Chapter 11:*Letting Go* (Part II)

633 22 2
                                    

Chapter 11:

                   *Letting Go* (Part II)

Nung iwan ako ni Carol doon sa buhanginan. Patuloy padin sa pagtulo ang luha ko. Ngayon lang ako nasaktan ng ganito. Dati nung sa First Boyfriend ko hindi naman ganito kasakit eh… nagagawa ko pa nga tumawa nun eh. Pero bakit ngayon? Ang sakit sa dibdib.

Siguro si Mark ang Puppy Love ko kaya ganun lang ang naramdaman ko sakanya nung mga panahong nalaman kong niloko niya ako. At siguro si Jun naman ang First Love ko kasi kahit papaano ang sakit sa dibdib ang tanggapin na hindi na siya mapapasakin. Ganito pala yung pakiramdaman ng mga taong nagmamahal na hindi naman kayang masuklian ang pagmamahal na binibigay nila. Ang sakit sobra… ang sakit na malaman mong Wala na talaga kasi may mahal na siyang iba. Kaya no choice kanalang kundi palayain siya…

Nagpunas ulit ako luha sa mata ko…

“Oh bakit ka umiiyak?”

Napatingin ako doon sa taong nagsalita.

Nginitian ko siya at tumabi naman siya saakin…

“Justin. I decided to let him go” nakatitig lang ako sakanya habang sinasabi ko ito at sa pagtitig ko pumatak na naman ang luhang kanina ko pa pinupunasan.

“Sure kana ba talaga?” sabi niya habang pinupunasan ang luha sa mata ko.

Napatango nalang ako…

“Huwag ka nga umiyak… feeling ko kasi ako ang dahilan ng pagiyak mo eh” natawa naman ako sa itsura niya.

“Oh ayan tumawa kana!!” natawa na talaga ako.

Paano kasi nagpa-pout siya.

“Ikaw kasi eh.. nakakatuwa ang reaksyon mo”

“Ah sus” at binitawan na niya ang mukha ko. Huminto na din ako sa pagiyak. tumingin ako sakanya nakatingin lang siya sa langit.

“April”

“Hmmm”

“I think ganun na din ako… papakawalan ko na ang First Love ko” napatitig ako sakanya.

“habang nakikita ko siya na nakangiti habang kasama niya si Miko. Isa lang palagi ang nasa utak ko”

“Ano naman yun?”

“Na tama ako. Na tama yung naging desisyon ko na ipaubaya siya. Kasi everytime I see her smile… parang ang sarap sa pakiramdam. Although andun yung kirot sa puso ko. Pero mas matimbang yung alam mong masaya siya sa piling ng mahal niya.” Napangiti ako sa sinabi niya.

“Kaya nga nakapagdesisyon na ako eh. Na papakawalan ko na siya…” dugtong niya

Ngumiti nalang ako sa mga sinasabi saakin ni Justin. Ang sarap sa pakiramdam na hindi ka nagiisa. Thank you Justin kasi nandiyan ka para patahanin ang bawat iyak ko. Salamat kasi naiintindihan mo ang pinagdadaanan ko.

“Justin Thank you” bulalas ko

Ngumiti siya saakin.. “Thank you din April… kasi nandiyan ka”

Hindi ko alam pero nayakap ko siya na kinabigla niya.

“Thank you kasi dumating ka sa buhay ko, thank you kasi nagpanggap kang Boyfriend ko para matakasan ang taong gusto ko. Thank you sa mga ginagawa mo saakin. And thank you sa lahat lahat” pinunasan ko ulit ang luha ko “Justin siguro ito na din yung time na tapusin na ang Game na ginawa natin” humigpit pa lalo ang yakap niya saakin. Teka di ako makahinga sa sobrang higpit ng yakap niya…

“Justin hindi-”

“April. Ayoko pa” napabitiw ako sa pagkakayakap sakanya.

“Ha! Anung ayaw mo pa?”

“Ayoko pang tapusin ang game na ginawa natin”

“Bakit?”

“Kasi nasanay na ako. Nasanay na ako na Girlfriend kita”

“Pero-”

“Please April huwag muna. Kapag kasama kasi kita ang saya saya ko. Nakakalimutan ko si Carol. Kaya please huwag muna” nagmamakaawa ang mukha niya saakin.

Hindi ko alam kung ano ang ginawa niya basta napatango ako sa sinabi niya…

“Thank you Carol” niyakap niya ulit ako at hinalikan sa noo.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.

Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug. Dug.

Ano yun?? Bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Nalunok ko ang laway ko sa ginawa niya…

--------------------

A/N: maiksi lang :)

Please Comment, Vote :

You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon