Not okay

155 8 0
                                    

Chapter 25

Chloe's Point of View

Tinitigan ko siya "ba't hindi mo ko sinipot sa SIXTH anniversary natin?" in-emphasize ko talaga ang SIXTH para maalala niya ulit baka kasi nagka-amnesia na siya.

Napa-lip bite siya ng tanungin ko yun "my manager told me I had a workshop to attend to and enroll myself on that to have a good acting skills"

"ah. So, mas importante sayo yung career mo kesa sa anniversary natin?" natawa ako ''kung sabagay nga naman, siguro kung ako yung papipiliin malamang yung workshop ang pipiliin ko kesa dun sa pinakaimportanteng araw na mangyayari sa buhay ko"

"look, let me ex--" hindi ko muna siya pinagsalita dahil may sasabihin pa ako.

"ang mas masakit pa hindi ka man lang dumating kahit sana 15 minutes lang tayo para hindi naman nasayang ang lahat pero wala eh. Hindi ka dumating at hindi ka man lang tumawag sakin na aalis ka. Ang sakit!" pinipigilan kong tumulo ang luha ko pero huli na, agad ko na lang pinunasan ng kamay ko ang luha ko.

Napatungo siya at tumingin ulit sakin "I know your really mad at me but please, will you give me a chance to explain myself to you?"

Tinignan ko lang siya "nung araw na anniversary natin papunta na ako nun pero pinigilan ako ng road manager ko dahil nga dun sa workshop na pag-aaralan kasi para daw yun sa mga projects na nakalinya para saming dalawa ni Lexie and from that day Miss Janice told me not to communicate to the other people, only Lexie has my number on my phone at kung alam mo lang Chloe gustung gusto na talaga kitang tawagan ant kamustahin ginawa ko na pero hindi ako makalusot kasi every hour parating chine-check ni Lexie ang laman ng phone ko pati na rin ang inbox ko"

"bakit ano ba kayo ni Lexie noon? Di ba wala pa naman kayong label noon? Nung tayo pa!"

"we're friends that's all and up to now"

"talaga? Wala bang nangyari sainyo? Wala bang dates na naganap?" pagtataray ko.

Napakunot noo siya "wala. There's nothing and I told him not to fall in love with me"

Natawa naman ako "kapal naman! Pero kung sabagay tama nga naman ang sinasabi mo. Alam mo sana sumipot ka noon kasi panigurado magugustuhan mo yun, pero walang anino akong nakita eh" Napabuntong hininga ako "okay lang. Ganyan naman kasi ako magmahal eh. I gave a return even if the person didn't. Sanay naman ako eh. Kaya okay lang" sabi ko habang may tumutulong luha mula sa mga mata ko.

"Chloe..." hahawakan niya sana ang kamay ko pero iniwas ko.

"hindi okay lang. Okay lang talaga" sabi ko habang pinipigilan humikbi.

"but.. you're not okay and I'm not okay if you're like that" concerned na sabi niya.

Umiling ako at inayos ang bag ko "okay lang talaga ako. O sige alis na ako" sabi ko at tatayo na sana ng pigilan niya ako.

''no please stay. I know you haven't eaten you're food yet"

Nagpunas ako ng luha. "no. I'm fine, magpapa-order na lang ako sa bahay. Thank you sa pagsasabi mo ng totoo" sabi ko na lang at umalis na sa table namin.

Pagkalabas ko dun ko na iniyak ang lahat pati paghikbi ko masyadong malakas.

Ang sakit kasi eh. Akala ko wala na talaga pero ayun bumabalik pa rin eh. Hindi mo talaga makakalimutan ang isang taong minahal mo ng lubos lalo na't naging parte na siya ng buhay mo.

Napaupo na ako sa sahig ng dahil sa pag-iyak ko. Ang sakit kanina sa dibdib dahil ayoko munang umiyak ng sobra sa harapan niya pero ayun naiyak ako dahil hindi mapigilan ng luha kong tumulo.

Pero nagawa kong harapin siya at naging matapang sa harap niya kahit medyo naiyak ako.

"Chloe!" Napatayo ako ng may tumawag sa pangalan ko. Lumingon ako at nakita siya na papalapit sakin.

"o, ba't ka lumabas? Sayang nung pagkain. Bumalik ka na" sabi ko at pinunasan ang mga luha sa pisngi ko.

"no. I don't. Hindi ako babalik sa loob kung hindi ka papasok kasama ko"

"okay lang nga ako. Busog pa ako. Kaya ko pa" sabi ko at magpapara na sana ng taxi ng biglang nakaramdam ako ng pagkahilo.

"are you okay?" sabay alalay sakin ni Ford.

"okay lang ako" sabi ko at tumayo ng maayos pero talagang nahihilo ako eh. Kumain naman ako pero snack lang yun.

"you sure?"

"ye---" naputol ang sasabihin ni Chloe dahil bigla na lang siyang nawalan ng malay.

"Chloe!" sigaw ni Ford at agad niya itong binuhat papunta sa kotse niya.

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now