Chapter 8:
*Torpe*
Natapos ang break namin ng kunyareng masin sinang kaming naguusap ni Justin. Minsan nga nagtataka siya kung ano ang mga pinagsasabi ko. Binibigyan ko nalang siya ng ‘makisama kana lang’ look. Pero bago kami umalis doon sinabihan muna ni Justin si Carol na may meeting sila mamaya sa Music Room. Agad na pumayag si Carol pero si Miko mukhang ayaw kasi alam siguro niyang nandoon si Justin. Hay naku ang seloso naman ng lalaking yun!! Sabagay hindi ko rin siya masisisi, medyo napalapit na din kasi si Carol kay Justin at sa sobrang pagkalapit nila ayun na nga at nahulog si Justin kay Carol. Pero si Carol naman mukhang hanggang Friends zone lang si Justin.
Hay naku ang complicated…
Nakaratig ako sa room ko na hinatid ako ni Justin. After nun umalis na din siya bigla. Parang nalungkot nga ang mukha niya eh. Hay naku!! Pagibig nga naman.
Pagpasok ko sa room agad akong umupo at sinubsob ang ulo ko sa mesa. Medyo konti palang kasi ang tao, kaya hindi pa masyado maingay. Habang naka-subsob ang mukha ko may nakita akong isang lalaking nakaupo sa isang sahig at may tinitingnan sa wallet niya. nang tiningnan ko kung sino si Jun lang pala. Teka si jun ba talaga yun. Para makasigurado sinilip ko ulit at hindi nga ako nagkamali si Jun nga…
Mula sa kinauupuan ko kitang kita ko ang pagtitig niya sa wallet niya at mula din dito kitang kita din na malungkot ang mga mata niya habang nakatingin sa initingnan niya. gusto ko sana siyang lapitan kaso natatakot ako!!
1
2
3
4
5
6
7 minutes na ang lumipas. Nandoon parin siya naka-upo sa sahig. Pero ayoko talaga lapitan… tatayo na sana ako para lapitan siya. Kaso pagtingin ko sa pinto dumating na si Professor. Kaya ayun napabalik ako sa upuan ko at nakita ko din na tumayo na si Jun at bumalik na doon sa upuan niya. buti nalang dumating si prof, naku kung hindi! Hindi ko na alam ang nasabi ko ngayon sakanya.
After Class…
Paglabas ko ng room akala ko nandoon na si Justin para hintayin ako pero isang NGA-NGA ang inabot ko. First time to ah. Simula kasi nung naging Boyfriend ko na siya palagi niya na akong inaabangan dito sa labas ng room ko para sunduin pauwe.
Mga tatlong minuto akong naghintay pero wala siya hanggang sa tumunog ang cellphone ko.
Justin:
Uy di kita mahahatid ngayon. May meeting pa kasi kami sa Music Room. Pero hahatid ka ni Jinlex… :) well pakisabi nalang diyan sa kapatid ko Galingan niya ah…
Baliw talaga itong lalaking to. Talagang saakin pa pinadaan ang sasabihin niya sa kapatid niya.
Magrereply na sana ako ng Makita ko si Jinlex na hingal na hingal na tumatakbo papalapit saakin.
“Uy anyare sayo?”
“Ha! A-Ano kasi. Tumakbo ako para makarating kaagad dito”
“Ano ka ba! Hindi mo na kailangan tumakbo noh… hindi naman ako aalis dito”
Nakita kung ngumiti siya sa sinabi ko…
“May pinapasabi nga pala sayo si Justin…” at inabot ko sakanya ang cellphne ko na may text ni Justin.
Nang mabasa niya na agad siyang namula.
“Bakit ka namula?” tanong ko sakanya
“Ha! Wala. Lets Go na” yaya niya saakin.
BINABASA MO ANG
You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSi April kilalang bestfriend ni Carol Auguis. Kilalang number one fan ng Bakulaw and Halimaw Loveteam. Sinong magaakala na itong babaeng ito ay magkakagusto kay Jun na kaklase niya at dahil sa itong Jun na ito ay may mahal na iba. Gusto niyang gamit...