Not the time

170 8 0
                                    

Chapter 17

Chloe's Point of View

"marami pang mas deserving sa pagmamahal mo. Pero sabi nga nila kung may chance pa lalo na kung hindi pa niya sinabi ang katotohanan kung ba't ka niya iniwan baka posible pang maging kayo.. siguro depende na lang yan kung acceptable pa ang reason niya at kung naiintindihan mo naman kung bakit ka niya hiniwalayan"

"oo nga po. Kahit po naka-move on na ako..I'm still hoping pa rin na maging kami ulit"

Napangiti si Direk "mahal mo pa noh?"

Napangiti ako "Opo, hindi naman po yun mawawala di ba?"

"Hmm, siguro pero kasi may mahal na siyang iba. Maghihintay ka pa? Kung kaninang sinabi niya na Lexie is the one for him"

Nalungkot naman ako "may kasabihan nga po If you love that person you should learn to let him go lalo pa't may mahal na siyang iba" okay. Naiiyak ako.

"aaww, yeah. I know it hurts to see the man you love na may mahal ng iba"

"lalo pa po kung yung mahal niya ay mas hinigitan pa ang pagmamahal ko sa kanya"

Napapahid naman si Direk sa pisngi niya "alam mo ako ang naiiyak sayo" sabi niya at tumingala. "grabe. Ang tibay mo Chloe. Nakakaya mo siyang harapin. Siguro kung katulad ka ng ibang babae malamang luluhuran nila si Ford para bumalik lang sila sa dati"

Natawa ako "but I'm not that kind of girl. I'm the girl who hides the real feeling"

"buti nakakayo mo pa. Baka sumabog ka niyan" sabay tawa ni Direk.

Natawa naman ako "nako hindi po. Kayo ko pa naman"

"mabuti kung ganoon. O siya. Bukas na lang tayo magpatuloy, tinatamad na ako eh at naiiyak pa rin sa nangyari sainyo ni Ford" sabay singhot ni Direk. Sinipon kasi dahil sa pag-iyak.

"sige po Direk" sabi ko sabay tayo at nagpaalam na sa kanya.

Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ako ni Ford, lumapit siya sakin "can I invite you tomorrow, Chloe?"

Napakunot noo ako "saan?"

"sa bahay may pa-dinner kasi si Lola"

Napangiti ako "o sige ba"

Bigla niya akong niyakap "thank you Chloe"

"nako, wala yun" sabi ko at naglakad na ng bigla niyang higitin ang kamay ko.

"are you mad at me?" biglang tanong niya.

Napakunot noo naman ako "hindi. Ba't naman ako magagalit sayo? May ginawa ka bang mali sakin..noon?" oops.

"ahm.. yes. I do have... so many and I think this is the--" pinutol ko siya gamit ang kaliwang kamay ko.

"siguro huwag muna ngayon. Nagsisimula pa lang kasi ako sa career ko at gusto ko pang sumikat" sabi ko sa kanya.

"okay. See you tomorrow" sabi na lang niya. Tumango lang ako at naglakad na palabas ng bahay.

--

Zoeye's Point of View

Ba't ang tagal nilang mag-shoot? Di pa ba sila nakaka-score? Charot charot! Okay. Hindi benta ang joke ko.

Kanina pa kasi ako kinulit ni Jaja eh about dun sa break up thingy nila ni Ford at Chloe. Kanina ko pa nga hindi sinasagot ang tawag niya kasi gusto ko magkita kaming magbabarkada para naman mas malinaw at maintindihan nila.

Tsaka ba't naman ako ang kailangan niyang kausapin at tanungin? Ako ba ang naging girlfriend ni Ford?! Like duh! Asa noh! Kaibigan lang ang turing ko dun.

*pop*

Ayan na naman nagtext na naman ang bakla!

From: Baklang Jaja

Hoy bakla! Ba't ini-snob mo ang tawag ko? Hoy! Sagutin mo na kasi! Gusto kong malaman kung anong nangyari sa kanila!

Kanina pa yan text ng text ng ganyan! Palibhasa unli ang load.

Mareply-an nga 'to para matigil na.
To: Baklang Jaja

Magkita na lang tayo sa MOA dun tayo mag-uusap nila Chloe. Isama mo na rin ang buong barkada.

At na-send na ang text ko. Sana naman tantanan na niya ang kakatawag sakin.

Lalabas na sana ako ng tent ng makapasok na si Chloe.

"wooh! Finally nandito ka na rin!" sabi ko sa kanya.

"o bakit?"

"tapos na ba kayo?"

"bukas na lang daw ipagpapatuloy. Tara na uwi na tayo" sabi niya at lalabas na sana ng pigilan ko.

"hindi pwede. Pupunta tayo ng MOA" sabi ko at kinuha na ang gamit namin.

--

Chloe's Point of View

MOA? Ano naman gagawin namin dun?

''ha? Anong gagawin natin dun?" tanong ko pagkalabas ng tent.

"may kakausap sayo" sabi niya at nagpatuloy na sa paglakad habang dala dala ang mga gamit ko.

"eh sino naman?" tanong ko ng mahabol ko siya sa paglalakad.

"sina Jaja" sabi niya.

Napakunot naman ako. Anong meron para kausapin ako ni Jared?

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now