Look test

198 10 6
                                    

Chapter 3

Chloe's Point of View

"Uy Zoeye, bilisan mo na. Male-late na tayo sa look test ko" sigaw ko sa banyo kung nasaan si Zoeye.

"Oo na po mahal kong Chloe, nagtatapis pa lang ng tuwalya" sigaw niya rin.

Makalipas ang ilang oras ay lumabas na siya at nagpunta sa kwarto niya para magbihis na.

One new message..

From: Ms. Carla

Hi Chloe, the look test will start at 9 am, see you there.

Napangiti ako kasi hindi ko aakalain na babalik na ako sa pagiging artista, noon kasi model lang kami ni Ford at endorsers ng mga kilalang brand ng commercial katulad ng commercial ng pagkain, sardines, sanitary napkins, sabong panglaba, fast food chains at marami pang iba. Tumagal lang ako sa showbiz ng 4 years tapos nun humina na ang karera ko sa industriya, nang mawala na ko sa showbiz si Ford na lang ang pinasikat pa nila, kaya nung mga panahong siya na lang yung may trabaho palagi na siyang walang time sakin pero sa tuwing anniversary namin at monthsary palagi naman siyang nandiyan sa tuwing 20th of the Month pinapa-sched niya na holiday ang araw na yan kasi yan yung araw ng monthsary namin. Halos maiyak nga ako kasi kahit sobrang busy niya sa trabaho sa mga photoshoot ay hindi niya nakakalimutan ang oras niya para sakin pero nung makalipas ang ika-anim na taon kung saan tinambal siya sa artistang si Lexie Muñoz ay doon nagsimula ang hindi niya pagreply sa mga text ko pati na rin sa bawat tawag ko, nawalan na nga siya ng time sakin eh.

Ang mas masakit ay yung araw talaga na iniwan niya ako sa ere at pinaasa ako na i-seselebrate namin ang ika-anim na anniversary namin bilang magkasintahan. Ang sakit lang talaga nung mga panahon na yun, akala ko faithful siya yun pala hindi. Ang sakit lang talaga.

Kahit anong pilit kong mag-move on ay hindi ko magawa kasi mahal ko pa rin siya. Siya lang talaga yung lalakeng minahal ko ng ganito.

Siya nga yung First Love ko, First Boyfriend at ang naging First Heartbreak ko. Ang sakit pa rin isipin. Tama nga yung sabi nila na huwag raw ma-inlove ng todo dahil kapag dumating ang araw na mag-break kayo mahihirapan kang maka-move on.

Dati hindi ako naniniwala diyan pero ngayon heto na nga nararanasan ko pa rin hanggang ngayon. Nararamdaman ko na rin yung naramdaman ni Dredjette nung nakipaghiwalay si Ford sa kanya at ang dahilan na yun ay ako raw dahil yung time na raw yun ay nahulog na ang loob ni Ford sakin.

Pero nagkaroon pa ng twist dahil iba na naman ang girlfriend ni Ford... si Lexie Muñoz na. Masakit pero kailangang tanggapin at kailangan na ring kalimutan ang lahat ng pinagsamahan namin ni Ford dahil sa araw na 'to ay makikita at makakasama ko siya sa araw araw sa iisang proyekto na pagbibidahan namin.

Ilang minuto lang ay nakalabas na ng kwarto si Zoeye. "tara na" sabi ko at naglakad na kami palabas ng bahay.

Pagkasara ng bahay ay naglakad na kami palabas ng village para pumara ng kotse.

Makailan ang ilang oras ay nakarating na kami sa Company ng AVI Artist Agency, kung saan dito magaganap ang look test namin at nandoon na raw yung may-ari ng Shinescape Production.

"Sige na. Dito na lang ako" sabi ni Zoeye.

"sure ka?" sabi ko.

Tumango siya "okay" naglakad na ako papunta sa room na sinasabi ni Ms. Carla.

Pagkapasok ko ay sinalubong ako ni Ms Carla. "Hi, Chloe. You look beautiful today. May pinapagandahan?" natatawang sabi ni Ms Carla.

"hehe, wala naman po. Prepared lang" nahihiyang sabi ko.

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now