First shooting

203 12 2
                                    

Chapter 11

Chloe's Point of View

"Zoeye! Tara na! Late na tayo!" sabi ko at naunang lumabas ng bahay.

"eto na!" sigaw niya at lumabas na rin dala ang mga kakailangan ko.

Nagpresinta kasi siya na maging P. A ko kaya um-oo na lang ako kesa naman tanggahin ko pa. Okay lang daw kahit walang bayad basta palagi ko siyang lilibrehin.

Nagpara na kami ng taxi at sinabi ang lugar kung saan kami mag-ttaping ng unang episode ng teleserye nila Ford at Lexie.

Ilang minuto lang ay nakarating na kami.

"Hi Chloe!" bati ni direk sakin.

"hello po" sabi ko naman at nakipagbeso kami sa isa't isa.

"ay Hi!" bati rin ni direk kay Zoeye

"hello din po" sabi rin niya.

"heto ang script. Sorry kung ngayon ko lang binigay, alam mo naman ang director minsan nakakalimot. Kaya, isaulo mo lahat ng nasa episode 1. Okay?"

Tumango ako "yes Direk" at binasa na ang script.

"o sige.. maaga pa naman at wala pa sina Ford at Lexie, babalikan na lang kita" sabay ngiti ni Direk.

Ngumiti rin ako "sige po Direk" sabi ko at umalis na si Direk.

"buti pa si Direk, babalikan ka.. eh siya? Mukhang hindi na" napatingin naman ako sa taong bigla na lang humuhugot.

"kay aga aga, hugot agad?" sabi ko.

"hmmp! Syempre naman noh! Patingin nga!" sabi ni Zoeye at inagaw sakin ang script.

"nakita ng nag-mememorize ako eh"

"sorry naman. Gusto ko lang makita. O sige, saulo mo na ba?" tanong niya.

"hmm.. konti pa lang"

"o sige.. sample nga"

Inagaw ko sa kanya ang script. "ayoko nga. Mag-memerize muna ako"

"hm..'kay fine" sabi na lang niya at nanahimik na lang sa kinauupuan niya.

"Hi FordLex! Buti naman nandito na kayo" rinig kong sabi ni Direk.

"ready na ba kayo?"

"yes, direk"

"o sige tawagin ko lang si Chloe"

"ay no Direk, ako na lang ang tatawag sa kanya" parang si Ford yung nagsalita.

"waaa! Oh Em Gee! Akala ko si Direk ang tatawag sayo.. yun pala si EX!" kinikilig na sambit ni Zoeye.

"tumigil ka nga jan, hindi ko na tuloy maintindihan 'tong binabasa ko" saway ko sa kanya.

"hey! Chloe, mag-sstart na raw tayo" napatingin naman ako sa taong pumasok sa tent namin.

"ah, sige" sabi ko at dinala na ang script.

"good luck Chlo" sabi ni Zoeye. Tumango na lang ako sa sinabi niya.

"memorize mo na?" tanong ni Ford.

"oo. Yung sayo?"

"medyo"

Napatango na lang ako sa kanya.

"okay. Ford, ikaw sasalubungin mo ng mahigpit na yakap si Chloe dito sa unang take natin.. isipin niyo na lang na kayo pa rin dito, okay?" sabi ni Direk.

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now