Chapter 6:
*Ferrero*
Pagkatapos ng araw na yun. Medyo pumayapa naman ang buhay ko. Kasi medyo hindi na ako pinapansin ni Jun. na which is pavor sa akin kaysa sa palagi niya akong pilitin na magpanggap na Girlfriend niya. Si Justin naman sinundo ako nung pauwe na . kasama niya ulit sa sasakyan si Jinlex. May sasakyan naman daw talaga si Jinlex kaso na-flatan daw kaya kay Justin nakasabay. Pero may malaking hiwaga talaga saakin si Jinlex. Palagi kasi siyang nangangatog kapag kaharap ako, palagi din siyang nauutal pag kausap ako. Ewan ko ba doon! Samantalang si Justin wala naman ginawa kundi tawanan kami. Hay!! Medyo palagi ko na nga siyang nakikitang nakangiti o baka siguro tinatago niya lang ang sakit na nararamdaman niya at dinadaan nalang ito si tawa at ngiti.
Nandito ako sa kwarto ko, gumagawa ng research. Binuksan ko muna ang FB ko. At ang tumambad lang naman saakin ay puro friend request na which is hindi ko naman mga kilala… kaya hindi ko nalang pinag-aaccept. Napunta naman ako sa Notification puro congrats ang nakalagay. Tungkol saamin ni Justin… hay naku kung alam lang nila.
Binuksan ko na ang Microsoft Word at nagsimula na sa research na gagawin ko.
10 minuetes.
Type, type, type.
20 minuetes..
Type, type, type,
30 minuetes…
Type, isip, type, isip,
40 minuetes….
Wala na akong maisip…
Hay sumasakit na ang ulo ko dito…
Binuksan ko ulit ang FB ko at tumingin sa News Feed.
Puro mga post nung mga kaklase ko ang nakalagay…
Scroll down…
Scroll Down…
Stop…
Ferrero.
O gosh… gusto ko niyan!! Chocolate…
Dahil sa kagustuhan kung makakain niyan. Ayun hindi ko rin nakain!! Gabe na din past 12 na din kasi. Delikado ng lumabas ng bahay. Dahil sa pag ka disappoint ko. Nag post nalang ako.
_* Im Craving for Ferrero… gusto ko kumain, kaso masyado ng gabe.
Delikado :( _*
Nang matapos kung i-post yun. Pumunta na ulit ako sa MWORD. Para matapos na yung research na ito…
Kaso wala na talaga ako maisip… ano ba naman yan!!
Hindi ko na nga makakain ang Ferrero dahil sa gabe na, wala pa akong maisip dito… Busit naman. Humiga nalang ako sa kama!! Pero nang ipipikit ko na ang mata ko para matulog… doon naman ako nakakaisip ng ita-type. Ano ba naman ito. Harap ulit ako sa Laptop at tinype iyong naisip ko… ng pigang piga na talaga!! Napag desisyunan ko ng matulog…
Humiga ako sa kama ko at pinikit ang mata…
Mga ilang minuto palang ang nakalipas ng pagpikit ko…
Hay! Hindi ako makatulog…
Anong oras na. ala una na…
Lord patulugin niyo naman ako…
Pinikit ko ulit ang mata ko…
Ayaw talaga!!
Bumangon ulit ako…
*Toot toot*
Teka sa Cellphone ko yun ah… hinanap ko ang cellphone ko sa kama. At ayun nakita ko na.
BINABASA MO ANG
You'll be my GIRLFRIEND and I'll be you're BOYFRIEND (COMPLETED)
Teen FictionSi April kilalang bestfriend ni Carol Auguis. Kilalang number one fan ng Bakulaw and Halimaw Loveteam. Sinong magaakala na itong babaeng ito ay magkakagusto kay Jun na kaklase niya at dahil sa itong Jun na ito ay may mahal na iba. Gusto niyang gamit...