Chapter 15
Chloe's Point of View
Nang matapos na silang mag-usap ay pumasok na ako, kunwari hindi ko narinig yung pinag-usapan nila.
"hello po" bati ko sa kanila "kukunin ko lang po yung script" sabi ko.
"ay Oo, naiwan mo" sabi ni Direk at binigay sakin ang script.
"thank you po" sabi ko at lumabas na ng kwarto. Hindi pa ako nakakalayo ay may narinig ako "ang ganda talaga ni Chloe, sayang siya!" sabi ni Direk. Kilalang kilala ko na kasi ang boses niya.
Napangiti ako na may halong pait sa labi at sinabing "sinayang niya ako eh"
Papalabas na sana ako ng bahay ng may humablot sa kamay ko. Napaharap naman ako at nakita si Ford. "can I talk to you?"
Napakunot noo ako "tungkol saan?"
"yung kanina. Sorry kung nasabi ko yun. I don't mean it. Sorry talaga" sincere na sabi niya.
You don't mean it? Eh bakit yung dating sakin may meaning?
"ah, yun pala. Nako, okay lang. Wala yun" wala yun? Eh umiyak nga ako eh. Yung totoo Chloe?!
"but I'm really sorry" pagpapatawad niya.
Tinap ko ang balikat niya "okay lang talaga" sabi ko. Nakita ko namang napangiti siya. "sige" sabi ko tumango na lang siya at bumalik na sa kwarto.
Okay sana kung sa relasyon namin siya mag-sosorry eh, pero mukhang hindi na yun mangyayari kasi may girlfriend na siya at wala na talagang second chance na mangyayari samin.
Wala na ang pag-asang magiging kami pa kasi sa nakikita ko pa lang sa mga mata niya iba na. Ibang tao na ang nakikita ko sa katauhan ni Ford.
Wala na talaga yung spark na nakikita ko sa tuwing masisilayan ko ang kanyang mga mata at pati na rin ang titig niya sakin na dati'y nangungusap.
Pagkarating ko sa tent nahiga na lang ako sa foldable bed ko. "o, anyare sayo?" sabi ni Zoeye.
"nagsorry siya" sabi ko habang tinitignan ang bawat pahina ng script.
"yun bang kanina? Aba! Buti naman di niya nakalimutang mag-sorry akala ko pati yan nawala na sa kanya. Para ngang hindi ka niya tinrato na kaibigan eh at parang hindi ka naging bahagi ng buhay niya noong kayo pa"
Natawa naman ako "ay? Na-boang na?" sabi niya. Tinapunan ko siya ng candy.
"hindi noh!" Umayos ako ng upo "tsaka parang hindi niya ako minahal ng bitawan niya yung mga salitang sinabi niya sakin. Para nga akong isang hamak na estranghero na kakakilala pa lang niya sa set"
Natawa din siya "ganyan talaga ang buhay, kapag kasi nagbreak na ang dating magdyowa bigla na lang niya itong kinakalimutan at yung nabuong pagsasama nila nung girl tinatapon na lang niya. Kaya dapat ikaw tratuhin mo din siyang stranger para quits kayo" tinapunan ko ulit siya ng candy.
"sira! Hindi naman ako ganyang tao"
"yun na nga! Ba't kasi ang bait mo? Akala ko ba magbabago ka na? Eh bakit parang wala pa akong nakikitang pagbabago sayo?"
"eh kasi ganito talaga ako. Hinding hindi ako magbabago"
"well, kung ganyan ka na talaga.. Susuportahan na lang kita pati na rin sa pagiging artista mo" sabay ngiti niya.
Bumangon ako para yakapin siya "aww, Thank you Zoeye"
"you're welcome my dear Chloe"
Nawalan man ako ng boyfriend meron pa din akong kaibigan na handang sumuporta sa kahit anong problemang haharapin ko sa buhay. Kahit siya lang okay na ako atleast may nagmamahal pa sakin.
YOU ARE READING
SL 2: Nothing Last Forever
ContoFrom CRUSH to become FRIENDS. From FRIENDS to IN A RELATIONSHIP. From BEING HIS GIRLFRIEND to FANGIRL. From FANGIRL to Showbiz Actress. From Actress to ??? . . What will be her label this time? ----- All Rights Reserved ©2016