That photo

234 13 1
                                    

Chapter 28

Chloe's Point of View

"by the way babe, papunta na dito sina Zoeye"

"ah, sige" sabi ko.

--

Zoeye's Point of View

Continuation...

Ngumiti at tumango. "kayo na--" naputol ang sasabihin ko ng pumasok sila Jaja, Boom, Bubbles at Cherry.

"anong nangyari sayo Chlo? Kanina lang nagbonding pa tayo tapos malalaman na lang namin na sinugod ka na sa ospital!" nag-aalangang sabi ni Jaja.

"nawalan kasi ako ng malay kanina eh dahil sa bigat ng nararamdaman ko pero don't worry. Okay na ko" sabi ni Chloe saka ngumiti.

"at ikaw naman? Ba't ka nandito?" mataray na tanong ni Boom at Jaja kay Ford

Sinaway naman sila ni Chloe ''ano ba kayo? Huwag niyo naman awayin si Ford, siya ang nagdala sakin dito"

"really?" tinitigan ni Jaja si Ford from head to toe "you're different now Ford, very different"

''yeah, what happened to the old Ford?" dagdag pa ni Boom.

"guys, lahat naman ng tao nagbabago" sabat ni Cherry.

"hindi lahat kailangan magbago, ang nagbabago lang naman ay yung mga taong nasaktan at iniwan ng kanilang minamahal" sabat ko.

"guys, ako pa rin 'to. I'm still the same Ford you've known, I will never change"

"change? Talaga? Eh bakit hindi ka nakapunta sa anniversary niyo ni Chloe?" inis na sabi ko.

Sinaway naman kami ni Chloe "uy guys chill, pwede bang goodvibes lang tayo?"

"no Chloe, we can't. Buti na lang in-upload ko na lahat ng pictures niyo nung kayo pa para hindi ka i-bash ng mga trolls sa social media"

"ha? Bakit?"

"eh kasi may nagpost ng photo na may caption na 'OMG! Chloe Olivar is in the studio we're Ford Medina has a photoshoot on a Magazine issue'. Tapos andaming nagcomment ng masasakit at masasama. Tsk! Buti na lang rumesbak ako para ipagtanggol ka"

"Ja, hindi mo na sana ginawa at hindi mo na lang sana pinatulan alam mo naman ang mga tao ngayon mga immature na" sabi ni Chloe.

"Chlo, tama yung ginawa ko dahil gusto kong ipamukha sa kanila na hindi ka malandi at mang-aagaw dahil in the first place ikaw dati ang nagmamay-ari ng puso ni Ford pero ayun inagaw ng iba! Leche lang!" bulyaw ni Jaja.

"alam ko naman na ipagtatanggol mo ang kaibigan na inaapi ng mga tao pero sana hindi mo na pinost yung mga old photos namin ni Ford"

"hay nako Chloe! Mas mabuti na yun para malaman rin nila na naging kayo noon at sana pati rin ngayon pero wala na nga sabi mo, but I'm still hoping na magkakabalikan kayo ulit" nakita ko namang nagkatinginan yung dalawa. Nagulat ako ng ngumiti si Ford tumingin ako kay Chloe na napakunot ang noo.

"huwag ka ng umasa Ja, he's taken already, move on na tayo" Sabi ni Chloe.

"tsk!" Tinignan naman ni Jaja si Ford "ano bang nagustuhan mo kay Lexie? She's not even pretty"

"well, I'm not looking on the physical appearance of a person, I'm looking on the attitude, so I guess she's a kind person and a caring lady that's why I love her" sabay ngiti ni Ford.

SL 2: Nothing Last ForeverWhere stories live. Discover now