SOLID like a ROCK

204 11 1
                                    

Chapter 10

Chloe's Point of View

"alam kong mahal mo pa ang apo ko, kaya sana huwag mo munang isasara ang puso mo kapag dumating ang panahon na pagtagpuin muli ang landas niyo ng tadhana, kasi hindi natin alam baka pinaglalaruan lang kayo ni kupido. Malay mo isang araw paggising mo malalaman mo na lang na nagkabalikan kayo ulit ni Ford"

"sana nga Lola pero sa ngayon, magpopokus muna ako sa trabahong gagawin namin sa telebisyon" sabi ko at pumasok na ng banyo.

"ay oo nga ano? May teleserye pala kayo. Nako, aabangan ko talaga yan" sabi ni Lola sa labas ng banyo.

"aww, thanks Lola"

"nako, wala yun apo. Malakas ka sakin eh" sabi pa niya.

Natawa naman ako at nagpasya ng lumabas ng banyo.

- * -

Zoeye's Point of View

Kaya ko hinatak si Lexie dahil para magka-comment ang dating mag-dyowa ako naman kasing umintrada pa 'tong babaeng kasama ko tsaka hindi ko feel ang existence niya sa tuwing magkadikit sila ni Ford. Mas bagay kasi sila ni Chloe, hindi sila ni Ford. Iba kasi yung dating sakin eh. Para siyang P.A (Personal Assistant) lang ni Ford, alam kong rude pero nagsasabi lang ako ng totoo, kaya huwag kayong ano diyan.

"saan ba tayo pupunta, Zoe?" aba naman si Ateng! Kung maka-Zoe? (Describes as Zow) Close kami? Eh si Chloe lang ang tumatawag sakin ng ganyan.

"well, i-tour mo ko sa bahay nila Ford" sabi ko.

"hm, sige ba" sabi niya. Hm, medyo mabait siya. MEDYO lang!

Akala nitong babaeng 'to fan niya ako? Hello!? Tao kaya ako at never akong magiging fan niya noh! Asa naman.

Mas fan ako nila Ford at Chloe dahil nung nagsisimula pa lang sila fan na nila ako at forever magiging solid. NEVER magiging LIQUID at GAS. SOLID as in parang bato. Sobrang tigas, yung tipong hindi matitibag ng kahit anong mabibigat na bagay dahil sa pagiging solid o matibay diyan mo makikita kung hanggang kailan mananatili ang isang tao para sayo.

Kaya lang sadyang mapagbiro ang tadhana. Yung akala mong panghabambuhay na sila pero hanggang pangarap na lang pala yun. PERO naniniwala pa rin ako sa kasabihan na All people deserves a second chance, dahil lahat naman talaga may chance basta't ipursige mo na yung taong gusto mong makasama ay marealize na kailangan ka pa niya dahil he/she can't never leave you when the right time comes. Yung tipong yung pagmamahal niya pa rin ang tangi mong hinahanap hanap sa araw araw, yung tipong mas kumportable ka sa kanya at yung tipong siya lang talaga ang nakikita mo sa kinabukasan na makakasama mo ng panghabambuhay.

Sana magkabalikan ang dalawang kaibigan ko kasi nakikita ko na ang magiging kinabukasan nila kapag bumalik na sila sa isa't isa.

Sabi nga sa kanta Love will lead you back someday I just know that Love will lead you back to my arms It won't be long.. one of this days our love will lead you back...

Sana talaga.. magkabalikan ulit sila, dahil everyone of us deserves to have a second chance to love again.

And maybe someday mahanap ko na rin yung lalakeng para sakin. Yung masasabi kong siya na talaga ang makakasama ko hanggang sa huli, yung mamahalin ko at aalagaan ng panghabambuhay.

One new message...

From: Ja

Uy baks! Balita ko split na raw sila Ford at Chloe, trulaley ba itey?

Nagulat naman ako sa tinext niya. Akala ko alam na nila.. kasi halos tatlong taon na nakalipas magbuhat nung maghiwalay sila Ford at Chloe.

Ano bang sasabihin ko? Magsisinungaling ba ako? Hay! Aaminin ko na lang ang totoo.

To: Ja

Oo baks! Split na sila last 3 years ago pa. :(

Ayan, na-send ko na. Panigurado magugulantang ang buong tropa. Bahala na sa hot seat bukas kung magrereply siya at kung makipagkita kasi hindi naman pwede si Chloe bukas dahil magsisimula na sila sa shooting day ng LWLYB (Love Will Lead You Back)

- * -

Ford's Point of View

Nang mahanap ko na ang first aid kit, babalik na sana ako sa sala ng marinig ko ang boses ni baby Matt.
"but why?" parang iiyak na siya.

"hindi ko alam baby eh" sagot naman ni Chloe.

Ano bang pinag-uusapan nila?

"but you and kuya are perfect to each other, why you're not together?"

Ah, kami pala ni Chloe ang pinag-uusapan--este ako pala.

Sumilip ako ng kaunti sa kanila "siguro baby, hindi talaga kami tinadhana kaya ganoon. Stop crying na ha? I know masaya si Kuya Ford sa piling ni Ate Lexie"

Parang masakit sa part ni Chloe ang mga binitawan niyang salita, dahil sa totoo lang Chloe.. kung alam mo lang talaga Chloe.. kung alam mo lang.

"no, I want you to be kuya's girlfriend forever!" Kung pwede lang.

Mahal pa rin kita Chlo, kahit anong gawin ko, ikaw pa rin pala.

"shh.. tahan na baby, may mga bagay talagang hindi nakalaan para satin kaya ganoon. Alam kong hindi mo ko maiintindihan ngayon kasi bata ka pa, maiintindihan mo na lang yan kapag lumaki ka na"

Sorry for hurting you and for causing you so much pain.

"but I know you're still love kuya, right?" he asked. Chloe just hugged my brother.

I can feel you still love me too, Chloe and I feel the same way too.

"tama na ang iyak ha? Strong ka di ba? Kaya huwag ka ng umiyak"

Medyo naiyak rin ako sa kanila kahit nandito lang ako.

"O apo, ba't ka nandiyan?" nagulat na lang ako ng biglang magsalita si Lola mula sa likuran ko

"uh, kinuha ko lang po 'to" sabi ko at pinakita ang First aid kit.

Naglakad na ako papunta kina Chloe. Kahit anong pilit kong pigil ko na hndi muli mahulog kay Chloe, hindi ko magawa dahil sa tuwing nakikita ko siya parang gusto ko ng makipag-break kay Lexie, dahil aaminin ko kay Chloe ko naramdaman ang tunay na pagmamahal.

I'd still love you Chloe...

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now