Chapter 7
Chloe's Point of View
"ang nega mo rin ano? Di ba pwedeng si Destiny na lang ang mag-decide ng lovestory niyo? Malay mo naman may second chance pa na maging kayo"
"eng eng mo! Wala na noh! Ayoko na kayang umasa! Nakakatanga na!" inis na sabi ko.
"ano ka ba? Okay lang umasa at magpakatanga noh! Kasi alam ko at ramdam kong mahal ka pa ni Ford"
Pinagkunutan ko siya ng noo. ''magtigil ka na Zoeye! Naka-move on na nga ako eh! Kaya please lang huwag mo ng pagpilitan pa na magkakabalikan kami ni Ford!"
"hmp! Okay. Sorry na" sabay peace sign niya.
"tara na nga" sabi ko. Papara na sana kami ng taxi ng may tumawag sa pangalan namin.
Paglingon namin sa likuran nakita namin ang idol ko. Naglakad sila papalapit samin.
"punta kayo sa bahay ni Ford" sabi ni Lexie.
Napatigil ako sa pagngiti sa kanila ng sabihin yun ni Lexie. "yeah, you should come with us especially you... Chloe" napatingin ako kay Ford at nakita kong nakatingin rin siya sakin.
"uh.. s-sige ba" sabi ko at ngumiti.
"so, tara na?" sabi ni Lexie.
Nagkatinginan kami ni Zoeye at binaling muli ang tingin kina Lexie at Ford.
"tara!" sabay namin ni Zoeye at naglakad na kami kasama sila papuntang parking lot.
"may namimiss ka ba sa bahay ni Ford?" biglang bulong ni Zoeye.
Napabuntong hininga ako "oo, si Lola Margarette. Nakakamiss siya.. sobra"
"for sure miss na miss ka na rin niya"
"sana nga namiss niya ako"
"oo naman noh! Lalo na si baby Matthew na ngayon 9 years old na" sabi pa niya.
Kapatid ni Ford si baby Matthew, nakilala ko na si baby Matthew nung kami na ni Ford after kasi ng 1 week na maging kami ni Ford ay isinilang baby Matthew, nakakamiss nga si Baby eh, sa loob ng limang taon at kalahati na naging magkasintahan kami ay kami na ang palaging babysitter ni Baby Matthew. Itinuring namin ni Ford na parang anak si Baby Matthew, may hawig nga rin sa kanya eh. Nag-duda nga ako kung sino ang ama ni Baby Matt, akala ko kasi siya.. muntik na nga kaming mag-away eh nang pagdudahan ko siya.
"huy, reminiscing the past?"
"ha? hindi noh! Inaantok lang"
"weh? May inaantok bang nakangiti?"
"ha? Nakangiti?"
"oo! Ikaw ngiting ngiti ka"
Napailing ako "hindi ah" sabi ko at nakarating na kami sa parking lot kasama sina Ford at Lexie.
Inaamin ko may kirot pa rin akong nararamdaman sa puso ko.
Sumakay na kami sa loob ng kotse at pinaandar na ni Ford ang engine saka kami'y lumarga na.
Habang nasa biyahe tahimik lang kami ni Zoeye sa passenger's seat habang yung dalawa ay busy maglampungan sa driver's seat.
"huy! Stop staring to them.. mas lalo ka lang masasaktan" biglang sabi ni Zoeye.
"okay lang.. manhid na kaya 'tong puso ko" sabi ko na lang.
"ay? Ganoon ba?" napabuntong hininga siya "may mga bagay talagang kailangan mong harapin para kapag nasanay ka na wala ka ng mararamdaman na sakit" dagdag pa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/83596290-288-k719672.jpg)
YOU ARE READING
SL 2: Nothing Last Forever
Short StoryFrom CRUSH to become FRIENDS. From FRIENDS to IN A RELATIONSHIP. From BEING HIS GIRLFRIEND to FANGIRL. From FANGIRL to Showbiz Actress. From Actress to ??? . . What will be her label this time? ----- All Rights Reserved ©2016