Audition

391 8 2
                                    

Chapter 1

Chloe's Point Of View

Ilang taon na rin ang nakakalipas magbuhat nung mag-break kami ni Ford. Hindi ko naman inaakala na darating yung araw na maghihiwalay kami, akala ko siya na talaga yung lalakeng makakasama ko ng panghabambuhay, yung lalakeng pinapangarap ko na maikasal sa isang simbahan na kahit simple lang ang kasal masaya na ako dahil siya ang lalakeng ihaharap ko sa altar... pero sa di inaasahang panahon bigla na lang nagbago ang lahat... yung tipong sobrang sweet namin sa isa't isa hanggang sa nawala na lang yung pagiging sweet niya sakin at ang mas masakit na parte ng pagmamahalan namin ay yung iwan ka na lang niya sa ere at ang mas malala pa sa mismong araw pa ng ika-anim na anniversary namin sa isa't isa.

Ang sakit lang, ni hindi ko matanggap yung time na yun.. yung araw nagpaganda talaga ako kasi nakasanayan ko ng magpaganda ng sobra sa tuwing monthsary anniversary namin. Grabe, sobra nga akong nainlove kay Ford kahit ngayon mahal ko pa rin siya ...

"hoy! Tulala ka diyan?" pang-iistorbo ni Zoeye.

"wala. May naalala lang ako"

"sino na naman? Si Ford? Kelan ka ba titigil sa kaka-iisip sa kanya? Kung alam mo naman na hindi na ikaw ang nasa isip at puso niya!" pasigaw na sabi ni Zoeye.

Para na siyang mama ko kung sumermon sakin.

"hanggang sa mapagod ako, Zoeye. Hanggang mag-iiyak ako na wala ng bukas. Hanggang sa..." nagsimula mamuo ang mga luha ko sa mata ko, binigyan niya ako ng tissue. "mawala na 'tong pagmamahal ko sa kanya"

"at kelan naman yan mawawala?"

"after 1 month, Zoeye... mawawala din siya" sabay ngiti ko ng pilit.

Grabe kasi halos 6 years na kaming wala tapos siya may bago ng pinalit sakin, samantalang ako nabubuhay pa sa nakaraan namin.

"kung ako sayo pupunta ako ng Sagada para isigaw ang lahat ng sakit at hinanakit na dinulot niya sayo" request niya.

"ayoko. Okay na ako dito. Kaya ko pa naman eh" sabay ayos ko sa sarili ko.

"weh? Talaga lang ha?"

Tinignan ko siya at ngumiti.

"oh. Balita ko Chloe, may gagawin silang movie at nangangailangan sila ng artista na hindi sumikat noon"

"talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"oo, ano? Gusto mo bang mag-audition?"

Ngumiti ako sa kanya "gusto"

"so, what are we waiting for?" sabi niya.

"tara na!" sabi ko at kinuha ko na ang bag ko.

"kala ko aayaw ka pa eh" sabi niya at lumabas na kami ng bahay.

"sayang naman kasi eh at sayang ng pinag-aralan ko sa theatre arts"

Tumango-tango siya "kung sabagay" nagtawag na kami ng tricycle at sumakay na doon papunta sa station ng aaudition-an.

Kami lang dalawa ni Zoeye ang magkasama sa bahay si Mama bumalik sa probinsya, simula nung nag-college ako sinanay na ako ni Mama na alagaan ang sarili ko na wala siya.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami at nakita naming maraming tao, siguro kailangan pa ng maraming extra sa movie at sana makilala pa nila ako hindi pa naman masyadong matagal yung anim na taon di ba? Ni hindi ko nga nakakalimutan yung araw na mag-sshoot ang bench noon.

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now