Use "bitaw" in a hugot

191 9 2
                                    

Chapter 8

Chloe's Point of View

Akala ko talaga totoo na! Grabe. Pero mangyayari kaya yun? O baka sa gagawin naming taping bukas?

Lumabas na kami ng kotse at hinatak ni Zoeye si Lexie papunta sa bahay nila Ford.

"Tignan mo yun akala mo bahay niya yan" sabi ko kay Ford.

Natawa naman siya "Oo nga eh, hindi pa rin talaga nagbabago si Zoeye" natatawa tawang sabi niya.

Napangiti naman ako at di pa rin mawala wala sa isip ko yung panaginip na yun parang nag-iba nga yung pagtingin ko sa kanya parang may galit yung puso ko eh dahil sa nakakainis na panaginip na yun. Ginawa ko ngang kurutin yung sarili ko pero ba't di ako nagising? Nasaktan nga ako eh? Ibang klase naman.

"sinabi mo pa" sabi ko naman.

"tara na, alam kong miss na miss ka na ni Lola and ni Matthew"

Napangiti naman ako sa sinabi niya. "oo nga! Tara na!" sabi ko sabay hawak sa kamay niya at tumakbo papasok sa gate nila.

Parang hindi EX yung turing ko sa kanya noh? Well, ibahin niyo ko sa ibang babae, kahit EX ko na tinuturing ko pa ring kaibigan kahit wala pa kaming closure.

"haha, easy lang Chloe, madapa ka!" paalala niya at ayun nga tama siya hindi ako nag-easy dahil nadapa ako sa lintek na bato na yun.

"aray!" sigaw ko at tinignan ang kaliwang tuhod ko. "hala! Hindi na ako flawless!" mangiyak ngiyak na sabi ko.

Natawa naman si Ford sa sinabi ko. "yan kasi eh, I said be careful" sabi niya at lumuhod sa harapan ko.

"ikaw naman kasi bumitaw ka sa pagkakahawak ko sayo" sabi ko sabay pout.

"sorry. Pati sa paghawak mo sakin bumitaw pa ako, di sana hindi ka nadapa" oh. Double meaning with a hugot yung una niyang sinabi.

"oo nga eh, dapat sana hinawakan kita ng mahigpit para hindi ako nadapa" oh? Ako na ang may hugot.

"ikaw kasi eh, hindi dapat binibitawan ang taong mahalaga sayo dahil kapag binitawan mo maaaring masaktan siya o madapa sa ginawa mong pagbitaw" Hugot!

"ikaw naman kasi ba't ka bumitaw?"

"madulas kasi yung kamay ko kaya ka siguro napabitaw sa kamay ko"

"talaga ba? Bakit kailangan may bumibitaw?"

Tinulungan niya akong makatayo "siguro para sa sarili niya, para makapag-isip? O kaya makahinga"

"talaga? Eh bakit naman siya bibitaw kung mahal na mahal pa niya yung tao?"

"teka nga Chloe, parang ang layo na natin sa topic ah" napansin na niya, sayang! Siguro hindi pa talaga ngayon yung araw para malaman ko kung ano ba ang katotohanan kung bakit niya ako iniwan.

"okay lang kung malayo na. Basta sagutin mo lang ang tanong ko"

Napabuntong hininga siya "okay fine"

"so, ano nga?"

"hm, siguro nalilito na siya kaya siya bumitaw"

"hmm, talaga? Siguro kung ako yung guy hinding hindi ako bibitaw sa babaeng mahal na mahal ko"

Napatigil naman kami sa paglalakad nang dahil sa sinabi ko.

"Look. Chloe, I'm so--" napaputol ang sasabihin ni Ford nang may sumalubong samin na batang lalake.

"Kuya Ford!" sigaw niya patakbo samin kasama si Lola Marg.

"Oh my gosh! Baby Matt!" ngayon ko lang napagtanto na si Baby Matt pala yung bata.

"Ate Chloe?" sabi niya.

"Yes baby. Si ate Chloe 'to" masayang sabi ko.

"waaa! Ate!" sabi niya at balak niya sanang magpakarga sakin ng pigilan siya ni Ford.

"no baby. May sugat si ate Chloe, gamutin muna natin siya okay?"

Tumango lang si Baby Matt at pumasok na kami sa loob ng bahay nila.

"dito ka muna baby Chloe-- este Chlo, kukunin ko lang yung first aid kit" sabi ni Ford. Aaminin ko kinilig ako sa pagtawag niya saking Baby Chloe. Yan kasi yung tawagan namin nung kami pa.

"okay" sabi ko at kinuha na lang ang phone para dun ko ibaling ang kilig ko.

- * -

Ford's Point of View

I'd really miss her that much, yung pakiramdam na gusto mo siya ulit balikan para halikan, yakapin at sabihing I love you, pero mukhang hanggang dun na lang ang lovestory namin kahit wala pang closure. Para ngang wala lang sa kanya yung break up namin eh pero alam ko nasasaktan pa rin siya sa tuwing magkasama kami ni Lexie.

Inaamin ko na pinagsisihan ko kung bakit ko siya brineak-an. Masakit nga sa part ko eh, paano pa kaya sa kanya? Malamang mas triple pa yung sakit na nararamdaman niya. Kung napapasa lang sana ang sakit na dinulot ko sa puso niya ako na lang sana ang dumaranas nun.

Yung mga sinabi niya about sa bitaw alam kong ako ang pinapatamaan niya nun kasi binitawan ko ang halos mag-aanim na taon naming pagsasama pero ginusto ko naman 'to eh dahil kailangan, malalaman na lang niya ang katotohanan sa takdang panahon. Hindi pa kasi ako handa para sabihin sa kanya kung bakit ko siya iniwan na lang.

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now