Epilogue
Justin POV
[Play this song: Forevermore by Side A or David Archuleta…>]
Grabe ang kabang nadarama ko. Nandito ako ngayon at hinihintay siya sa pagdating! Sa wakas ilang oras nalang. Makakasama ko na siya ng panghabang buhay.
Kinakabahan na ako. Hindi na ako mapakali dito sa kakatayo habang hinihintay siya. Medyo maaga pa naman kaso excited na talaga ako.
Nilapitan ako ni Jinlex.
“Akala ko saakin siya ikakasal. Yun pala sayo. Congrats tol”
Ngumiti nalang ako sakaniya…
“Dadating din yun. Hintayin mo lang!”
Napatango naman ako sa sinabi niya.
Tatlong taon ang lumipas. Sa loob ng tatlong taon, wala akong ginawa kundi, sundan siya ng palihim. Halos minu-minuto nakamasid ako sakniya. Ayokong mawala siya sa paningin ko kasi feeling ko katapusan ko na kapag nangyare yun. Sa loob ng tatlong taon, grabe ang selos na naramdaman ko sa tuwing may nakikita akong kasama niyang lalaki. Hindi iyon makaya ng mata ko, pero para sakaniya lahat tiniis para lang maging masaya ang puso ko.
Nung araw na pumunta sila Clarisse sa probinsya nila April. Para akong pinagsakluban ng langit nung narinig kung nagkwento siya. Parang hindi ako worth it sa pagmamahal niya. Kaya nung mga oras na yun. I decided na gagawin ko na ang lahat para lang mapatawad niya. Pero hindi ko inaasahan na siya mismo ang pilit na kumakawala saakin. Ang sakit sobra! Para akong pinapatay paunti-unti habang nakikita ko siyang nahihirapan.
Sa sobrang pag ka desperado ko. Lumuhod ako sa harapan niya at sa harap pa ng madaming tao. Umasa ako ng mapapatawad niya. Pero habang nakikita ko siyang umaalis at tinatalikuran ako. Doon ko napagtanto na Hindi pa ito ang tamang oras para mahalin mo niya ako ulit. Hindi pa ito ang time para mapatawad niya ako. At hindi din ito ang tamang oras para makasama siya ulit.
Nung oras na yun. Hindi pa ako totally umaalis, nandoon lang ako sa may puno at nagbabakasakaling balikan niya ako. At hindi nga ako nagkamali. Bumalik siya! Doon ko napatunayan na kailangan mas lalo akong magsikap! kailangan kapag time na para mapatawad niya ako doon ako lalabas at doon ako magtatapat sakaniya.
At doon kita mas lalong mamahalin, kahit na alam kung mahal na mahal na kita.
“Justin nandito na siya” bulong saakin ni Carol.
Napangiti tuloy ako…
Akala ko si Carol ang madadala ko dito sa altar pero hindi pala kasi nakakakita pa ako ng mas higit pa sakniya pagdating sa puso ko.
Nakikita ko na siya..
Her Dress look fit on her, her walk, gesture. Lahat halos gusto ko sakniya.
Siya na talaga ang babaeng sasabihan ko ng I do sa harap ng maraming tao at lalong lalo na sa diyos.
Siya yung babaeng kapag tiningnan mo akala mo mahina pero kapag nakilala mo, daig pa ang tigre sa sobrang tapang.
Siya yung babaeng mahal na mahal ng kapatid ko since Elemtary pero dahil sa isang pagkakamali. Nabasura ang feeling na kambal ko sakaniya.
Siya yung babaeng palaging nagpapatibok ng puso ko.
At siya yung kaisa-isang babaeng minahal ko ng ganito.
Habang naglalakad siya saakin. Mas lalong kumakabog ang dibdib ko. Para bang first time lang naming magkita at ngayon ikakasal na kami.
Nakakatawang isipin na. ang Fake Girlfriend ko ay magiging Real wife ko.
I love her so much…
Nasa tapat ko na siya at binibigay nasaakin ang kamay niya.
“Always take care to our princess” bulalas ng ama niya habang nakangiti
Naluha naman si April doon at hinalikan niya ang papa niya.
“I’ll always be” sagot ko dito. Umalis na din naman siya at umupo.
“So let’s go” yaya ko sa wife ko.
Tumango naman din kaagad siya.
Pero bago siya humakbang… binulungan ko muna siya.
“Mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal kita”
“I know” nakangiti niyang tugon.
“Thank you for waiting me”sabi ko
“Thank you for coming back to me” seryosong sabi niya.
At nagsimula na ang seremonya.
Habang tinitingnan ko siya. I know na plan to lahat ni God, kung bakit ko siya nakilala kasi kami ang para sa isat isa…
I love you April.
My love for you will be forevermore…
THE END
BINABASA MO ANG
You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSi April kilalang bestfriend ni Carol Auguis. Kilalang number one fan ng Bakulaw and Halimaw Loveteam. Sinong magaakala na itong babaeng ito ay magkakagusto kay Jun na kaklase niya at dahil sa itong Jun na ito ay may mahal na iba. Gusto niyang gamit...