Chapter 20
Zoeye's Point of View
Nang makaalis si Chloe ipinagpatuloy ulit ni Jaja ang sinabi niya. "hoy, hindi siya pwedeng mag-move on noh! Kasi nakikita ko sa mga mata niya na mahal pa niya si Ford. Kaya walang move on!"
"hoy kailangan! Eh may girlfriend na si Ford!" Cherry.
"hindi nga pwede! Gagawa ako ng paraan para hindi niya mahalin yang Lexie na yan! Kailangan magkabalikan sila ulit" sabay taas baba ng kilay niya.
Napakunot noo naman kami "sa paanong paraan?" tanong namin.
"sa paraan ng pag-uupload ng mga sweet memories nila nung sila pa" sabay ngiti niya na nakakaloko.
Amp! Totoo ngang ang gwapo ni Jaja-- Ano daw?! Ano ba Zoeye! Bakla yan! >_<
"ahay! Ang witty mo talaga siszums! Ikaw na!" sabi ni Boom.
"ang galing! Oo nga ano? Ba't hindi mo yan naisip Zoeye?" sabi ni Bubbles.
Tumingin ako kay Bubbles "ang alam ko kasi wala na yung mga pictures nila nung sila pa ni Ford"
May bumatok sakin "aray naman!" sabi ko at hinimas ang ulo ko. Ang sadista kasi ni Jaja.
"ang tanga mo kasi eh! Alam mo naman na nandun lahat ng photos niya sa FB at alam mo rin ba na sa bawat pag-upload ni Chloe ay meron na akong copy?" sabi ni Jaja
Napataas kilay ako "paano ka naman nagkakaroon ng kopya, aber?"
"hello? Ako kaya ang dakilang invader ng phone nila!" sabay tawa niya na nakakatakot.
Binatukan ko naman "aray ko naman beh!" sabay himas niya sa ulo niya.
"gumaganti lang ako" sabi ko.
"so, ang tanong nandiyan pa ba sa phone mo ang mga pictures nila?" tanong ni Che.
Ngumiti siya at kinuha ang phone niya sa kanyang pouch. "oo andito pa lahat, tsaka separate ang folder ng pictures nila dito sa gallery ko" sabi niya habang ini-scan ang kanyang phone.
"grabe ka ha! Kung sikat pa sana ang tandem nila malamang ikaw na ang dakilang fan nila" saad ni Bubbles.
"oy matagal na nila akong fan noh! Simula pa nung hindi pa sila" sabi ni Jaja habang nag-sscroll sa phone niya.
Um-oo na lang sila. Ako naman tumingin sa labas kung saan nandun si Chloe. Napakunot noo ako. Para kasing naiinis siya na ewan? Ano bang nangyayari dun. Mapuntahan nga. Tatayo sana ako ng pigilan ako ni Jaja.
"san ka pupunta?"
"kay Chloe, para kasing may kaaway" sabi ko.
Napakunot noo sila "ano?!" sabi nila at tumayo.
Pinigilan ko naman silang pumunta dun "ako na lang. Pag-usapan niyo muna ang plano para magkabalikan sila" sabi ko.
Um-oo na lang sila at naglakad na ako papunta sa labas kung saan nandun si Chloe.
--
Chloe's Point of View
Nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko ba si Ford o hindi. Eh, kasi naman parang kakaiba yung nararamdaman ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag niya. "Hello?" sabi ko.
[finally, you answered my call]
"bakit ka napatawag?" tanong ko. Kasi naman hindi naman siya tatawag kung wala namang kailangan.
Hindi na kasi ako sanay sa mga tawag niya eh. Kapag kasi tumatawag siya parang ayaw kong sagutin kasi ayoko pang malaman ang katotohanan dahil baka hindi ko kayanin.
[I want to talk to you, Chloe]
Napakunot noo naman ako "ano bang pag-uusapan natin? Tsaka ba't sa phone? Di ba pwedeng sa personal na lang?" medyo nag-iba ang pagkasabi ko nun. Kasi naman eh nakakainis kung sa telepono na lang, bakit, hindi ba niya kayang makipag-usap ng harapan?
[uh, o-of course. I want to but-I have photoshoots today. If you want punta ka na lang dito sa studio]
I rolled my eyes of what he said. "wow. So, ako pa talaga ang pupunta jan? Huwag na noh. Baka magalit pa ang girlfriend mo!" sabi ko.
Natawa siya [you're so cute, Chloe. Kung nakikita ko lang ang mukha mo malamang nakurot ko na yang pisngi mo]
Nagmake face ako sa sinabi niya "heh! Tumigil ka nga! Ayokong ma-issue noh!"
Natawa na naman [bakit naman? We're friends right? tsaka our friendship will never last, it will stay forever] Ouch. Ang sakit naman. Umasa pa naman ako.
Pero sabi nga nila kung wala na talagang makitang posibilidad kailangan itigil na kasi sa kakapursige mong ipagpatuloy wala ka namang mapapala dahil wala na ngang pag-asa.
Ngayon, tanggap ko na. Ito na siguro yung huli na aasa ako.
"basta. Di ako pupunta jan"
[grabe lang. Please?]
"ayoko nga!"
[pretty please? Sige na, Chlo. Dinner na lang tayo sa labas]
Namilog naman ang mata ko ng sabihin niya yun. "huy, huwag na nga! Next time na lang" puputulin ko na sana ang tawag ng may sabihin pa siya.
[sige na Chlo, namiss kasi kita. I've misses you so much. Please?]
I rolled my eyes and took a deep sigh "sige na nga! Ang kulit mo!" inis na sabi ko.
[yehey! Thank you Chloe, see you tonight. Love you, baby Chloe] parang tumigil ang mundo ko ng sabihin niya ang huling salita.
"sige" sabi ko na lang at binaba na ang tawag habang tulala pa rin nang dahil sa sinabi ni Ford.Naka-move on na ba talaga ako?
YOU ARE READING
SL 2: Nothing Last Forever
Krótkie OpowiadaniaFrom CRUSH to become FRIENDS. From FRIENDS to IN A RELATIONSHIP. From BEING HIS GIRLFRIEND to FANGIRL. From FANGIRL to Showbiz Actress. From Actress to ??? . . What will be her label this time? ----- All Rights Reserved ©2016