Chapter 19:*Date with Jinlex*

652 25 0
                                    

Chapter 19:

                   *Date with Jinlex*

Matapos yung nangyareng paguusap namin ni Justin. Para lang akong tangang naglalakad sa may Hallway, naalala ko kasi bigla yung sinabi saakin ni Jinlex na lalabas daw kami. Pero dahil sa maaga pa naman hindi pa siguro tapos ang klase ni Jinlex. Umupo muna ako sa may Gym at lumanghap ng sariwang hangin…

Kinuha ko ulit yung Cellphone at kasama nito ay ang Headset. Nakinig lang ako ng music doon ng may mahagip ang mata ko.

Mula sa kinauupuan ko nakita ko si Justin na naglalakad, pero hindi ko alam kung saan siya papunta hindi kasi dito papunta yung direksyon niya. Tiningnan ko lang yung bawat paglakad niya hanggang sa may nakita akong babae na bigla nalang niyang niyakap. Sa nakikita ko parang sabik na sabik siyang mayakap ito.

Iniwas ko ang tingin ko.

Ang sakit sa mata ng nakikita ko.

Feeling ko may kung anung tumama sa puso ko at bigla nalang kumirot. Tapos isa pa itong tugtog nakakaiyak…

Tumayo na ako doon sa pagkakaupo ko. Gusto ko pumunta ng secret garen baka kasi nandoon si Carol kailangan kung mailabas itong nasa loob ko.

Pero sa pagalis ko sakto naman na makakasalubong ko sila Justin.

“I Miss you… dito kana ba permanently?” rinig kong tanung ni Justin doon sa babae.

Samantalang ako nakayuko lang na naglalakad… ayoko pansinin si Justin. Naiinis ako sakanya. Busit siya!! Kanina lang sinabi niya saakin yang salitang yan tapos ngayon may iba pa pala siyang pagsasabihan.

Hay!! Ang sakit sa puso.

Napahinto ako kasi nasa harapan ko na pala sila. Mukhang magkakasalubong kami at dahil nga sa nakayuko ako, hindi ko napansin ang dinadaanan ko sabayan pa na ang lalim ng iniisip ko.

Busit naman oh!! Minsan ang sakit ding isipin na ang tanga ko…

Yung nakayuko kung ulo bigla kung hinarap sakanila.

Hindi ako nagpakita ng anu mang emosyon. Sa halip humakbang nalang ako para malampasan sila. Kita kong nakatingin lang sila saakin, kita ko din ang pagpawi ng ngiti ni Justin ng Makita ako…

Hindi pa nga nakakalayo ang hakbang ko rinig ko na ang pagtawag saakin ng isang lalaki.

“April! April” napatingin naman kaagad ako doon.

Bute dumating ka Jinlex.

“Kanina ka pa ba naghihintay? Sorry ah!! Ang tagal kasi magpalabas nung professor namin…”

Sa halip na sumagot, ngiti nalang ang naibigay ko sakanya.

“Lets Go” yaya niya saakin. Tumango nalang ako.

Nung naglakad na siya sumunod na din ako.

“Oh Justin nandito ka pala.” Seryosong sabi ni Jinlex.

Tumingin ako kay Justin na ngayon ay nakatingin lang saakin… “Ha Ou!”

“Teka si Lea ba yan?”

“Hello Jinlex… ang laki mo na ah. Tsss… wala ka paring pinagbago. Ganun kapa din simula nung bata pa tayo. Bute nalang hindi ikaw ang nagustuhan ko kundi si Justin” pabirong  sabi nung babae na kumindat pa kay Justin. Samantalang si Justin nakatitig lang saakin. Parang wala siyang narinig!!

Yumuko nalang ako. Dapat pala hindi nalang ako sumama dito. Mukhang reunion ata ito…

“Ah nga pala Lea.” Hinila ako ni Jinlex para makalapit sakanila. “Ito nga pala si April soon to be my Girlfriend” sabi ni Jinlex.

You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon