Chapter 18:*Hug*

621 20 0
                                    

Chapter 18:

                   *Hug*

Mabilis na lumipas ang maraming araw, sa sobrang bilis hindi ko na mabilang. Ang alam ko lang sa nakalipas na araw wala akong ginawa kundi mag aral ng mag aral. Feeling ko nga magiging Deans Lister ata ako (Jokelang). Gusto ko ituon ang atensyon ko para makalimut. Ayokong masyadong mag emote nakakatanda yun eh… palagi ko na din nakakasama sila Carol. Nabalitaan ko na din na nabigyan siya ng opportunity na mag aral sa UNIMUSIC. Una sobrang saya, pero habang nakikita ko ang mata ni Carol na parang problemado. Parang ako din namomroblema na. paano naman kasi si Miko. Maiiwan yun dito magisa. Hay!! Akala ko wala ng problema sakanilang dalawa, pero ano to ngayon may panibagong masakit na naman sa ulo. Hay naku!! Eh kung magpakasal nalang kaya sila para wala ng kawala… hahaha joke!!

Naglalakad ako ngayon sa Hallway papunta sa room ko. Tapos na din kasi ang break namin kagagaling ko lang din sa Tambayan.

“April” napatingin ako sa tumawag saakin.

“Oh Jinlex” pambungad ko

“Hehe! Busy ka ba?” tanong niya saakin

“Hindi naman. Bakit?” napakamot muna siya ng ulo niya. Haha ang cute!

“Kung pwede sana yayain kita lumabas mamaya”

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya… “Bakit?”

“Ah K-kasi. Ano!! Gusto lang sana kita maka kwentuhan” napailing ako.

“Oh sige! Maya nalang pag katapos ng klase ko”

Napangiti siya ng malapad sa sinabi ko “Sige. Sige. Salamat”

Ngiti nalang ang naibigay ko sakanya. “Welcome. Sige una na ako ah”

“Sige” at naglakad na ako palayo sakanya. Nang makarating ako sa Room namin, medyo konti palang ang tao. Siguro yung iba hindi pa tapos kumain medyo maaga pa kasi.

Umupo na ako sa upuan ko at inayos ang gamit ko. Hmmm! May 30 min. pa naman bago mag start yung klase. Tulog muna ako. Kagaya ng ginagawa ko, kinuha ko muna ang Cellphone ko at headset nito at nagpatugtog ng mga koreanovela Ost na napanuod ko. Sinubsob ko ang mukha ko sa may upuan at hinarap ang ulo sa kaliwa na kung saan doon nakaupo si Justin. Naaalala ko naman kapag kaklase ko siya halos hindi ko siya pinapansin. Alam kung  ilang beses niya ako gusto kausapin pero ako talaga itong matigas ang puso ayoko na talaga siyang kausapin. Ayokong kahit boses niya man lang marinig ko, kahit sinasabi ng puso ko na miss na miss ko na siya. Lahat pinilit kong mabura. Lahat gusto ko makalimutan. Pero lahat ng yun, hindi gumana kasi alam na alam ko sa isip at puso ko na nandito pa din siya. Nandito pa don sa isip at puso ko ang Fake Boyfriend ko na si Justin. Hay naku!! Ito na siguro yung sinasabi nilang In Love na… Busit talaga…

Sa sobrang lalim ng iniisip ko. Nakatulog na pala ako…

Napadilat ako sa pagkakapikit ko. At isang mukha lang ang sumalubong saakin. Yun ay ang titig ni Justin. Agad akong napatingin sa unahan para maiwas kaagad ang tingin ko sakanya.

Takte talaga!! Bakit naman kaya niya ako tinitingnan. Shettteee naman.

Naririnig ko na naman ang traydor kung puso sa pagkalabog.

Anu ba naman yan? Nasaan na ba ang mga tao dito sa room? Bakit kami lang ata ang nandito. Kanina pag pasok ko, may tatlo pa naman dito ah? Bakit ngayon wala na… Shettteeee….

Tinext ko nga si Jun.

Ako:

          Uy. Bakit wala kayo dito?

Naghintay lang ako sa text niya. Pansin ko paring nakatingin saakin si Justin. Maya maya tumunog naman ang Cellphone ko.

Jun:

          Ha! Umuwe na kami. Wala daw si Mam. Ang sarap kasi ng tulog mo kanina. Hindi ka na namin ginising. And beside nandiyan naman si Justin eh. Kanina ka pa nga tinititigan nun habang tulog eh. Oh siya!! Kasama ko ngayon si Eunice. Bye.

WTF…

Hindi ba uso sa mga kaklase ko ang manggising…

At ano yung kanina pa ako tinititigan ni Justin. Shettttteeee….

Agad akong napatayo sa upuan ko at inayos ang gamit. Nang maayos ko na, hahakbang na sana ako palabas ng bigla siyang magsalita.

“April”

Yung boses niya ang sarap pakinggan habang tinatawag ako…

Napatigil ako sa paghakbang at hindi pa rin siya nilingon.

“Pwede ba tayong magusap?”

Siguro ito na din yung time na kausapin siya matapos ang madaming araw na lumipas.

Umatras ako at umupo sa upuan ko.

“Sige.” Walang reaksyong sabi ko.

Mahabang katahimikan ang bumalot saaming dalawa….

“I Miss you”

WTH

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Natatae ba ako? Parang may kung anong umiikot sa tiyan ko.

Napatingin lang ako sakanya ng hindi nagsasalita. Sa lahat ng ginawa niya at sinabi niya saakin parang isang I miss you lang gusto ko na agad siya yakapin. Pero kailangan ko magisip kailangan hindi na ako magpakatanga…

“And Im sorry” dugtong niya.

Ok na sana! Bakit pa may Im Sorry. Ok na sana kung wala yung word na yun eh.

Pero bakit ganito? Ang sakit lang marinig yung Im sorry. Feeling ko ang laki ng ginawa niyang masama at ramdam ko sagad sa buto ang pag so-sorry niya…

Nakatitig lang ako sakanya at kita kung palapit siya ng palapit saakin.

“Can I hug you?”

Ibubuka ko pa sana ang bibig ko ng bigla niya na agad ako yakapin.

Bakit ka ba ganito saakin? Matapos ng lahat ng hindi mo pagpansin saakin. Bakit ganito kanalang kung makayakap. Parang sabik na sabik kang yakapin ako. Bakit Justin?

“Why Justin?” bulalas ko habang patuloy parin siyang nakayakap saakin.

“Ha?”

“Bakit ka ganito ngayon? Bakit parang ang laki na ng pinagbago mo? Bakit ka nagsosorry? At higit sa lahat bakit mo to ginagawa saakin?”

Natahimik siya sandali at nagsalita.

“Isipin mo nalang na namili ako sa isang sitwasyon na hanggang ngayon hindi ko parin alam kung tama yung naging desisyon ko”

“Ha!”

Binitawan niya kaagad ako at tumayo na.

“Always remember that I’m always watching you”

Yun lang ang huli niyang sinabi at tuluyan na niya akong iniwang nakatulala doon sa Room namin.

Hindi parin pumapasok sa utak ko lahat ng nangyare saamin, lahat ng sinabi niya at yung huli niyang sinabi.

Ano daw yun?

--------------------------------------------

A/N: ang susunod na chapter ay about doon sa Date ni April and Jinlex…

Ang konti lang po ng update ko. Medyo lutang utak ko eh… pasensiya na po…

Vote, Comment.

You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon