Chapter 21:
*Cold eyes*
Pagkauwe ko sa bahay agad ako umiyak sa sobrang sakit ng dibdib ko. Para nila akong pinatay ng hindi ko alam. Mga GAG* Kayo magsama kayong dalawa. Kaya nga hindi ako pumayag na magpaloko kay Jun noon kasi alam kung gagamitin niya lang ako. Pero ano to ngayon. Hindi ko alam na yung taong ginamit ko sa pagtataboy kay Jun ay gagamitin lang pala ako. Mga busit kayo! Patayin niyo nalang kaya ako. Lalong lalo kana Justin kaya pala ang bilis mung pumayag sa ganung set-up kasi may plano kana palang paglapitin kami ng kapatid mong isa ring manggamit. Pero ang tanga mo rin Jinlex kasi imbes na sayo ako mapalapit kay Justin ako nainlove. Mga hinayupa*k pagsisisihan niyo to. Hindi ako titigil hangang hindi kayo iiyak sa harap ko. Ayoko na sanang ibalik ang dating ako, pero pinilit niyo ako.
Sorry Carol! Hindi ko na matutupad ang promise ko sayo…
Kinaumagahan.
Maaga ako nagising.
“Ma kain na ako” sabi ko kay mama habang siya ay inaasikaso si Angela.
“Sige April”
Kumuha agad ako ng pagkain at agad na kumain. Ramdam ko din ang pagtabi saakin ni Angela.
“Goodmorning Ate”
Tiningnan ko lang siya ng wala sa reaksyon.
“Ate your eyes” sabi ni angela habang nakatingin sa mata ko.
“Bakit?” agad na sabat ni mama
“Mom ang mata ni Ate. Iba! Parang hindi siya” rinig kung sabi ni Angela.
Hindi ko nalang ulit sila pinansin. “Ok lang yan baby. Ganyan naman talaga ang ate mo. Kapag may- OMG”
“April what happen?”
“Nothing ma. Alis na ako” at agad kung hinalikan si mama at angela. Sabay alis.
Pagkapasok ko sa school agad kung nakita si Jinlex na inaabangan ako sa gate.
Nanlilisik kaagad ang mata ko. Humanda kasa akin.
“Hello April” bati niya saakin.
Inisnaban ko lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Pero hinawakan niya ako sa balikat, dahilan para magalit ako.
Hinawakan ko din ang kamay niya na nasa balikat ko, at agad ko siyang binalibag sa daan sabay alis.
Halos lahat ng estudyante nakita ang ginawa ko kay Jinlex. Pero ngayon wala na akong pakialam sa sasabihin nila. Ang importante saakin ngayon ay magbayad sila.
“Huwag na huwag kana ulit magpapakita saakin kahit kailan. Kasi sa oras na magkita tayo ulit at bigla mo akong hinawakan. Baka mapatay kita”
Kita ko ang mukha ni Jinlex na nagulat sa pinakita kung reaksiyon.
Kasabay nito ay ang bigla kung pagalis doon.
Nakarating ako sa room ng tahimik. Nagbubulung-bulungan ang mga kaklase ko, siguro about yun sa nangyare kanina. Ang bilis talaga ng tsismiss.
Sinubsob ko ulit ang mukha ko at kinuha ang Cellhone ko at nagpatugtog. Ayokong marinig ang sasabihin nila saakin. Ayokong saktan sila kasi wala naman silang alam kung bakit ako ganito.
Limang oras ang lumipas at ngayon ay breaktime na.
Agad akong lumabas sa Room at pumunta sa tambayan. Alam kung alam na ito ni Carol. Pero alam kung maiintindihan niya ako. Pero pagkadating ko doon, iba ang naabutan ko. Si Justin at si Jinlex naguusap.
