Chapter 27
Ford's Point of View
After a minute lumabas na ng kwarto si Dok. Tumayo ako para tanungin siya "Dok, how is she?"
Ngumiti siya "she's fine now, you may see her now" Doc said and she left.
Pumasok na ako ng kwarto at nakita ko si Chloe na nakatingin sa kisame. "Hey" I said then close the door.
"uy" she respond.
"how are you feeling?" I asked.
"okay na"
"you sure?"
"yes, pero gutom na ako eh" She said then rub her belly.
I laughed "ikaw talaga. O sige, bibili lang ako sa labas" I said then kissed her forehead.
Dug. Dug. Dug. Dug.
"okay. Ingat ka" she said.
I nod and smiled to her. Lumapit na ako sa pinto at lumabas na para bumili ng pagkain.
Why my heart beats that loud? Am I in love again with her? Well, It's true. She's my one true love that I've been talking about and it will never changed.
--
Chloe's Point of View
Dug. Dug. Dug. Dug.
Bumabalik na naman yung naramdaman ko sa kanya nung parati ko siyang nakakasabay bumili sa tindahan at pati na rin yung tinulungan niya ako sa pagbitbit ng bagahe ko nung pumunta kami sa resort at pati nung mga araw na kami pa.
Ito na ba yung hudyat na magkakabalikan na kami?
Wala naman sigurong masama kung magiging kami ulit di ba? Tsaka wala namang relasyon sila ni Ford dahil sabi ni Ford magkaibigan lang sila pero paano yung mga tagahanga nila?
Tsk. Si Ford naman kasi eh! Ba't naman niya sinabi sa buong mundo na sila na? Psh.
Makapag-social media nga muna-- ay! Wala sakin ang phone ko. Baka na kay Ford. Paano kaya 'to?
"I'm here" napatingin naman ako sa may pinto at nakita si Ford na may dalang paper bag.
"buti naman" sabi ko at nilapag niya sa table ang pinamili niya.
"I brought you soup" sabi niya at binuksan niya yun saka lumapit sakin para subuan ako.
*sip* "ang sarap naman, parang luto mo lang" sabi ko.
Napangiti siya "yeah, kung malapit lang sana ang bahay ko pinagluto kita kaya lang ang layo eh"
"nako. Okay lang. Okay na sakin yung nandito ka kasama ko"
Napatigil siya sa sinabi ko at gayun din ako. Ano bang pinagsasabi ko? Masyado ata akong nasarapan sa soup kaya kung ano ang mga pinagsasalita ko. Tsk.
"Chloe, have you forgiven me?" tanong niya.
Tinignan ko siya "oo naman. Sino ba naman ako para hindi ka patawarin, di ba? Kung ang Diyos nga nagpapatawad tao pa kaya?" Nginitian ko siya "kaya pinapatawad na kita. Okay na sakin na sabihin mo yung totoo basta hindi ka nagsinungaling sakin. Kasi kahit papano minahal mo rin ako ng higit pa sa buhay mo at ganoon din ako sayo"
Tinabi muna niya ang hawak niyang sopas "really? I feel sorry for that Chloe. Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko sayo, I even punch my face when I did to leave you alone and I felt so bad when I'm not with you. I'm really sorry" ngayon nakikita ko sa mga mata niya na bumabalik ang dating pagtingin niya sakin.
Destiny, ito na ba yun? Kasi hindi mo naman kami ipagtatagpo ulit kung walang rason di ba?
Destiny, give me a sign to lead us back on each other's arm.
Hinawakan ko ang kamay niya "Ford, okay lang sakin. Ang gusto ko lang kasi maging totoo ka sakin at walang tinatagong kasinungalingan. Kaya, pinapatawad na kita" ngumiti ako "huwag mo ng sasaktan ang sarili mo ha?"
Natawa siya at pinahid ang luha niya "yes, nagawa ko lang yun kasi nagsisi talaga ako at I know to myself that I've missed you and I still love you" He looked me into my eyes and hold my hand. "Chloe Olivar, will you accept me in to your heart, again?" he asked.
Nagulat ako nang tanungin niya yun. Destiny! Ano na? Ito na ba talaga?
Hihingi ako ng sign ha? Kapag nakakita ako ng hugis puso na kulay red dito sa loob ng kwarto.. sasagutin ko na siya.
Inikot ko naman ang paningin ko sa loob ng kwarto pero wala akong nakikitang hugis puso.
O_O Nang mapatingin ako sa suot ni Ford na blue polo. Ito na nga yung sign. May hugis puso sa left side ng polo niya.
"Ford..." pabitin kong salita. Ngumiti siya habang naghihintay ng sagot ko "yes. I will accept you in to my heart again" I said.
Nakita kong mas lalong napangiti siya at biglang nagtatalon sabay sigaw ng "yes!" halatang ang saya niya kasi napalakas masyado ang pagsigaw niya. "thank you, Chloe. This is what I've been waiting for" he kissed the back of my hand "I love you"
Napangiti ako "I love you too, baby Ford" I said.
Lumapit siya sa mukha ko at hinalikan ako sa labi "I really really love you, baby Chloe" He said.
I feel kilig when I finally hear that again.
Wala na akong masabi, niyakap ko na lang siya dahil hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin 'tong lalakeng 'to.
Kumalas na kami sa yakap at pinakain ulit ako ni Ford "Baby, pwedeng sekreto lang 'tong relasyon natin?" sabi ko.
"why? Alam mo naman ako di ba? Clingy masyado" natatawang sabi niya.
"oo nga eh, pero kaya mo naman pigilang maging clingy, di ba?"
"hm.. I can't. When I want to kiss you on public, I will do that and even hug you"
Napa-pout ako "sige na baby, please?" pagmamakaawa ko.
Napabuntong hininga siya ''I'll try, baby"
"huwag mong subukan, gawin mo baby"
Tumango na lang siya at sinubuan ako.
Sana gawin niya dahil kung hindi lagot ako sa mga bashers niya.
YOU ARE READING
SL 2: Nothing Last Forever
Historia CortaFrom CRUSH to become FRIENDS. From FRIENDS to IN A RELATIONSHIP. From BEING HIS GIRLFRIEND to FANGIRL. From FANGIRL to Showbiz Actress. From Actress to ??? . . What will be her label this time? ----- All Rights Reserved ©2016