Chapter 4:
*Meet Jinlex*
Natapos ang sembreak na nag stay lang ako sa bahay. Ang palagi ko lang kausap ay ang Cellphone ko na kung saan palagi kung kausap o katext si Justin. Feeling ko nga masyado na kaming naging Close nung lalaking yun. Ang dami naming nalaman sa isat-isa. May kapatid siya at hindi lang basta kapatid, kambal niya pa lalaki din daw yun. Pero hindi daw sila magkamukha! Sa tingin niya daw hawig lang sila. Parang na-curios tuloy ako doon sa kakambal niya. Parang gusto ko na kaagad Makita! Haha excited lang ang peg.
Natapos din ang bakasyon na nakitulog kami ng kapatid ko kila Carol. Grabe ang saya lang nung araw na yun. Kasi nakakatuwa yung mag-couple.! Naiingit tuloy ako. Huhuhu! Naalala ko dati, parang si Carol yung naiingit kapag may lovelife ako pero ngayon mukhang ako na! hay naku kailan ba kasi ako makakahanap ng matinong lalaking mamahalin ko…
Maaga ako nagising kasi umpisa na naman ng pasukan. Second semester na kasi. Paalis na ako ng bahay ng may narinig akong nagtext saakin. Tiningnan ko naman kung sino yung nagtext.
Justin: sunduin kita! Nandito na kami sa labas ng bahay niyo.
Ano daw? Tama ba ang nabasa ko sa text niya. Susunduin niya ako?? At bakit may kami?? Sino yung kasama niya.
Ako: Kami??
Reply ko sakanya.
Justin: Basta. Makikita mo nalang.
Nagtaka ako sa text niya. Sino naman kaya yung kasama niya. Imbes na replayan pa siya. Nagpaalam na ako sa mga magulang ko. At agad na lumabas ng bahay. At tama nga nasa tapat na ng bahay namin ang kotse ni Justin. Binaba niya yung salamin, para makita ko siya. Ngumiti nalang ako at ganun din ang ginawa niya. Nung pagpasok ko sa loob ng kotse niya nasa tabi niya kaagad ako. Siya kasi ang driver kaya malamang sa tabi niya ako tatabi.
“Goodmorning” bati ko ng makaupo ako.
“Morning din” nakangiti niyang sabi.
“Ahem” napatingin ako kay Justin. Nakangiti lang siya. Parang hindi siya yung nag ahem… napatingin ako sa likod ko. May tao doon na nakatitig lang saakin.
“Teka siya ba yung kami?” tumango si Justin.
Tumingin ulit ako doon sa lalaking nasa likod ko.
“Goodmorning. Ako nga pala si April” at nilahad ko ang kamay ko kasabay nito ay ang paglapad ng ngiti ko.
Nakita kung hindi parin kumikibo yung lalaki at ni hindi kumukurap. Hala! Anong nagyare dito? Tumingin ako kay Justin. Mukhang natawa siya sa reaksyon ng kasama niya.
Nangalay na din ang kamay ko ah. Kanina pa nakalahad para makipag shake hands.
“Justin” pabulong na tawag ko kay Justin. Jusmiyo tumatawa pa din kasi.
Tinapik niya yung nakatulalang kasama niya. Medyo na tauhan naman kaagad.
Ngumiti ulit ako at nilahad ang kamay ko sakanya.
Nakita kung unti-unti niyang tinataas ang kamay niya para maki-pag shake-hands saakin. Nang maglapat ang kamay namin. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya. Anung problema nito? May sakit ba ito?
“Ji-Jinlex nga pala” utal utal niyang sabi.
“April” at binawi ko na ang kamay ko sakanya. Parang ayaw na kasi bitawan.
Tumingin ako kay Justin. Tawa pa din ng tawa. May nakakatuwa ba sa amin. At panay ang tawa niya.
“Hoy! Justin. Nangyare sayo”
“Hahaha Wala. Nga pala April yan ang kambal ko” pagkasabi niya nun. Agad akong napatingin sa lalaking nasa likod ko na ngayon ay panay padin ang pagtitig saakin.
“Di nga. Magkambal ba talaga kayo” tanong ko doon kay Jinlex.
Napatango naman siya. Hala ou nga! Tama nga yung sinabi ni Justin. Hindi nga sila mag kamukha!! Ang layo. Although may hawig sila konti. Pero ang layo pa din talaga ng itsura nila.
Sa tingin ko lang mas gwapo si Justin. Yung Jinlex naman kasi medyo may pagka mahiyain. Pero gwapo din siya. Kaso hindi lang kapansin-pansin.
“Oh April. Tama na yang pagtitig mo sa kambal ko. Baka hindi na makatulog yan mamaya” anong hindi makatulog ang pinagsasabi nitong lalaking ito. Parang napatitig lang kasi tinitingnan ko kung saang anggulo ba sila magkapareho.
“JUSTIN” nagulat ako sa sigaw ni Jinlex.
“Relax lang Lex. Haha” baliw talaga tong si Justin.
Ngumiti nalang ako at umupo ng maayos. Kasabay nito ay ang pag andar ng kotse. Hudyat na aalis na kami.
Mga 5 minutes na ang nakalipas pero feeling ko may nakatingin talaga saakin. Tumingin ako kay Justin. Malabo naman siya yung nakatingin saakin kasi Nakangiti lang siyang nagmamaneho. Para talagang baliw itong lalaking ito. Napasilip ako sa likod ko. Napansin kung biglang umiwas ng tingin si Jinlex at kunyareng may kinuha siya sa bag niya.
Hay naku!! Ano ba naman kasi itong nararamdaman ko… baka guni-guni ko lang yun!! Binalik ko na ulit ang tingin ko sa bintana at makalipas ang lima pang minuto. Nakarating naman kaagad kami sa school. Agad pinark ni Justin ang kotse niya. At lumabas ng sasakyan. Lumabas na din ako! At nakita kung lumabas din yung Jinlex.
Teka dito ba siya nag-aaral?? Bakit parang hindi ko naman siya nakikita dito.
“Jinlex. Dito ka pala nagaaral!”
“H-Ha! O-Ou”
Napatango nalang ako… tumingin ako kay Justin. Nakangiti pa din siya. Hindi na naman siguro naka inom ng gamut itong lalaking ito. Kaya kanina pa siya nakangiti.
“Justin. Text nalang ako sayo! (ngumiti siya at sumenyas ng OK). Jinlex nice to meet you nga pala ulit. Bye guys” at winave ko ang kamay ko sakanila.
Nang makalayo na ako. May narinig ako.
“Siya yung surprise ko sayo…”
Hindi ko na pinansin kung sino man yung nagsalita. Ang importante, makarating na ako sa registrar para makakuha ng magadang schedule…
Ang mahiwagang mensahe:
Medyo maikli po yung update ko :)
May naisip na ako na plot para mas magiging maganda ang storya na ito… at sure akong magugustuhan niyo :)
Thank you :)
Vote, Comment and be a FAN :)
BINABASA MO ANG
You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSi April kilalang bestfriend ni Carol Auguis. Kilalang number one fan ng Bakulaw and Halimaw Loveteam. Sinong magaakala na itong babaeng ito ay magkakagusto kay Jun na kaklase niya at dahil sa itong Jun na ito ay may mahal na iba. Gusto niyang gamit...