SL 2: Nothing Last Forever

947 12 3
                                    

a/n: you must read first the book 1 before you read this, para malaman niyo kung paano nagsimula ang pagkagusto ni Chloe kay Ford.

~   *   ~
Prologue
:

"Ford Medina, pasok sa top 10 Most Sexiest Man in the World! Ayun sa magazine ng FHM ika-lima sa mahigit 300 sexiest Man ang model/actor ng kanyang henerasyon. Maraming fans naman ang nagbunyi ng malaman nilang pasok sa top 10 ang kanilang idolo" sabi ni Gretchen Fullido sa Star Patrol

"hoy Chloe! Napaka-masokista mo talaga! Alam mo namang masakit na yung nangyari sainyo ni Ford tapos panay pa ang panood mo nito!" inis na sabi ni Zoeye at sabay off ng tv.

"Zoeye naman eh! Alam mo naman ako di ba? Simula pa lang supportive na ako sa crush ko..."

"na dati mong naging boyfriend na ngayo'y EX mo na! Kaya tumigil ka na dahil alam kong nasasaktan ka na!"

Inagaw ko sa kanya ang remote at binuksan ulit. "oo aaminin ko nasaktan ako pero wala lang yun sakin!" sabi ko at nanood na lang.

Kinuha niya ang remote sa kamay ko. "wala? Seryoso? Eh panay pa nga ang iyak mo nun ng maghiwalay kayo ni Ford"

Hindi ko na lang siya inintindi.

"Lexie Muñoz at Ford Medina, opisyal ng loveteam ng Pilipinas, mga fans ay todo suporta"

"ano? Masakit? Ano ba Chloe! Kelan ka ba titigil?"

Tinignan ko si Zoeye. "saan?"

"sa pagiging masokista mo? Hindi ka ba naiinis?"

"hindi. Kasi alam ko sa sarili ko na mahal pa niya ako" sabi ko.

Napa-face palm siya "mahal? Mahal pa ba ang nakikita mo sa mga mata niya? Eh hindi ko na nga siya kilala eh!"

"maaaring nag-iba na nga ang mga titig niya pero alam ko at ramdam ko na ako pa rin ang nilalaman ng puso niya"

Napailing siya ng paulit ulit. "ibang klase ka!"

"so Ford, ano na ba ang status niyo ni Lexie?" tanong nito kay Ford at si Lexie naman ay panay lang ang ngiti.

"are you officially together?"

"dating or what?"

"actually..." nagkatitigan pa sila sa mata habang nangiti.

"we're officially together" nakangiting sabi ni Ford.

At nang sabihin niya yun... halos gumuho ang mundo ko.

"ano daw? Foot-a! Net-A! Walang hiya! Talagang in-announce? Tang-shit!" Zoeye.

Naiyak na lang ako ng sabihin niya yun.

"sabi ko na Chloe, Nothing Last Forever talaga. Mas maganda ka pa nga sa pinalit niya eh. Nyeta lang!" napatingin siya sakin at nagulat siya.

"s-sorry Chloe. Shhh.. Tahan na. Hayaan mo kukunin ka nila ulit. Someday makakarma rin sila" sabay yakap sakin ni Zoeye.

Panay pa rin ang iyak ko. Ang sakit pa rin eh mas lalong masakit yung nalaman ko na sila na ni Lexie Muñoz.

"anong nangyari sa'tin Ford?"

"ba't mo ko iniwan?"

"di ba sabi mo, Mahal mo ko? Sobrang in love tayo sa isa't isa tapos pagdating ng araw nagbago na lang lahat? Bakit?"

"Am I not worth loving?"

"ano bang nakita mo kay Lexie na wala sakin?"

"ano?!"

They say na kapag nahanap mo na ang taong magmamahal sayo you should keep it and never let it go dahil kapag pinakawalan mo magsisisi ka hanggang sa huli.

Siya kaya? Pinagsisihan ba niya na iwan ako?

If it's yes then....Nothing Last Forever.

------------

Hi readers! Namiss kong mag-update kaya may panibago akong kwento para lang sainyo. Ito'y Book 2 ng Summer Love. Sana magustuhan niyo and still short story din 'to.

Summer Love 2 Presents: Nothing Last Forever

©AllRightsReserved2016
Date Started: Sept. 10, 2016
Date Finished:

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now