Girl talk

178 7 0
                                    

Chapter 16

Chloe's Point of View

"Chloe, may last scene pa tayo. Tara na" dinig kong sabi ni Direk sa labas ng tent.

"sige po Direk" sabi ko saka bumangon na sa foldable bed at lumabas na ng tent.

Nakita ko sila sa loob ng bahay kaya pumasok na ako at nakita sa kusina ang scene.

"okay. Dito sa last scene niyo for today ay magluluto si Ford- este si Tim ng paboritong pagkain ni Chloe-este ni Thiara at take note dapat super sweet ninyo dito ha?" Tumango kami sa eksplenasyon ni Direk.

Pumwesto na kami ni Ford. Siya'y nasa harap ng stove habang ako naman ay nakaupo sa harap ng mesa.

"tandaan you need to be in love in this scene. Isipin niyo kayo pa rin dito" aniya

"yes Direk" sagot namin.

"okay. Camera rolling. Action!"

Naamoy ko ang niluluto ni Tim. "ang bango naman niyan baby" sabi ko saka lumapit sa kanya.

Napangiti siya at pinayakap niya ako sa kanya "of course. I've made this just for you. For my one great love" sabi pa niya.

Ako ang kinikilig sa eksenang 'to. Parang gusto ko ng gawing totoo.

He kissed my lip "ang sweet mo talaga"

He's cooking my favorite food which is carbonara.

"of course. Ikaw lang naman ang tanging babae sa buhay ko except to my mom" Kinilig naman ako.

"ikaw ah! Baka tumamis na yang niluluto mo na dapat maalat ng konti" pabirong sabi ko.

Natawa rin siya "well, okay lang baby, basta luto ko 'to para sayo and I know you'll love it"

Pinisil ko ang pisngi niya "thank you my love" then I gave him a kiss on his lip.

"you're always welcome my love" then he kissed me back.

"and CUT!" sigaw ni Direk.

Nagpalakpakan naman ang mga kasamahan ni Direk.

"wooh! Grabe kayo ha! Kanina pa may tumitili dito sa gilid ko dahil sa kilig sainyo. Alam niyo perfect talaga kayo para sa isa't isa.. pero bakit? Anong nangyare sainyo?" aniya.

Nagkatinginan naman kami ni Ford at natawa siya.. Ako nangiti lang.

Inakbayan ako bigla ni Ford "Direk, we're really perfect talaga but things doesn't work well between us" sabi ni Ford.

Nang sabihin niya yun may malaking question mark at lumabas sa isip ko.

Anong things doesn't work well between us, Ford? Anong ibig mong sabihin?! Eh wala naman akong maalala na hindi nag-work ang relasyon natin! Ang alam ko sobrang in love natin sa isa't isa noon pero ng lumaon... ikaw ang nagbago! Ikaw ang napagod sa pagmamahalan natin! Alam mo sinayang mo ang relasyon natin eh! Siguro kung hindi ka napagod malamang tayo pa rin hanggang ngayon. Pero anong nangyari? Wala! Ikaw ang unang sumuko!

Ang sakit lang marinig ang mga salitang yun sa taong mahal mo. Grabe ni hindi niya lang muna pinag-isipan ang mga bibitawan niyang salita. Iba na talaga siya. He's not the old Ford anymore.

"hay nako Ford! Kung sabihin mo na kasi kung anong nangyari para malaman na namin pati ni Chloe, di ba Chlo?" sabay tingin sakin ni Direk.

Nangiti na lang ako dahil hindi ko alam kung sasagot ako o hindi.

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now