Chapter 28:*Forgiveness*

743 20 0
                                    

Chapter 28:

                   *Forgiveness*

After that day. Masaya na ang gising ko palagi, alam na din ng mga magulang ko na Boyfriend ko na si Justin. Paano ba naman kasi atat na ipakilala ko siya kila mama. Si Angela naman tuwang tuwa! Sa wakas daw may Boyfriend na akong matino. Anong tingin niya saakin puro hindi matitino ang nagiging boyfriend. Sapakin ko kaya yun. Tsss!

“Babe sunduin kita sainyo ng 4 ng hapon, magbihis ka ng maganda” sabi saakin ni Justin sa cellphone. Ano na namang kayang balak ng lalaking yun.

“Ok!” sagot ko. Tumingin ako sa relo ko 9 pa naman ng umaga. Tulog muna kaya ako. Mamaya pa naman hapon eh.

Sa haba ng tulog ko, hindi ko alam kung anong oras na!

Pagtingin sa relo.

HUWAAHHHH alas kwatro na. ramdam ko ang pag busina saakin ni Justin sa baba.

Teka lang! sorry Justin. Napuyat ako kagabe sa chikahan natin. Kaya ang nangyare ito…

Hindi ko alam kung anong ligo ang ginawa ko nang mga oras na yun. Dali-dali akong naghanap ng susuotin ko.

At ayun may nahanap naman agad akong dress.

Pagkasuot ko. Pinatuyo ko agad ang buhok at kinulot kulot.

Pagtingin sa salamin.

“Perfect”

Pagbaba ko andoon agad si Justin sa sala at hinihintay ako.

“Ayan na pala siya”rinig kung sabi ni mama

Tiningnan ko si Justin. Titig na titig lang siya saakin.

“Mom. Bye” paalam ko sakniya

“Sige April ingat kayo”

Ngumiti nalang ako. Nagpaalam din naman si Justin.

Paglabas namin ng bahay. Bigla akong niyakap ni Justin.

“Babe ang ganda mo”

Namula ako sa sinabi niya.

“Matagal ko ng alam yan” biro ko. Tumawa naman siya sa sinabi ko.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ko

“Papakilala kita sa magulang ko”

Kianbahan naman ako doon sa sinabi niya.

“Weh” pangaasar ko

“Ou nga” sabay kurot niya sa pisngi ko “Ang ganda mo talaga”

“Aray” agad din naman niyang hinagod ang pisngi ko.

“Sorry”

“Wala yun noh” at sumakay na kami sa sasakyan niya.

Hindi namin namalayan ang oras puro kasi kami kwentuhan. Ang daldal ni Justin. Wala ako masabi. Kulang nalang palakpakan ko siya sa kadaldalan. Joke!

“Nandito na tayo” bulalas niya saakin. Huminto kami sa isang malamansyon na bahay.

Di nga? Bahay nila to.

“Bahay niyo to?” tanong ko

“Yup”

“Weh?” feeling ko nahahawa na ako sa mga ka-office mate ko. huhuhu

Natawa naman siya sa sinabi ko…

“Tara?” yaya niya saakin. Agad ko namang hinawakan ang kamay niyang nakalahad saakin.

You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon