Chapter 3:*Hurt*

927 26 0
                                    

Chapter 3:

          *Hurt*

Nakarating kami sa mall na panay ang ngiti ni Justin. Hindi ko nalang siya pinapansin, mukha kasing lakas na ng tama sa ulo. Haha!!

“Saan tayo?” tanong niya saakin ng makapasok na kami sa loob.

Tingnan mo tong lalaking to! Siya nangyaya ako pa tatanungin kung saan kami pupunta.

“Kahit saan!”

“Hmmm sige”

Alas onse na din kasi kaya medyo marami-rami na din ang tao.

“Kain muna tayo!” yaya niya saakin. Tumango nalang ako. Gutom na din kasi ako… ginutom ako sa mga ngiti niya.

“Saan mo gusto kumain…?”

“MCDO” nakangiti kung sagot.

“Gustong-gusto mo sa Mcdo ah”

Sinabi mo pa. kapag nga magkasama kami ni Carol. Halos tambayan na namin ang Mcdo. Favourite kasi namin yun simula palang nung bata kami. Haha

Ngiti nalang ang naisukli ko sakanya. At hinila ko na siya papunta doon sa Mcdo. Nang makarating kami doon ang dami na kaagad tao. Papasok palang sana ako nang Makita ko si Carol sa di kalayuan.

Si Carol ba yun?

Kinusot ko ang mata ko…

Si Carol nga?? May tinitingnan siya sa Counter. Tiningnan ko naman kung sino yun.

Si Miko yun ah!!

OMG

Huwag nilang sabihing nag da-date sila o baka SILA na…

OMG

Im happy for you friend…

“Ahem”

O gosh… nandito nga pala si Justin. Napatingin ako skanya. Titig na titig siya kay Carol na nakangiti habang nakatingin kay Miko. Nakita ko rin ang unti-unting pagpawi ng mga ngiti niya. Nalungkot tuloy ako bigla.

Mas ok pala na Makita siyang parang tangang laging nakangiti kaysa sa nakikita ko ngayon…

Hinila ko siya doon… “Tara KFC nalang”

“Teka-” hindi na siya nakapalag. Hinila ko na kasi talaga siya. Akala ko magiging masaya ang First Date kuno namin. Pero sa nakikita ko mukhang bubuhos ang luha. Haha joke !!

Nakarating kami sa KFC ng hindi na siya nagsalita. Tahimik lang talaga siya. Ang laking pagsisisi ko kung bakit ko pa siya dinala doon sa Mcdo. Umupo ako sa upuan doon at siya naman pumunta kaagad sa Counter para umorder. Habang naghihintay ako pinapanuod ko lang siya sa pag-order. Tumingin din ako sa mga tao! Halos lahat sila nakuha ang atensyon ni Justin. Ang gwapo naman kasi talaga ng lalaking yan… kahit nga rin ako gwapong-gwapo sakanya.

“Kain na tayo” nginitian ko nalang siya. Lumalim ata ang iniisip ko! Hindi ko kasi napansin na nasa tapat ko na siya.

Binigay niya saakin ang pagkain ko at nagsimula na kaagad kaming kumain. Galit galit muna kami. Mga gutom eh.! Nang medyo tapos na ako at siya rin. Kaagad siyang tumayo. Ok saan na naman kaya kami pupunta… para siyang galit na iwan sa kilos niya. Hindi siya nagsasalita at hindi rin ngumingiti. Parang nasanay tuloy ako sa MOOD niya kanina.

“Justin…” tawag ko sakanya.

Tumingin siya saakin ng walang reaksyon “Bakit?”

“Kasi… kung gusto mo uwe nalang tayo! Mukhang kailangan mo mapag isa eh”

You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon