Chapter 6
Chloe's Point of View
Nang matapos na kami sa photohoot ay dumiretso kami sa opisina ng shinescape para pag-usapan na ang teleserye. Na-eexcite na ako.
Nagsiupuan na kami. Hindi ko kasama ngayon si Zoeye kasi private daw ang pag-uusap about sa teleserye kaya andun lang siya sa labas ng waiting area.
"okay, let's start the story" sabi ni Direk Angel. Dinistribute na niya ang mga folders kung saan nandun nakapaloob ang first part ng script.
"as you can see ang first part ng story ay about sa lovestory dati ng ChloFord este ThiaTim or should I say Thiara Marie and Tim Villaraza" Wow. Kapag sinuswerte ka nga talaga.
Hindi kaya mainis ang mga fans kung ibabalik ang tambalan namin?
"baka may mainis sa mga fans ng FordLex kung ibabalik natin ang ChloFord" puna ni Sir Lawrence.
Natawa naman si Direk sa sinabi ni Sir "Sir, ang pinaka-nauna naman talagang loveteam ay kina Chloe at Ford di ba? Kaya lang hindi sila nagtagal" parang may dobleng meaning yun sakin ah.
"yup, pero nasa present na tayo kaya dapat FordLex ang bibigyan natin ng pansin"
"Oo naman sir, kaya lang mauuna nga lang talaga ang dating loveteam na ChloFord kasi magsisimula ang story sa lovestory dati ng ChloFord" sana hindi ako maiyak sa tuwing gagawin na namin ang pinaka-unang shooting.
"ah.. Oo, okay. So, what is the plot of the story?" sir Lawrence asked.
"magsisimula ang istorya sa isang kwintas na ipinasa pasa sa bawat henerasyon ang kuwintas na ito ay sumisimbolo sa pagmamahalan ng isang tao ngunit may isang tao na balak itago ito at hindi na ibigay pa sa iba dahil ang isip nito ay masyadong makasarili. Wala siyang pakialam kung may nasasaktan na siyang iba ang tanging iniisip niya lang ay ang kanyang pansariling kaligayahan"
"this story will tackle about all the struggles in life na paniguradong makaka-relate ang iba dahil dito sa bagong teleserye na 'to maraming mapupulot na aral" dagdag pa ni Direk.
Hanggang scene 50 ang episodes na nasa script. So, ibig sabihin palagi akong nasa episode?
"the title of the story is Love will lead you back" Bakit nakakarelate ako sa title?
"the main cast are Ford Medina, Lexie Muñoz and Chloe Olivar"
"Ford Medina will portray the character of Tim Villaraza. Tim Villaraza is a playboy but has a good heart and he fell in love with Thiara Marie Lopez that will portray by Chloe Olivar, Thiara Marie is a very loving daughter and girlfriend but when Tim broke her heart, she was so depressed and she's willing to have a revenge on him. Aila Ramos that will portray by Lexie Muñoz, she's a very hardworking girl and a very responsible lady to her family, like she will do anything to make her family happy. She will meet Tim on a very well known place and that will be the teaser of the newest teleserye of FordLex" sabi ni Direk at nagsipalakpakan kaming lahat.
"a very interesting story" puri ni Sir Lawrence.
''thank you sir" sabi ni Direk at nagkamayan sila.
"you're welcome, so when will be the first shooting of this teleserye?" he asked.
"tomorrow Sir we will start the first episode"
"that's great! Sinong sasalang?"
"sina Chloe at Ford" Hala! Kami pala ang una. Kakayanin ko 'to.
"okay. That's nice. Well, good luck to the both of you" sabi ni Sir at nakipagkamayan kami sa kanya.
Pagkatapos ng conference ay lumabas na kaming lahat. "see you tomorrow" sabi ni Direk at nakipag-beso sakin.
Pagkatapos nun ay pinuntahan ko na si Zoeye. "kumusta?"
"okay naman. Bukas na pala ang unang taping namin"
Nagulat siya "talaga? Congrats!"
Napangiti ako "salamat"
"sinong ka-eksena mo?" naeexcite na tanong niya.
"yung Ex ko lang naman"
Halatang nagulat siya "talaga ba? My ghad!"
"oo nga eh. Biruin mo yun?"
"may ibig sabihin lang yan Chlo"
"o ano naman?"
"pinagtatagpo ulit kayo ni Destiny!" masayang sabi niya.
Tinulak ko naman siya "baliw! Ka-eksena ko lang naman di ba? Huwag na tayong umasa!"
"baliw ka rin! Wala namang masama kung aasa ka ulit di ba?"
"ewan ko sayo Zoeye! Tara na nga!" sabi ko at naglakad na kami palabas ng AVI Artist Agency.
"hoy! Marami kayang nagkakabalikan na mag-Ex sa tuwing may project sila"
"well, ibahin mo kami sa kanila dahil kahit kelan hinding hindi na siya babalik sa piling ko, dahil iba na ang nilalaman ng puso niya.. hindi na ako kundi siya.. si Lexie Muñoz"
Mas bagay naman talaga sila eh, kesa naman kami. Siguro nga bagay lang kami ni Ford nung teenagers pa lang kami.
Nakakamiss lang isipin.
YOU ARE READING
SL 2: Nothing Last Forever
Storie breviFrom CRUSH to become FRIENDS. From FRIENDS to IN A RELATIONSHIP. From BEING HIS GIRLFRIEND to FANGIRL. From FANGIRL to Showbiz Actress. From Actress to ??? . . What will be her label this time? ----- All Rights Reserved ©2016
