Not my girlfriend

196 13 1
                                    

Chapter 24

Chloe's Point of View

Nang makarating kami sa kotse niya ay pinasakay niya ako sa katabi ng driver's seat.

"thank you" sabi ko pagkapasok.

"you're welcome, baby Chloe" nagulat ako at napakunot ang noo ng tawagin niya ako sa ganoong endearment.

"Chloe na lang, okay? Wala ng tayo, di ba?" sabi ko.

Tinitigan niya ako "I know Chlo, but I think you should kno--"

"mamaya na lang kasi yan, punta na tayo sa lugar na pupuntahan natin" iritadong sambit ko.

"okay" sabi na lang niya at umalis na kami.

Habang nasa byahe panay ang sulyap sakin ni Ford. Alam niyo ang landi niya, hindi niyo ba napapansin? Tsk! Kaya nga naiinis ako eh, kasi ganyan na ganyan siya kung maglambing sakin. Eh, wala ng kami, kaya hindi na yun tatalab sakin kasi noon yun.. iba na ngayon.

"Chloe, if you don't mind. Have you been on a relationship lately, after we broke up?" tanong niya.

Actually, wala eh kasi siya lang naman ang nilalaman nito noon pa.

"wala. Nag-momove on kasi ako noon eh" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"seriously? I mean, wala bang nanligaw sayo?"

"wala, eh ikaw nga nakahanap ka na agad ng iba" sabi ko.

Napahinto siya sa pagddrive "what? No. I didn't"

Napatingin ako sa kanya ng sabihin niya yun "anong wala?! Eh ano si Lexie sa buhay mo? Di ba girlfriend mo?!" inis na sabi ko.

Napakunot noo siya saka napailing "no! She's not my girlfriend!" Huh?! Ano daw?!

"huwag ka ngang magmaang-maangan diyan! Eh, in-announce mo pa nga sa National TV na kayo na!" wala akong pakialam kung isipin niyang fan nila ako dahil totoo naman.

Natawa siya "oh that? It's just a joke, that's why I said that and Lexie know that my heart will forever be taken by my one true love, so there's no us" natatawang saad niya.

Mas lalo ko siyang tinaasan ng kilay. "ba't mo naman yun ginawa? Hindi mo ba alam na marami kang pinahopiang fans niyo? Hindi ka ba aware na may mga bashers sa paligid? Hindi ka man lang ba nagkaroon ng hiya dahil jan sa joke mo na kayo na?"

Natawa na naman siya "it's because I get irritated to that reporters who always keeps on asking if what is our real score, so I decided to say we're officially together to make them stop and be happy for us"

Inirapan ko siya "pero kahit na, pinagmukha mong tanga ang mga fans niyo!" sabi ko saka binaling ang paningin sa bintana.

"I know, but they will understand that"

Inirapan ko na lang siya sa bintana.

Ford suddenly touch the hand of Chloe.

Nagulat naman ako ng hawakan niya ang kamay ko. "I missed this" sabi niya.

Pinipilit kong bawiin ang kamay ko. "ano ba?! Magdrive ka na lang" inis na sambit ko.

Sino ba yung one great love na sinasabi niya? Di kaya ako?

-------

Nang makarating na kami sa restaurant, nagpark muna siya ng kotse tsaka inalalayan ako palabas ng kotse.

Nang makapasok na kami may lumapit na waiter samin at dinala kami papunta sa uupuan namin.

"enjoy your food, ma'am and sir" sabi nung waiter saka umalis na.

Nagulat nga ako eh kasi talagang pinaghandaan niya ang sinasabi nilang ''dinner date''

"ba't may ganito? Akala ko ba mag-uusap lang tayo?" sabi ko.

"well, I want to be more special" nakangiting sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay "special? Bakit kailangan bang maging espesyal ang ganitong usapan?"

Napakunot noo siya "yes, cause I know you missed this"

"ano?! Nagsayang ka pa ng pera para dito! Ano ba kasing sasabihin mo? Para matapos na" iritang saad ko.

"chill. Okay?" tinitigan niya ako ''you've changed now, Chloe"

"bakit? Masama ba? Eh ikaw nga andaming nagbago sayo!" sabay tingin ko sa labas ng bintana.

Napahinga siya ng malalim "look, I'm sorry"

Tinitigan ko siya "yan na lang ba ang parati kong maririnig sayo? Yang SORRY mo? Wow!" sabay cross arms ko.

"I'm very sorry for what I did to you. I'm seriously sorry for all the pain that I've caused you, for all the tears that you've shed and for all the heartaches that I've caused you. I'm very very sorry, Chloe" nakikita ko talaga sa mga mata niya na sincere siyang magsabi ng sorry.

Pero, bakit hindi pa ako kuntento? May kulang ba sa sorry niya?

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now