Chapter 9:*BFF*

691 24 0
                                    

Chapter 9:

          *BFF*

Kinaumagahan maaga ako nagising mga 10, wala kasi sila mama tanging kami lang dalawa ni angela ang nasa bahay. At kailangan ko pang asikasuhin itong kapatid ko, kasi 12 pa pasok nito sa school. Hindi naman kasi kami ganun kayaman na kailangan pa may mga katulong sa bahay. Sabihin nalang natin na pareho lang kami ng estado sa buhay ni Carol.

“Ate can you make it faster” sigaw saakin ni angela.

“Ou na ito na nga oh” at ayun pinagluto ko na siya. Jusmiyo bahala na kung ano lasa niyan, hindi naman kasi ako katulad ni carol na magaling magluto eh.

Nang matapos ako magluto, hinain ko na sa harap niya ang niluto ko. Nang Makita niya napangiwi ang agad ang mukha niya.

“Ate what kind of food is that?” aba kung hindi ko lang kapatid ito, kanina ko pa ito binatukan.

“Hotdog yan at Egg na medyo nasunog” seryosong sabi ko.

Parang natakot ata sa mukha ko kaya hindi na nagsalita at kumain nalang. Buti naman nakukuha naman pala itong kapatid ko sa tingin eh. Ang arte arte kasi eh. Pa English English pa. sabagay yung school kasi na pinapasukan niya. English speaking kaya ganyan yan magsalita.

Umupo ako sa harap niya at kumain din. Nang matikman ko. Lasa panamang Hotdog at Egg. Hehehe. Nang matapos kami kumain agad kami lumabas ng bahay. Ihahatid ko kasi itong babaeng ito sa school niya tsaka ako papasok.

“Angela gusto mo sakay tayo bisekleta?” napangiti siya sa sinabi ko.

“Yes ate”

“Sige diyan ka lang! kukunin ko lang yung bike ni papa” tumango naman sya sa sinabi ko.

Kung tatanungin niyo ako. Marunong din ako mag bike katulad ni Carol eh sabay kaya kami natuto niyan. Nagpapaunahan pa nga kami dati eh.

Nang makarating ako sa may bodega namin agad kung kinuha ang bike ni papa na medyo inaalikabok na. ang tagal niya na rin kasi itong hindi nagagamit. Nilinisan ko muna iyon tsaka lumabas. Pagkalabas ko nakangiting mukha ng kapatid ko ang sumalubong saakin.

“Ate gusto ko rin matuto niyan” nakangiti siya habang sinasabi ito saakin.

“Ok tuturuan kita!! Kapag naging top ka sa klase mo”

Nanlumo ang mukha niya sa sinabi ko. Nakakatuwa ang reaksyon niya, hindi naman sa hindi matalino ang kapatid ko!! Hindi lang talaga yan masipag magaral.

“I’ll try” nakasimangot niyang sabi.

“Okay deal”

“deal” at ayun sumakay na siya sa likod ko. May upuan din kasi doon.

“Angela yumakap ka sa akin ng mahigpit. Mamaya pagtingin ko tumalsik kana” at naramdaman ko naman kaagad ang paghigpit ng yakap niya.

“Ready?”

“Lets go” sigaw niya

At ayun nga pinaandar ko na ang Bike. Si angela tuwang tuwa samantalang ako bwisit na bwisit eh paano kasi ang likot. Kapag kami talaga nadisgrasya kasalanan niya.

Pero sa awa ng diyos wala naman nangyare saamin, nakarating kami sa school niya ng ligtas.

“Ate ikaw ulit sundo saakin mamaya. I want to ride that again”

“hindi na ako ang magsusundo sayo mamaya. Sila papa na” napasimangot naman siya sa sinabi ko.

“sige na pumasok kana baka malate ka pa” tumalikod naman kaagad siya saakin na nakasimangot. Hay!! Ang cute talaga ng kapati ko.

You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon