Chapter 17:*Were Over*

629 28 1
                                    

Chapter 17:

                   *Were Over*        

Nasa labas ako ng bahay namin at hinihintay si Jinlex. Nagtext kasi siya na susunduin niya ako. Ilang munuto palang ako sa labas ng makita ko na kaagad si Jinlex at ang sasakyan niya. Agad naman akong pumasok doon.

“Goodmorning” bati niya saakin

“Goodmorning din” wala sa mood kung sabi sakanya.

Iyon lang ang salitang lumabas sa bibig ko buong biyahe wala kasi ako sa mood magsalita. Madami ako iniisip. Pansin din siguro ni Jinlex na marami ako iniisip. Tahimik din kasi siya buong biyahe. Pakiramdam ko nga palagi niya akong tinitingnan, pero hindi ko naman iyon pinapansin kasi focus lang ang mata kung nakatingin sa bintana.

Nang makarating na kami sa school. Hindi na ako nagpabukas ng pintuan kay Jinlex. Nakakahiya eh, sinundo niya na nga ako, siya pa magbubukas para saakin.

Play the song sa gilid… -------------à>>>>>>>>>

Pero sakto sa paglabas ko sa kotse niya nakita ko si Justin na may kasamang babae… hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Siya ba yun? Kinusot ko ang mata ko, baka kasi namamalik mata lang ako, pero kahit kinusot ko na ang mata ko si Justin nga yun…

Nakita kung papasok sila ngayon ng school namin ng nakaholding hands.

Bakit ganito? Ang sakit ng nakikita ko? Bakit ang sakit sa dibdib? Bakit ganito? Mahal ko na ba siya?... bakit mas matindi ang sakit na nararamdaman ko ngayon kaysa sa sakit na nararamdaman ko kay Jun noon? Bakit parang mas Triple?

“Ok ka lang” hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala si Jinlex.

Nginitian ko siya ng malungkot. “Uy sige. Salamat ah.. una na nga pala ako. Bye” at iniwan ko na siya doon.

Hindi ko na talaga kaya. Feeling ko iiyak na ako ano mang oras. Feeling ko sasabog na yung puso ko sa sobrang sakit…

Ayoko namang Makita ako ni Jinlex na ganito. Ayokong Makita niya ako na iniiyakan ko ang kambal niya. At higit sa lahat ayokong aminin sa sarili ko na sa maiksing panahon ay hulog na hulog na pala ako kay Justin…

Napadpad ako sa Secret Garden kung saan doon kami palaging natambay nila Carol. At tamang tama walang katao-tao doon. Ang alam ko kasi may mga klase sila ngayon.

Lumipas ang ilang minuto hindi ko alam kung ano ang ginawa ko doon. Umiyak ba ako? O nagisip lang? wala ako sa sariling inisip lahat ang mga nangyare saamin ni Justin. Pero sa pagiisip ko ng mga ala-alang iyon. Isa lang ang masasabi ko masyado akong napasaya ng mga iyon, masyado akong nagpadala kay Justin. Akala ko hindi ako mahuhulog skanya, pero ang tanga ko. Feeling ko nahulog ako sa patibong niya, feeling ko hinulog niya ako sa patibong niya. At ako namang si Tanga hindi ko na pala namamalayan na hulog na hulog na pala ako.

“Hay” buntong hininga ko.

Napatingin ako sa relo ko.

5 min. nalang malalate na ako. Nakapagdesisyon na akong tumayo na at pumunta na sa klase.

“Goodmorning” bati saakin ni Anna

Nginitian ko nalang siya at agad na umupo sa upuan ko.

Maya maya dumating naman kaagad yung professor. Finocus ko nalang ang sarili ko sa klase bahala ng wala akong naintindihan. Basta makikinig nalang ako!! Baka may himalang mangyare at pumasok lahat sa utak ko ang lesson ngayon.

Klase doon at klase dito ang nangyare nung oras na yun. Wala akong ginawa kundi makinig ng makinig pero hindi ko naman alam kung pumapasok ba  sa utak ko yung mga tinuturo.

You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon