ChloFord

65 3 0
                                    

Chapter 31

Chloe's Point of View

"teka lang Ford, ba't ka kay Chloe nakatingin nang sabihin mong si Lexie ang mahal mo mas higit pa sa buhay mo? Di ba dapat sa camera, kunware si Lexie yan" Sabay turo ni Ate Vice sa camera.

"hala! Anong tingin yun Chloe?"

Ay! Nakita ni Ate Vice. Oo nga pala hindi pa niya alam pati na rin ng madlang pipol. Ano nga bang irarason ko?

"Napuwing kasi ako ate" palusot ko.

Hindi naman naniwala si Ate Vice sa sinabi ko. "May napuwing bang umiirap?" At nagsample siyang napuwing na napairap.

"Hala siya. Napuwing talaga ako nitong baby hair ko" natatawang sabi ko.

"Hmp. Palusot mo Chloe" sabi ni Ate Vice.

Napa-pout na lang ako.

"So yun Ford. Dapat sa camera mo sabihin hindi kay Chloe. Buti kung kayo pa rin eh, kaya lang may Lexi ka na" sabi ni Ate Vice.

Tumingin naman sakin si Ford "o bakit na naman nakatingin kay Chloe? Ford, tapatin mo nga kami. Kayo na ba ulit?" Pabirong tanong ni Ate Vice.

Natawa naman ako. Ayoko kasing magseryoso eh baka mapaghalataan kami. Ihahanda ko na lang ang sarili ko sa masakit na sasabihin ni Ford.

Natawa muna si Ford bago magsalita "no and that will never happen because I have Lexi" at yun ang masakit kahit palabas lang ang mga sinabi niya.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko kahit hindi naman talaga dapat kasi alam ng buong mundo na sila ni Lexi at alam nila na si Chloe Olivar ay ang dating girlfriend ni Ford Medina.

Pero, ang hirap din palang itago ang katotohanan na kayo na ni Ford kasi kapag inanunsyo namin maraming fans ng FordLex ang magagalit at maaaring maging issue ng isang buwan kapag inamin na namin ang katotohanan.

Pero wala namang sikretong hindi na nabubunyag kaya kailangan magtodo ingat kami kung anong meron samin ni Ford.

Ngumiti na lang ako ng peke para hindi nila malaman na nasasaktan ako. Tumingin si Ate Vice sakin.

"Chloe, okay ka lang?" Tanong sakin ni Ate vice.

Nangiti naman ako "oo ate"

Napabuntong hininga si Ate Vice "yan ang hirap satin eh. Yung akala mong naka-move on ka na pero hindi pa pala kasi nakakaramdam ka pa ng selos" tumingin sakin si Ate vice "Chlo, tapatin mo ko.  Nagseselos ka ba?" Seryosong tanong niya.

Natawa naman ako. "Anong klaseng tanong yan ate vice? " natatawa kong sabi.

Tinitigan ako ng seryoso ni Ate. Napabuntong hininga ako "hindi po, tsaka bakit naman ako magseselos kung wala namang rason?" Pinigilan kong huwag pumiyok dahil parang naiiyak ako.

Tumango-tango si Ate Vice "tama ka nga naman. Alam mo Chlo, ikaw lang yung kilala kong artista na magaling mag-pretend" Nabigla naman ako sa sinabi niya at narinig kong natawa sila.

"Hala! Hindi kaya Ate. I'm not a pretender" protesta ko.

Natawa naman siya pati si Ford "mag-uusap tayo mamaya Chlo" sabi ni Ate Vice.

Nakaramdam naman ako ng kaba ng sabihin yun ni Ate.

"Hala" sabi naman ni Ford.

Tumango na lang ako kahit joke lang yun. Pero feeling ko seryoso siya.

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now