Chapter 5:
*Kiss*
Matapos akong ihatid nung dalawang mag kambal. Nakarating naman kaagad ako sa registrar para kumuha ng schedule.
Mga ilang minuto ang nakalipas. Sa wakas natapos na din ako sa pagkuha. Medyo maganda ang schedule ko ngayon… hehehe. Habang naglalakad ako papunta sa room ko. Nakikita ko na kaagad sa hindi kalayuan si Jun na nakangiti habang kausap niya yung mga kaklase namin. Hahay!! Hindi ko talaga alam kung papaano ko siya kakausapin… kahit na lumipas ang sembreak hindi ko parin naiwasan na hindi siya isipin. Napayuko nalang ako habang dumadaan ako sakanila.
“Uy si April oh” busit talaga na mark yan oh!! Tinawag pa ako. Ayan tuloy nakita ako ni Jun… hahay!! Tumingin nalang ako sakanya at nginitian siya… nakita ko din na napatingin saakin si Jun. Hala kinakabahan na ako… O gosh! Kailangan ko nang makaalis dito.
“Ummm Sige alis na ako” hahakbang palang sana ako ng marinig kung biglang nagsalita si Jun.
“Guys… iwan niyo muna kami” napatingin ako bigla kay Jun. at nakita ko kaagad na sinunod ng mga kaklase ko ang sinabi niya… kaya ang naiwan nalang ako at siya…
Seriously… nangangatog na ang tuhod ko. Hindi ko alam kung ano sasabihin sakanya. Sasabihin ko ba ang totoo o hindi… hay nababaliw ako… someone help me please…
“April” kinakabahan na talaga ako…
Tumingin ako sakanya…
“Babe… nandiyan ka lang pala” narinig kung sigaw ng isang lalaking familiar ang boses. Nang tingnan ko kung sino…. Si Justin… thank God. Dumating ka Justin. Hulog ka talaga ng langit.
Naramdaman ko ang biglang pag-akbay niya saakin…
“Oh pre!” bati niya doon kay Jun. feeling close sila ah…
Si Jun nakatingin lang saamin…
Hinarap ako ni Justin. “Babe… hindi mo man lang sinabi saakin na may kausap ka palang lalaki…” nakasimangot niyang sambit… hindi ako nakaimik sa reaksyon ng mukha ni Justin… ang cute kasi…
“Ah Kasi”
“Ok lang!!! mahal naman kita eh” at hinalikan niya ako sa noo… hala totoo ba yun?? Hinalikan ba talaga ako ni Justin… nagulat ako sa ginawa niya… shocks Justin… wala naman ito sa napag usapan natin ah… humarap siya ulit kay Jun…
“Pre. Una na kami ah…” tumango naman si Jun… at ang naramdaman ko nalang ay ang pag akbay saakin ni Justin habang naglalakad.
Wala pa din ako sa sarili ko… nanlaki parin ang mga mata ko…
“Uy! Wag kanaman masyadong kiligin” natauhan ako ng biglang nagsalita itong si Justin…
“Hoy! Lalaki… bakit mo ako hinalikan ha”
“Easy lang… ginawa ko lang yun. Para mas kapani-paniwala… ano OK ba???” anong Ok ang pinagsasasabi nito… eh hinalikan kaya niya ako… tama bayun? Ni hindi nga kami mag-on nito. Eh!!
“Anong Ok?? Sapakin kaya kita diyan” kumalas na ako sa pagkaka-akbay niya.
Tingnan mo itong lalaking ito. Nakangiti na naman..
“Chilax. Lang babe…” anong chillax chillax eh kung sapakin ko na kaya talaga ito…
“Justin…”
“Oh babe!! Ok lang yan… huwag mong sabihin ako ang kauna-unahang nakahalik sayo!”
Busit talaga… naalala ko na naman si Justin… yung bigla niyang paghalik saakin nung may babae siyang tinataboy… AYOKO na nga’ng maalala pa yun…
BINABASA MO ANG
You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSi April kilalang bestfriend ni Carol Auguis. Kilalang number one fan ng Bakulaw and Halimaw Loveteam. Sinong magaakala na itong babaeng ito ay magkakagusto kay Jun na kaklase niya at dahil sa itong Jun na ito ay may mahal na iba. Gusto niyang gamit...