Chapter 23
Chloe's Point of View
Nang makarating na ako sa studio hinanap ko at nagtanong kung saan nagpphotoshoot sina Ford.
"Ma'am, san po ba dito ang photoshoot ni Ford?" tanong sa babae.
Nagulat siya at napatili pa "OMG! Ma'am Chloe! Ah! Nandun po, halika samahan ko po kayo" sabi niya at naglakad kami.
"thank you po" sabi ko.
"nako, wala po yun basta ikaw Ma'am Chloe" nahihiyang sabi niya.
"Chloe na lang po" sabi ko saka ngumiti.
''sige po Ma'am-- este Chloe, ay Chlo pwede po bang magpicture tayo?" request niya.
"sige po"
Nang makarating na kami sa studio na sinasagawa ang photoshoot ni Ford ay nag-selfie kaming dalawa at nag-request pa siyang magsolo pic ako.
"thank you po talaga. Ang bait bait niyo po" sabi niya at niyakap
siya.
"you're welcome po" sabi ko.
"sige po" sabi niya at umalis na.
Pumasok naman ako sa loob kasi bukas naman ang pinto, kung kakatok lang ako walang magpapapasok sakin kasi busy sila sa pagkuha ng pose ni Ford.
''good. Perfect angle" sabi ng photographer.
"give me the look of love" request ng director.
Napatigil naman ako ng makita ang pose ni Ford. Halos mapanganga nga ako eh, kasi yan yung titig niya nung kami pa.
"perfect! Para ka ngang in love na in love kay Lexie"
Nang sabihin yun ng direktor parang nalungkot ako at nakita ko ang mga ngiti ni Ford, akala ko yung parang ngiti niya nung kami pa yung pati ang mata ngumingiti rin pero base sa nakikita ko ngayon walang kinang yung mga mata niya.
May problema kaya siya? Hindi na ba siya mahal ni Lexie? Ba't ang lungkot ng mga mata niya?
Naputol ang pagtatanong ko sarili sa pagsigaw ng "that's a wrap!"
"ang galing mo talaga, Ford. You never fail to make me impress. Sana ikaw na lang palagi ang issue sa candy mag "
Natawa naman si Ford. Lalapit na kaya ako para makita na niya ako para matapos na 'tong araw na 'to.
Lumapit na ako at hindi nga ako nagkamali maraming nagulat at nagsabi ng 'ayieee' pero may iba naman 'akala namin si Lexie' ang mga sinasabi.
"finally you're here" sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.
Nagulat nga ako eh "ba't mo ginawa yun?"
Natawa siya "it's just a friendly kiss"
Inirapan ko siya. "ano bang pag-uusapan natin?" tanong ko.
Ngumiti siya "about... us" nang sabihin niya yun parang gusto ko ng umalis at umuwi na ng bahay.
"seryoso ka?"
Tinitigan niya ako "yes, I'm serious. Why?"
Napailing na lang ako. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko at ano ang magiging reaksyon ko kapag sinabi na niya ang lahat.
Umalis muna siya para magpaalam sa director ng pinag-photoshoot niya.
"let's go?" sabi niya.
"sige" sabi ko na lang at inakbayan niya ako papalabas ng studio.
Inalis ko naman ang pagkakaakbay niya sakin "huwag kang gumanyan, baka ma-issue tayo" sabi ko at lumayo ng konti sa kanya.
Natawa siya "bakit? It's okay. Ano naman kung ma-issue tayo? And I know you still love me"
Napahinto ako ng sabihin niya yun ''anong sabi mo?"
"I said I know you'd still lo--" hindi ko na siya pinatapos dahil baka may makarinig pa.
"Alam mo sa restaurant na lang natin 'to pag-usapan" sabi ko at nauna ng umalis.
"hey wait!" rinig kong sabi niya at nahabol niya ako "I'm sorry"
Hindi ko na lang siya kinibo at nagpatuloy na sa paglakad palabas ng building.
Puro siya sorry, buti kung sa relasyon namin siya mag-sorry mas tatanggapin ko pa.
YOU ARE READING
SL 2: Nothing Last Forever
Short StoryFrom CRUSH to become FRIENDS. From FRIENDS to IN A RELATIONSHIP. From BEING HIS GIRLFRIEND to FANGIRL. From FANGIRL to Showbiz Actress. From Actress to ??? . . What will be her label this time? ----- All Rights Reserved ©2016
