Interrogate

191 9 0
                                    

Chapter 18

Chloe's Point of View

Nang makarating na kami sa MOA nakita namin sina Jaja at ang buong barkada na naghihintay sa gitna ng department store kahit malayo pa kami kitang kita ko na si Jared na yun.

"akala ko ba alam na nila Jaja ang tungkol samin ni Ford?" sabi ko.

"hindi nga eh" sabi niya.

"bakit? Asan ba sila nun?"

"wala sila dito sa Pinas nung maka-graduate na tayo. Lahat sila nasa abroad doon na nagttrabaho. Alam niyo naman sila di ba?"

"Ah.. teka lang, anong sasabihin ko?"

Napatigil kami sa paglalakad dahil tinignan ako ni Zoeye na nakasimangot.

"malamang yung pagbreak ninyo ni Ford!!"

Napabuntong hininga ako "ano naman ang kailangan nilang malaman dun?"

Napapadyak siya sa sahig "Chloe naman! Karapatan din nilang malaman kung anong nangyari sa mala-forever na sanang lovestory niyo ni Ford"

Napakamot ako sa ulo "hay nako! Bahala na nga! Kung ano ang totoo yun na lang ang sasabihin ko"

"okay. Maghanda ka sa hotseat na ibabato sayo ng dalawang bakla"

Napa-pout ako. "sana wala si Jaja!" parang batang inagawan ng lollipop na sambit ko.

Natawa siya "sorry girl pero kasama siya"

Napasimangot na lang ako. Ang daldal pa naman ni Jaja. Tsk.

Maya maya lang...

"waaaa! Namiss ko kayong bakla!" matinis na boses ni Jaja at Boom ang sumalubong samin.

Nagbeso kami sa bawat isa. "hehe, hello" sabi ko.

Nakipagbesohan naman kami kina Bubbles at Cherry. "kumusta na?" sabi ni Che.

"okay naman"

"balita namin..." pinutol ni Zoeye ang pagsalita ni Che.

"huwag tayo dito, punta tayo sa pizza hut at dun kakain at mag-uusap" sabi ni Zoeye.

Sumang-ayon naman sila at hinila ni Zoe ang dalawang bakla. "hoy bakla! Hindi kami aso!" sigaw ng dalawa.

Natawa na lang kaming tatlo nila Bubbles at Cherry.

Naka-cling silang dalawa sa magkabilang braso ko. "grabe ka Chloe, akala namin artista ka!" biglang sabi ni Cherry.

Natawa naman ako "grabe sila. Hindi naman tsaka hindi na nila ako kilala kasi nag-stop ako ng pag-artista last 2 years"

''ha?!" sabi ng dalawa sabay hinto namin sa paglalakad.

"seryoso?" sabay pa nila.

Natawa naman ako "sa maniwala kayo't sa hindi.. Oo"

"ay talaga? Wow naman! Akala ko nga model lang kayo ng bench" sabi ni Bubbles.

Napatawa naman ako ng konti. "by the way napili ba kayo sa bench? Pasensya na kung hindi namin alam, kasi naman di ba? Alam mo naman kami workaholic di na makapaglibang sa social media" sabi ni Che.

"well, Oo after 2 years noon kinuha kami. Ang tagal noh?"

"Oo nga. Bakit?"

"ewan siguro sinigurado talaga nila"

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now