Chapter 14
Chloe's Point of View
Nang makatapos na siya ay bumalik na kami sa tent.
"thank you Zoeye" sabi ko.
''hmp, wala yun. Ano ka ba? Ganyan talaga ako sa isang kaibigan lalung lalo na pagdating sayo" sabay ngiti niya.
"kaya nga ikaw na lang yung kaibigan ko dito eh. Kasi yung dati kong kaibigan iniwan na ako at sinaktan pa"
Napangiti siya ng mapait "oo nga. Hindi ko na nga siya kilala eh. Ibang iba na siya ngayon kesa noon"
"alam mo akala ko ang pagkakaibigan hinding hindi mawawala, pero bakit parang pakiramdam ko pati sa pagkakaibigan bigla na lang nawawala agad? Yung parang iniwan ka lang niya. Parang kinalimutan ka at ang mas masakit ay yung pinagpalit ka sa iba at ikaw naman 'tong umaasa na sana bumalik ulit siya sayo. Ang sakit palang isipin na bigla na lang mawawala yung friendship niyo nang dahil sa nagkahiwalay kayo na walang closure"
Napabuntong hininga si Zoeye "yan yung sinasabi nilang 'nothing last forever' yung akala mo permanente na siya sa buhay mo tapos yun pala hindi, walang kasiguraduhan at walang forever. Ba't ka kasi umibig dun? Di sana hindi ka nasasaktan ngayon"
Napalo ko siya "ikaw naman. Eh di ba sabi nga nila hindi masamang umibig at sabi pa sa kanta kapag tumibok ang puso wala ka ng magagawa kundi sundin ito tsaka hindi naman napipigilan ang puso eh lalo na kung ang tinitibok nun ay siya lang at hindi rin natuturuan ang puso na umibig sa taong hindi naman siya ang tinitibok nito"
"wow. Ikaw na ang reyna ng hugot, pero seryoso. Sana hindi mo na lang siya minahal, kung hindi mo sana naramdaman ang pesteng dug dug na yan sa kanya di sana hindi ka nag-iiyak ng ganyan at hindi ka nasasaktan"
''di ba sabi nga nila wala namang nasasaktan sa tuwing umiibig ang isang tao at kapag umibig ka parati ng nandiyan ang salitang masasaktan ka"
"o, alam mo naman pala. Ba't mo pa siya minahal?"
Napalo ko ulit siya "alam mo naman na hindi palagi sa una ang pagsisisi di ba? Tsaka kapag umibig ka malamang hindi mo yun maiisip kasi nadadala ka ng pagmamahal sa kanya yung wala ka munang pakialam sa mangyayari kasi hindi naman yan announcement sa paaralan na sasabihin na pagkatapos ng tatlong taon ay magbbreak na kayo, kumbaga binibigla ka na lang ng panahon na darating din pala yung araw na magkakahiwalay din kayo"
"alam mo, pwede ka ng maging love guru. Andami mong alam eh"
Napasimangot naman ako "panira ka naman eh! Alam mo namang nagmomoment ako dito" inis na sabi ko sabay pasok na sa tent.
Narinig ko naman siyang tumatawa "ang cute mong magalit Chloe!" at natawa naman.
"ewan ko sayo!" sabi ko habang hinahanap ang script.
"pero seryoso Chloe, wala talaga sa una ang pagsisisi kasi palaging nasa huli na at kapag nangyari na sasabihin mo na lang sa sarili mo na 'sana hindi ko na lang siya naging crush, sana hindi ko na lang siya kinaibigan at sana hindi ko na lang siya minahal. Ba't kaya ang tanga ng ibang tao sa tuwing umiibig? Yung tipong playboy ang naging boyfriend tapos magseselos yung babae eh alam naman niya na playboy yung boyfriend niya.. ang tanga lang di ba? Sana hindi na lang niya sinagot yung lalake para hindi siya nasaktan ng sobra. Hay nako, ang hirap talagang mainlove. Buti na lang wala pa akong lovelife at wala rin akong balak na magkaroon"
"weh? Hindi mo yan masasabi, pustahan tayo maybe this year or next year may magpaparamdam na lang sayo"
"hmp! Ano yan halloween? Eh kakatapos lang"
''meron yan! Baka nga maging brusko na si Jared eh" pabirong sabi ko.
*poink*
"aray!"
"heh! Di kami talo ng baklang yun! Okay?"
Napa-make face ako "weh? Eh gwapo naman si Jared kahit bakla. Malay mo kapag minahal mo yun magiging straight na siyang lalake" pagpupursige ko sa kanya.
Pinalo niya ako "tumigil ka diyan! Hindi ako pumapatol sa bakla!" pasigaw niyang sabi.
Natawa naman ako. "tumahimik ka. Baka marinig tayo"
"ano ba kasing hinahanap mo diyan?"
Kanina pa kasi ako naghahanap ng script ko na binigay ni Direk hindi ko mahanap. "yung script na hawak ko kanina"
"ah, oo. Baka naiwan mo dun sa pinuntahan niyo"
"ah! Oo. Punta lang ako dun" sabi ko na lang at lumabas na ng tent para kunin ang script sa loob ng bahay sa kwarto.
Nang makarating na ako sa loob at papunta na sa kwarto na kinuhanan ng eksena namin ay napahinto ako "bakit nga kayo naghiwalay? Nakaka-intriga naman kasi ang nangyari sainyo eh" dinig kong sabi ni Direk at alam ko kung sino ang kausap niya.
"Direk, I don't want to answer that" sabi ni Ford.
Ano pa bang bago? Syempre hindi niya yan sasabihin kasi masyadong personal.
"ay? Bakit naman? Parang ang sakit naman sa part ni Chloe. Teka, alam ba niya?" Direk, kung alam mo lang.
"Direk, I won't answer that. I'm not yet ready" rinig kong sabi ni Ford.
Ako rin Ford, Hindi pa handa na malaman ang rason mo baka kasi hindi ko kayanin eh.
YOU ARE READING
SL 2: Nothing Last Forever
NouvellesFrom CRUSH to become FRIENDS. From FRIENDS to IN A RELATIONSHIP. From BEING HIS GIRLFRIEND to FANGIRL. From FANGIRL to Showbiz Actress. From Actress to ??? . . What will be her label this time? ----- All Rights Reserved ©2016
