GGV taping with Ford Medina

342 11 2
                                    

Chapter 30

Chloe's Point of View

"ahm.. honestly po..wala pa" sabi ko. Yun yung totoo eh.

Halatang nagulat si Ate Vice nang sabihin ko yun. "seryoso? Talaga? Aba naman.. ibang klase din 'tong si Ford!"

"Opo, wala pa talaga"

"bakit? Ano bang nangyari?" umusog ng konti si Ate Vice sa harapan ko.

"ahm.. kasi po noon busy po siya sa pag-aartista habang ako po nasa bahay na lang"

"ah.. so, hindi ka nagtagal sa showbiz industry?"

"hindi po. Kahit din po sa modelling"

"talaga? Alam mo sinayang ka nila nung una pero o! Tinanggap ka ulit"

Napangiti ako "oo nga po eh. Napakalaki po ang pasasalamat ko sa kanila kasi binigyan pa nila ako ng pagkakataon na maipakita sa kanila kung ano ang kaya kong gawin sa industriyang ito"

Napangiti siya "oo naman. Each one of us deserves to have a second chance and to shine again and make history in showbiz"

"tama po"

"but not all the people has the luck to get in.. in this industry"

"oo nga po, kumbaga po swerte swerte lang"

"true. So, as in talaga hindi pa? Kasi nakakaloka kung hindi pa kayo nagkakaroon ng closure"

Natawa ako "opo. Wala pa talagang closure. Kahit wala na pong ganoon okay lang sakin kasi aanhin ko pa po yung closure kung siya mismo'y nakahanap na ng bago? Di ba po?" at nararamdaman ko na bumabadya ang luha sa mga mata ko.

Nalungkot si Ate Vice "aww.. I wanna hug you" sabi niya at tumayo para yumakap sakin.

Napangiti ako at ayun naiyak na ako "I know it really hurts pa rin"

Ngumiti ako saka pinahiran ng tissue ang luha ko "feeling better?" tanong ni Ate Vice.

"yes po"

"okay. Kaya mo pa ba? Marami pa kasing mga itatanong sayo. Sabi ka lang kung ayaw mo ng sagutin"

"nako, okay po ako. Kaya ko po" sabi ko at ngumiti sa kanya.

Napangiti rin siya "aww, sana ganyan din ako noon yung parang wala lang yung naging break up namin" sabay simangot niya.

"awww" sigaw ng mga audience.

"Ate, it's normal naman po kung iiiyak mo lahat basta hindi magdamag"

"ay talaga? Eh ako kasi inabot ng isang linggo sa kakaiyak eh" sabay tawa niya.

Natawa rin kami "grabe naman! Hindi na po yun normal"

"charot. Biro lang, ikaw naman" Umayos siya ng upo "okay. Next question is..." nakatingin ng diretsyo sa mata ko si Ate Vice "nagtagal ba kayo ni Ford? Ilang months? O taon?"

"yes po. Nagtagal kami"

"mga ilang buwan o taon?"

"5 years in a half"

Narinig kong napa-wow sila sa sinagot ko pati si Ate Vice ay nagulat at nanlaki talaga ang kanyang mga mata "wow! Ang tagal niyo na pala! Grabe! Tapos walang nangyaring closure?! Nakakaloka kayo!" sabay ayos sa buhok niya.

Natawa ako "pero naging memorable naman po" dagdag ko pa.

"buti naman, kasi may iba hindi naging memorable. Parang wala lang"

"oo nga po. May mga relasyon talagang hindi nag-wwork kahit umabot sila ng limang taon"

Nag-react naman ang mga audience sa sinabi ko "oo may ganyan. Sayang nga eh. Dapat nga kasalan na yan kasi ang tagal na eh" Umayos siya ng upo "ilang taon ka nung naging kayo ni Ford?"

"16 years old po"

"oh. Ang bata pa. So kung umabot ng 5 years ang relasyon niyo nag-end nung.." nagbilang si Ate Vice. "so, 20 years old kayo naghiwalay?"

"yes po"

"pero sabi nila mag-ssix years na raw sana?"

"hmm.. almost Ate Vice"

"ah" tumango tango siya ''hindi ka ba nanghinayang?"

"syempre po nanghinayang kasi isang araw na lang yun six years na kami, kaya lang.. may mga bagay talaga Ate Vice na hindi nakatakda para satin"

Nakita ko si Ate Vice na nalungkot habang ako naman ay naluluha habang sinasabi yun.

Tumayo si Vice para yakapin ako. Natatawa naman ako kahit tumutulo ang luha ko. "it's okay" sabi ni Ate Vice na walang mikropono "you'll be loved"

Ba't ba ako naiiyak? Sa pagkakaalam ko kami na ulit ni Ford! Tsk. Oo nga pala secret relationship muna kami baka ma-bash.

--

"and now let's welcome the other half of ChloFord, Ford Medina!" and the crowd goes wild.

Ibang klase talaga ang karisma ng boyfriend ko. Iba talaga! Ano kaya ang pinainom nito sa mga tao?

"Hi Ate Vice, gandang gabi" sabi niya at nakipagbeso kay Ate Vice.

"gandang gabi din Ford" sabi nito.

Nagbeso rin siya sakin. Naghiyawan naman ang mga tao ng magbeso kami.

"akala ko ba wala pang closure? Eh ba't may besohan na?" pansin ni Ate Vice.

Natawa naman kami ni Ford. "just a friendly kiss" depensa ni Ford.

Pinalo ko siya sa braso ng mahina.

"halala-luh?! May mahampasan na din pala! Yung totoo ChloFord, kayo na ba?"

"Ate Vice, may Lexie na siya. Huwag ng i-push.. mashaket!" sabay tawa ko.

Natawa rin si Ate Vice at nakipag-apir sakin "gusto ko yun Chlo!" Umayos na siya ng upo. "o Ford, yes or no may closure na ba kayo?"

Tumingin sakin si Ford na nakangiti. "yes po, meron na"

"o! Meron na pala, sabi mo Chlo wala pa? Ano ba talaga?"

Nagpeke ako ng tawa "noon yun ate Vice, pero kahapon kami nagka-closure"

"oh. So, friends na kayo?"

Magsasalita na sana ako ng unahan ako ni Ford "super friends!" masayang sabi niya.

Nagulat si Vice "aba! Ang tindi naman! Frrom dating wala pang closure ngayon super friends na?! Yung totoo pinagttrip-an niyo ba kami?"

Natawa naman kami sa inasal ni Ate Vice "it's true Vice, we're super friends"

Nakita kong nalungkot si Vice "aww... friends na lang talaga?"

Natawa ako "Ate Vice, may girlfriend na siya" sabi ko.

"oo nga eh. Yan ang hirap sa mga lalake kung kelan bumalik yung babae saka pa nagkaroon ng bago. Whoo! Mga di makapaghintay!"

At ayun natawa na naman kami. ''wait, honestly Vice, I really love Lexie more than my life" sabay tingin sakin.

Inirapan ko siya. Ang sakit kayang marinig yun kahit palabas niya lang. Tsk. Kainis. Pero hayaan na natin hindi naman yun ang totoo.

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now