapan nila basta ang alam ko lang siya yung kauna-unahang lalaking nakausap ng ganyan ngayon kay Mama at maging kay Angela. Sa nakikita ko kasi ngayon mukhang gusto ni Angela si Justin. Hindi katulad ng ginawa niya doon sa kakambal nito na si Jinlex.
“Ate is he your Boyfriend?” Salubong saakin ni Angela.
Jusmiyong bata ka! Ano bang pinagsasabi mo… pero sana?
“No baby. He’s a friend of mine”
“Ehhh. Ate I like her to be your Boyfriend”
“Angela stop it. We need to go”
“hmmmm… Ate I like her” tinitigan ko siya ng masama. Kita kung nagmaktol ang mukha niya.
Ang cute.
“Ma una na kami. Bye” at kiniss ko si mama sa pisngi.
“Ok baby. Ingat”
“Sige po. Una na po kami” tumingin siya kay Angela “Bye Angela”
“Bye Kuya Justin” nakangiting paalam ni Angela.
Nakalabas naman kami agad ng bahay.
Nauuna saakin si Justin ngayon. Ayoko kasi manguna. Simula nung naging ilangan namin. Nahihya na kasi akong kulitan at pansinin siya. Although nandito pa din yung sabik at pangungulia ko sakaniya. Pero nilalabanan ko yun kasi ayokong makahalata siya.
“April”
“Bakit?” walang reaksiyon na sagot ko sakniya habang nakautuon ang atensiyon sa labas.
“Kamusta na?” tanong niya saakin.
Ramdam ko na ang pag andar ng sasakyan niya.
“K.lang”tipid na sagot ko habang hindi pa din nakatingin sakaniya.
“K-kamusta na kayo ni Jinlex?” bigla akong napatingin sakaniya. Anung ibig niyang sabihin na kaumusta kami ni Jinlex? Alam ba niya na may gusto saakin ang kambal niya?
“Alam mo ba?” seryosong tanong ko sakaniya. Pero imbes na sagutin niya ako, bigla niya nalang binuksan ang radyo. Laking palaisipan talaga saakin itong dalawang magkapatid na ito.
Binalik ko nalang ulit ang tingin ko sa labas kasi alam ko naman na hindi niya sasagutin ang tanong ko eh. Hay naku!! Ni ilang araw ko na ngang iniiwasan si Jinlex kasi baka bigla nalang niyang tanungin yung about doon! Eh hindi ko pa naman alam ang isasagot ko. Busit naman oh!
Pagkapasok namin sa bahay nila Miko agad kung nakita si Carol na at si Miko na magkahawak ang kamay.
“Sorry Girl na late kami” agad kung sabi sakanila.
“Ok lang naman!!”sagot ni Miko
“Maghanda na kayo. Kakain na tayo maya-maya” dugtong ni Miko
Napatango naman agad kami sa sinabi ng Birthday Celebrant
“Nandoon nga pala sila Clarisse sa Swimming pool” at tinuro agad ni Miko kung saan ang direkson.
BINABASA MO ANG
You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSi April kilalang bestfriend ni Carol Auguis. Kilalang number one fan ng Bakulaw and Halimaw Loveteam. Sinong magaakala na itong babaeng ito ay magkakagusto kay Jun na kaklase niya at dahil sa itong Jun na ito ay may mahal na iba. Gusto niyang gamit...