“Totoo ba yun?”gulat na sabi ni Justin kay Jinlex
“Ou. I think bumalik na naman siya sa dati”-Jinlex
“Anong ibig mung sabihin?”-Justin
“Nung 3rd highschool she’s evil. Lahat nasasaktan niya pero hindi alam iyon ni Carol. Nakakatakot siya kapag sobrang nasaktan, nananakit siya emotionally and physically.”-Jinlex
“Sorry Jinlex”-Justin
“Bakit?”-Jinlex
“nadulas ako kagabe sakaniya”-Justin
Parang gusto kong manapak ng tao. Gustong gusto. Ayoko ng mga naririnig ko.
“Sinabi mo ba sakniya na kaya ka pumayag na maging Fake boyfriend niya ay dahil saakin”
“Ou”
Nanghina ang tuhod ko… tumutulo na naman ang luha ko.
Hindi ko na kinaya, umalis na ako doon. Ayokong marinig pa ang sasabihin nila mas lalong sumasakit ang puso ko mas lalo na kung si Justin ang magsasabi.
Bumalik ako sa Room ko at sinubsob ulit ang ulo. Ayoko na…
Pagising ko nasa tapat ko na si Justin. Kaklase ko pala siya ngayon.
Itinuon ko nalang ang sarili ko sa professor na nasa unahan na pala.
Nagturo siya ng kung ano-ano samantalang ako nakikinig lang… Halos lahat ng lesson, pumasok sa utak ko. Maya maya nagpaquiz siya at tumpak perfect ako.
Nagdismissl na at nagliligpit na ako ng gamit ko.
Paalis na ako ng room ng biglang hawakan ni Justin ang kamay ko.
Tumingin ako sakniya.
“Don’t touch me” bulalas ko at bigla na siyang tinalikuran. Kita ko ang pagkatunganga niya sa sinabi ko.
Kinuha ko ang bike ko at agad na pinaandar iyon. Gusto ko ng umuwe sa bahay. Gutom na ako.
Pagkarating ko sa bahay. Agad kung nakita si Mama sa labas ng bahay at hinihintay ako.
“April may problem aba?” pambungad niya saakin.
“Wala”
“April kilala kita”
“Ma”
“April. Gusto mo bang lumipat ng school?”
“by the end of semester” sagot ko.
“April nagaalala na ako sayo. Tell me may nagyare ba?” alalang tanong ni mama.
Hindi ko na mapigilan. Tumulo na naman ang luha ko.
“Ma niloko nila ako, niloko nila ako, niloko nila ako, niloko ako ma”
“Shhhhh tahan na… everything will be alright” umiiyak na din si mama.
“Mom I’m here” sigaw ni Angela.
Nakita niya kaming nagyayakapn sa sala at nagiiyakan.
“Mom huhuhu What happen?” umiiyak na sabi ni Angela habang naka yakap saamin.
“Si ate mo nasasaktan” umiiyak na tugon ni mama. Mas lalo tuloy akong naiyak sa kanila.
“Ate. Pinaiyak ka ba ni kuya Justin?”
Hindi ako sumagot.
“Huhuhuhuhuhuhuhuhuhuhuh” agad ko ng nilayo ang mukha ko sakanila.
Narindi ako sa iyak ni Angela.
“Ma akyat na ako” tumango naman si mama habang pinapatahan si ANGELA.
“hhuhhhhhuuhuhuhuhuhuhu”-si angela
“Tahan na baby”
“huhuhuhuhuhuhuhu. Kuya Justin bakit mo to ginawa sa ate ko huhuhuhuhuhuhuhu”
Bago ako pumasok sa kwarto. Agad kung pinunasan ang luhang nagbabadya na namang lumabas sa mata ko.
Ito ang huling beses na iiyakan ko ang taong mahal ko. Kasi simula bukas lalayo na ko.
------------------------------------
TO BE CONTINUED
VOTE, COMMENT
BINABASA MO ANG
You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSi April kilalang bestfriend ni Carol Auguis. Kilalang number one fan ng Bakulaw and Halimaw Loveteam. Sinong magaakala na itong babaeng ito ay magkakagusto kay Jun na kaklase niya at dahil sa itong Jun na ito ay may mahal na iba. Gusto niyang gamit...